Three

3.2K 114 4
                                    

Ilang araw nang hindi nagte-text sa akin si Kathryn. Wala naman akong naaalalang nagkatampuhan o nagkaaway kami. Ang totoo nga niyan, sobrang lambing niya sa akin. Pero ngayong araw, hindi siya nagparamdam. Kanina ko pa siya tinatawagan, kaninang umaga pa hanggang ngayon, wala pa rin. Wala naman siyang shoot ngayon o kahit trabaho, alam ko.

Kinuha ko muli ang phone ko at tinawagan siya. Pero ganoon pa rin, walang sumasagot. Kaya sinunod kong tawagan si Tita Min.

At ito, nalaman ko na buong hapon nang hindi lumalabas ng kwarto si Kathryn at hindi pa kumakain. Mukhang may dalaw ang mahal ko.. Pero hindi dapat niya ginagawa ang ganito! Paano kung magkasakit ulit siya gaya nooong dati?

Pagkatapos na pagkatapos ng shoot ko, agad akong dumiretso sa bahay ng mga Bernardo para puntahan ang aking nag-iisang reyna. Hindi ako matahimik eh. Lalo na't hindi ko pa naririnig ang boses ni Kathryn ngayong araw at text man lang na galing sa kanya. Parang hindi kumpleto ang araw ko. Hindi ako mapalagay.. Baka kung ano nang nangyayari na hindi ko alam.

"Hay nako, DJ, ewan ko ba sa batang 'yon. Puntahan mo na. Alam ko naman na ikaw lang ang makakapagpakain sa kanya." Sabi ni Tita Min kaya nagpunta na ako sa kwarto ni Kath.

Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin ang likod niyang nakikita sa gawi ko at mukhang tulog. Dahan dahan kong sinarado ang pinto ang lumapit sa kanya sa kama.

"Bal..." Malambing na tawag ko at gumapang palapit sa kanya. Niyakap ko siya sa likod. "Sabi sa akin ni Tita Min, hindi ka pa kumakain ng lunch at hindi ka pa lumalabas. 'Di ba, sabi ko sa'yo, ayokong nagpapalipas ka ng gutom?"

Tangina, na-miss ko siya. Huling beses ko siya nakita, noong nakaraang araw. Ang tagal na, ano? Haha.

Nakatalikod pa rin siya sa akin habang nakayakap pa rin ako. Mukhang tulog nga, pero ilang saglit, naramdaman ko ang pagyugyog ng balikat niya na ikinabigla ko.

"Tangi, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko at hinila siya paharap sa akin. At nakita ko ang mukha niyang basang basa sa luha at namumugto na ang mga mata. Kaya mas kinabahan ako.

Ba't siya umiiyak?

"Tangi, bakit ka ba umiiyak? Okay ka lang ba, ha? May sakit ka ba?" Sunod-sunod na tanong ko habang inaayos ang buhok niyang magulo at patuloy lang siya sa pag-iling.

Baka naman na-miss lang ako. Dito na kaya ako matulog. Magandang idea.

Hinintay ko ang pagtigil niya sa pag-iyak tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Ang matic ng lungkot sa labi ko dahil sa pag-iyak niya.

"Okay ka na?" Tanong ko at tumango siya pero muli na namang umiyak. "Bal naman.. Sabihin mo sa akin kung ano ang problema. Kinakabahan na ako."

"DJ, d-don't leave me." Katagang sinabi niya na nakapagpangiti sa akin.

Siya? Iiwan ko? Imposible. Hindi ko kaya eh. Alam niyo 'yong isang araw lang na hindi siya nakita, parang isang taon ang katumbas. Sanay na kasi akong lagi siya nakikita, nakakasama, at masasabi ko na hindi ko kayang wala siya sa paningin ko. Para na nga kaming mag-asawa.

"Hindi kita iiwan, Kath. Pangako 'yan." Sagot ko at hinalikan siya sa noo, at sumunod sa labi niya kinaaadikan ko.

At bakit ko siya iiwan? Ewan ko na lang kung iwan ko siya kahit itulak niya ako palayo sa kanya.

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon