Twelve

2.7K 73 10
                                    

(Flashback)

Lumabas si Kathryn mula sa banyo na halos hindi mapakali at mukhang sabik na sabik. Ewan niya, hindi rin niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman simula nang mailuwal niya ang anak nila ni Daniel. Na para bang gusto niya ay palaging napapadali ang mga kailangan niyang gawin upang mahawakan nang muli ang anak nila.

Sa hindi nakikita ni Kathryn, nanatiling nakaupo sa kama si Daniel habang pinapanood siya. Nang matapos sa pagbibihis si Kathryn, napangiti si Daniel nang makita niyang papalapit na ito papunta sa kanya para damayan na siyang matulog.

"Halika na, Bali. Tulog na tayo." Malambing na sabi ni Daniel at inaalok pa ang kamay nito sa kanya.

Napangiti naman si Kathryn at lumapit siya ngunit nanatiling nakatayo sa harap ni Daniel. Niyakap siya ni Daniel at sumubsob sa tiyan ni Kathryn, unti-unti niya namang hinahalik-halikan ang tiyan na tatlong linggo na ang nakalipas nang lumabas ang laman.

Ang bilis, dahil parang noong nakaraang linggo pa lamang ay binibilang niya ang mga ilang araw pang lilipas para makita na ang munting anghel sa tiyan ng nobya niya, at ngayon, nakalabas na nga nang tuluyan.

"Bal.." Pagtawa ni Kathryn sa ginagawa ni Daniel kaya napaangat siya ng tingin.

"Hmm?"

Nagniningning ang mga mata bilang pareho, kita ang sobrang saya. Kung ano ang ikinasaya nila noong panahong nalaman bilang magkakaroon na sila ng anak, mas naging triple, mas sumobra ngayon.

"Dito na lang kaya natin patulugin si Sam? Kunin natin siya kay Mama ngayon, tara." Sabi ni Kathryn at medyo natawa si Daniel.

"Bal, bukas na.. Late na oh, tulog na siya." Sagot ni Daniel at bumitaw na. "Tulog na rin tayo." Pag-aya na nitong humiga na sa kama.

"Eh, kasi.. I can't sleep without him near me." Malumanay na sabi pa ni Kathryn at para bang nahihiya kay Daniel sa kanyang sagot.

Nakangiti pa si Daniel sa kanyang nobya. Nakangiti siya sa pagrason ni Kathryn pero nawala rin ang ngiti niyang ito. Bigla siyang nakaramdamn ng pakiramdam na 'di niya maintindihan, tampo at kaunting selos. Nakakatawa, oo, inaamin niya, nagseselos siya sa anak niya.

Tatlong linggo mula sa panganganak, inuumpisahan na nilang dalawa ni Kathryn na isagawa ang mga plano na kanilang napag-usapan noong buntis pa lamang si Kathryn. Kasal. Agad-agad na, wala nang patumpik-tumpik pa. Pero mukhang matatagalan pa ng ilan pang buwan dahil napagdesisyunan ni Daniel at Kathryn na pabibinyagan muna ang kanilang anak, at hihintayin muna nilang lumaki pa ang bata ng mga pito hanggang siyam na buwan bago magpakasal.

At isa rin sa rason kung bakit ay tila nauudlot ang pag-uusap pa nila sa kasiguraduhan ng lahat ng mga bagay-bagay ay si Kathryn na pagiging abala sa anak nila.

Ngumiti pa rin si Daniel kahit kita niya sa mukha ni Kathryn ang kagustuhang makuha ang anak nila sa silid ni Min.

"Tangi, noon, ako lang 'yong tinutukoy mo sa mga ganyan.." Gusto sanang sabihin ni Daniel ito sa kanyang nobya pero hindi niya na itinuloy.

"Sige na, please? Puntahan natin siya." Hiling pa ni Kathryn sa kanya.

Nagsimulang mairita si Daniel sa pagpilit ni Kathryn at mukhang pipilitin at pipilitin siya.

"Bukas na nga. Gigisingin mo pa 'yong bata eh."

Pagrason ni Daniel na nasa katwiran pero hindi nagpatinag si Kathryn.

"Hindi naman.. Paano kung kakailanganin niya 'yong milk ko? 'Di ba, mas maganda kung malapit siya sa akin? Kung katabi ko siya rito?"

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon