A/N

2.7K 53 19
                                    

Kathang imahinasyon lamang ng may-akda. Maaaring may katotohanang impormasyon at kwento ngunit purong gawa-gawa lamang ang laman na mayroon ang istoryang ito.

Unang-una po sa lahat, nagpapasalamat po ako sa mga sumuporta at patuloy na nagbibigay ng reaksyon sa kwentong ito! Hindi niyo lang alam na labis niyong napapasaya ang puso ko bilang isang awtor ng libro na ito. Maaaring hindi ko nasasabi online dahil para sa akin na 'yon! Haha! Salamat po talaga! At sana po ay nag-enjoy kayo sa naibigay kong kontribusyon sa larangan ng pagsulat. Thank you po talaga! At sa mga hindi naman po nasiyahan sa kwento, salamat pa rin sa pagbabasa! God bless.

At sa mga kaibigan ko na todo ang promote sa aking mga kagalang-galang na klasmeyts, salamat, mga brad! 😆

Kung maitatanong niyo:

Bakit ang ikli ng kwento? Bakit hanggang chapter 20 lang? Bakit epilogue agad?

Opo, hanggang kabanata 20 lang po pero hindi ko po masasabi na maikli. Kada chapter, mahahaba po 'yong laman. At kung mapapansin niyo po, direct to the point 'yong plot ng story, wala nang paligoy-ligoy pa at wala nang chararat pa. Hehe.

Isipin niyo nga, kung hanggang 50 man ang kabanata nito, ano na ang siguro ang pinagsusulat ko? Sa totoo lang, conscious ako sa plot ng bawat chapter. Palagi kong goal, dapat may kwenta, dapat makabuluhan, dapat hindi OA, dapat 'yong magugustuhan ng mga readers. Dapat hindi lang utak ang ginagamit dahil kung utak lang, edi purong deskripsyon lang ang masasabi ko, walang emosyon at baka ma-bored na kayo nang tuluyan.

Pero ewan ko kung naging maganda ba ang kinalabasan. Pero hindi ko po sinasabi na maganda itong nagawa ko. Hindi ko alam dahil kayo ang manghuhusga kung maaayos ba o hindi. Kung hindi, okay lang! :)

Naipahayag ko ba lahat? Korni o OA ba? Sorry. Haha.

Napili at naisip ko ang ganitong klaseng plot dahil matagal na itong gumugulo sa isip ko. Cliché ba? Pasensya. Pero hindi lang naman ito tungkol sa kasal, pag-ibig ng dalawa, buhay mag-asawa, pamilya o relasyon na nasira dahil sa pagdududa at tadhana. Ito rin ang tungkol sa isang taong mas pinili niya pa ang kasiyahan ng lahat kaysa sa kanya. Kung mapapansin niyo, si Daniel lang ang may POV dito kasi ayun ang gusto kung iparating. Nilabas niya (ko) 'yong saloobin niya, kasiyahan na parang hawak niya na ang langit, kalungkutan na nilulugmok siya, mga konsepto at kaisipan na naiisip niya, at sa pagiging malalim na tao niya. Mostly ay siya dahil siya naman talaga ang pinunterya ko dito, kumbaga ay siya 'yong pinaka-karakter sa kwento. Ayun nga, tinago niya 'yong sakit niya para lang hindi mapawi ang kasiyahan ng mga taong nakapaligid sa kanya, mga pamilya niya, anak niya at 'yong asawa niya. Mas inisip niya pa 'yong iba kaysa sa sarili niya.

At 'yong pagkakaroon naman ng amnesia ni Kathryn, pagpapanggap rather, naging balakid lang 'yon para sa kanya. Kumbaga ay pang-gulo sa isipan ni Daniel kung tama pa ba 'yong pinanghahawakan niyang pag-ibig at pangako? O hindi?

At sa susunod, malalaman natin kung bakit nga ba nagawa iyon ni Kathryn. Malalaman natin ang kasunod ng kwentong ito..

Ano nga ba ang tunay na nangyari?






















Book two? S O O N .

Salamat ho ulit ang Happy BALentine's day! At sana po ay suportahan niyo rin ang sequel ng story na 'to! Ang title po ay A Chapter Untold, next month ko po siya ipa-publish. Sana. Mas nakaka-excite 'yon pero nape-pressured ako lalo 💙🙏

BROKEN VOWS: May 2017 - February 2018
Twitter: @archtKN

- A

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon