Five

3.1K 82 15
                                    

"Ate Girl, okay ka lang? Kanina ka pa tulala eh." Pansin ni Arisse sa kanyang kaibigan na si Kathryn.

"O-okay lang ako."

Nandito sila ngayon sa gym. Buti na lang, pumayag si Daniel na paalisin muli sa bahay si Kathryn. At hindi rin naman siya mababahala dahil kasama naman ng asawa niya si Arisse at sinugurado niyang sa gym lang ang una at huling pupuntahan ni Kathryn ngayong araw.

Gusto sanang sumama pa ni Daniel kila Kathryn pero pinigilan siya nito na huwag na at manatili na lang sa bahay. Dahil alam ni Kathryn, sasama si Daniel sa kanya para bantayan na para bang isang batang pasaway at baka tumakas ulit. At dahil doon sa nais niyang iparating, mas nainis si Kathryn sa kanya.

Akala ni Daniel, maayos na. Akala niya, maayos na ang lahat, at bumalik na si Kathryn sa dati. Akala niya lang. Matapos noong gabing may nangyari ulit sa kanila, inakala ni Daniel na pagkagising niya sa mga umaga, ayos na. Pero hindi. Ganoon pa rin si Kathryn.

Malamig, masungit at hindi inaalintana si Daniel, ngunit si Daniel na rin mismo ang nagsabing dapat maging masaya na lang siya, inisip niya na ito na ang umpisa at naiilang pa rin si Kathryn sa kanya dahil sa pagkakaroon ng amnesia. Sinusubukang intindihing muli ni Daniel ang asawa, kahit sa anggulong nasasaktan na siya sa sobrang lito at umaasa sa wala.

Hindi niya alam kung ano ang nais ng asawa niya. Ngunit heto siya, patuloy na iniintindi ang sitwasyon at kundisyon na mayroon si Kathryn, na ayun namang ginagawa ng lahat. May amnesia siya, at tanging pag-intindi lamang ang magagawa ng lahat, pag-intindi at pagbabalik ng mga nawalang alaala sa kanya.

Muling tumayo si Kathryn at binuhat ang tig-isang kilogramong dumbbells. Hindi pa rin kampante si Arisse dahil sa napapansin niyang pagiging tulala ng kaibigan na tila ba may bumabagabag dito, kaya kanyang inusisa pa.

"May hindi ka ba sinsabi sa akin, Kath?" Tanong ni Arisse na nasa tabi na niya rin ngayon.

Napatigil si Kathryn at napatingin sa kaibigan. "Ha?"

"I know those eyes." Turo ni Arisse sa mga mata niya. "Sabihin mo na sa akin."

"A, what are you trying to say?"

"May dapat ba akong malaman? O may gusto kang malaman?"

Hindi malaman ni Kathryn ang nais ipahatid sa kanya ng kaibigan niya, pero tama nga ang naiisip ng kaibigan niyang ito, may gumugulo sa kanya, at ito ay ang pagpunta niya kamakailan lamang sa studio ng ABS-CBN upang kausapin ang mga taong namumuno sa likod ng organisasyon. Ang pagpunta niya roon kasama ang anak niya at ang napagdesisyunan niya na walang alam ang asawa niya. Ang tungkol sa pagbabalik niya sa pagiging artista.

Sasabihin ba ni Kathryn sa kaibigan niyang ito? Wala namang masama dahil kaibigan niya ito at sa tingin niya ay mapapagkatiwalaan. Pero hindi.. Hindi na sa ngayon dahil ngayon, lahat ng taong nakapaligid sa kanya, kay Daniel kumakampi. Kumbaga, parang isang taong nakakulong si Kathryn sa preso at lahat ng gagawin niya ay dapat malaman ni Daniel. Hindi kahigpitan ang tawag dito, kundi para sa ikabubuti niya mismo, ni Kathryn. Dahil ang alam nila, wala sa tamang alaala si Kathryn kaya dapat gabayan sa bawat aksyon. Dapat nga ba?

"Sige na, ano nga 'yon?" Pagkukulit pa ni Arisse ngunit umiling si Kathryn.

"Wala." Sagot na lamang ni Kathryn at nais nang iwala ang sentro ng kanyang utak upang mapigilan niya na rin ang sarili niya na ipagsabi.

"I'm your bestfriend. Ano ba naman? Lagi tayong nagte-text sa isa't isa, nakalimutan mo agad? Ganyan ba talaga ang may amnesia, Ate Girl?" Saad ni Arisse at natawa.

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon