So this is the day, ito na yung araw na magsisimula na akong mag-aral dito sa Pinas at makikita ko yung hunghang na yun.
Habang nag-iisip ako ng gagawin ko para mapalayas yung hunghang na lalaki na yun biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si Manang Jona
"Ma'am Nickie? mag-ready na daw po kayo ng gamit niyo sabi ng Daddy mo po at pagkatapos niyo daw po mag-ayos, bumaba ka na daw po for breakfast niyo po." sabi niya.
So, nag-ayos na ako ng sarili ko. Make up? nahh hindi ako nagme-make up. Simple skinny jeans with top plain gray shirt and converse low cut shoes. Hair? no worries, nakalugay lang as always ang long reddish brown black hair ko. Ganun lang ako pumorma, boyish kung tawagin.
Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili ko, bumaba na agad ako kasi baka masermonan ako ni Daddy sa tagal ko ng pag-aayos.
"Let's eat" sabi ni mommy.
Myghad! parang ngayon ko lang narinig na nagsalita si mommy since ng pagbalik ko dito sa Pilipinas.
Umupo ako sa tabi ni Ate Dylan, nasa tapat niya naman si Mommy and si Daddy naman ang katapat ko. Tahimik lang kami sa pagkain hanggang sa matapos, nag-aya na si Daddy na umalis kasi may meeting pa daw siya.
"Let's go, kailangan natin umalis agad, may meeting pa ako. Ikaw, Nickie, umayos ka sa bago mong school ha. Hindi porket galing ka sa isang kilalang school aasta ka na pinakamataas." remind ni Daddy sakin, as if naman na ganun ugali ko.
"Remember, be humble." mom said. again and again em shookt.
"Opo mom and dad. Lagi ko po yan tinatandaan. Okay" pagkukumbinsi ko sa kanila.
Umalis na kami ng bahay at naiwan si mommy dun, busy kasi siya sa pagbe-bake ng mga cupcakes and other sweets pastry. Naka-ugalian na niya kasi yun, bago ako magstay sa States, tinuturuan niya ako pano gumawa ng mga cupcakes.
While on the way kami papuntang school, nag-open ako ng Facebook account ko. Nakita ko na naman mukha ng ex ko kasama yung bago niya. May bago nga siya mukha namang luma. Cheee. Nag-out na ako kasi malapit na kami sa school. So this is my first day here.
Bumaba na ako ng kotse kasama si ate Dylan at dumeretso kami sa Principal's Office.
"Goodmorning ma'am Cruz" bati namin ni Ate Dylan.
"Good to see, nakakapag-adjust ka na ng time dito sa Philippines. Anyways, nandito na si Chester, now the both of you can proceed to your respective room. Ma'am Dela Cerna will guide you" sabi ni ma'am Cruz at naiwan si ate Dylan sa loob ng Office.
Wow ha! ang aga ng kumag na 'to baka sa condo lang to nakatira malapit dito sa school namin kaya maaga, loner ang peg ng koya mo oh.
Nakarating na kami sa classroom namin.
"Goodmorning class" bati ni ma'am Dela Cerna sa klase niya at tumayo ang mga estudyate para bumati.
"Take your sits. Meron kayong bagong classmates." Ma'am Dela Cerna said at nagbulong-bulungan na ang magiging kaklase ko.
"Uyy pogi kaya yun?" girl #1
"Sana gurl!" girl #2
"Balita ko dalawa daw yung transferee" baklush #1
"For sure chaka yung gurl, boy lang bet ko" baklush #2
Jojombagin ko 'tong mga 'to eh. Bat ba dito ako napunta.
"You my now come in Chester and Nickie" pag-aya samin ni Ma'am Dela Cerna.
Nagsimula ng mag-ingay yung mga kaklase namin pagpasok ni Chester. Tss kala mo naman talaga pogi, kapal ng fezz ng koya mo ha.
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Forgotten Bestfriend
Teen Fiction(Summer Series #1) Nickie Charice Sandoval have everything she wanted but when she went back to Philippines, she's looking for something. She doesn't even know what she's looking for until she met a bunch of friend, Claire Jung, Yahna Joyce De Guzma...