Chapter 15: Trust issues

84 5 5
                                    

Back to reality na nga kami. Convoy ulit pauwi sa aming mga bahay pero napagdesisyunan namin na sa bahay na muna namin kami tutuloy ng isang araw. I suggested it para makilala rin sila nila mommy at daddy at masabi ang tungkol sa amin ni Neil. Gusto ko na open ako sa mga magulang ko kaya lahat sinasabi ko.

After 4 hours na byahe nakararing din kami sa bahay, mabuti na lang at lunch time kami nang dumating, wala pa nun sila mommy kaya kahit papaano magaan sa pakiramdam.

"Nay Ising" tawag ko sa isa naming katulong pagkapasok namin ng bahay.

"Oh nanjan ka na pala hija, kasama pa pala ang mga kaibigan mo. Halika, pasok na kayo at magpahinga, magluluto muna ako ng makakain niyo" tuloy-tuloy niyang sambit sa amin at ginawaran siya ng ngiti.

Pumasok na nga kami tuluyan sa bahay at iginaya ko ang mga kaibigan ko papunta sa kwarto nila.

"Isa lang ang guest room ng bahay namin, so boys kayo ang mag-istay doon and girls at my room, okay ba?" sambit ko at ikinatango nila. Iniwan na namin ang mga lalaki sa kwarto nila at dumeretso naman kami sa kwarto ko.

"Infairness, ang ganda ng kwarto mo ha. May pagka-aesthetic ka rin pala, same kayo ni Yahna" pagpuri naman ni Isobelle.

"Ginagaya ko lang yang mga yan sa tumblr or pinterest, ang ganda lang kasi tignan" pagpapaliwanag ko naman.

Pagkatapos ng kaunting kwentuhan, di namin namalayan na nakatulog na pala kami. Nagising na lang kami sa katok mula sa pintuan ng kwarto ko.

"Dinner is ready" nakangiting sambit ni ate Dylan at nag-ayos na kami agad tapos pinuntahan ang boys sa kabilang kwarto.

"Oh may bisita ka pala, hindi mo man lang sinabi sa amin" panimula ni mommy ng makita kaming naglalakad papuntang hapag-kainan.

"Sorry mommy, ahmm ito po pala ang mga kaibigan" isa-isa ko silang pinakilala sa kanila.

"You're familiar" ani ni ate Dylan sabay turo kay Neil

"Ahmm yes po, I went here last time" nakangiti naman nitong sagot.

"So, what's the real score between you and my dearest sister?" pang-iintriga ni ate sa amin ni Neil

"Napakapakealamera mo talaga, ate" kunwaring naiirita kong sambit sa kanya.

"Don't worry sister, ayoko lang masaktan ka ulit" nakangisi niyang sagot at matiim na tinignan si Neil.

"Ulit?" nagtataka kong tanong sa kanya at hindi na niya ako sinagot nang dumating na ang aming pagkain.

Napuno nang katahimikan ang aming hapag, wala ni isa ang nagtangka na magsalita. Even we have rule in our house na kapag kumakain, kakain lang and after na noon ang nais pag-usapan kaha hinayaan ko na lang kahit nagtataka pa rin ako sinabi ni ate.

Natapos ang tahimik namin na pagkain at dumating naman ang dessert na ginawa ni mommy, it's a banana smoothie and cookies.

"Is there something going on to the both of you?" pambabasag ni ate ng katahimikan and my friends chuckled.

"Feel the interrogation my friends" natatawang sambit ni Isobelle at napailing na lang ako.

"Don't be afraid, honey" nakangiting sambit ni mommy na ikinangit ko rin naman.

"Honestly, wala naman po akong balak itago kung anong meron sa amin ni Neil, you know me well. To answer Ate Dylan's question, yes there is something going on between Neil and I but don't worry too much, I can handle this, just trust me" nakangiti ko sambit sa kanila at tinignan si Neil.

"Kung ang iniisip niyo po ay baka lokohin ko si Nickie, wala po akong balak. I can't find anyone who can be her, she's too much and enough for me." nakangiti sambit ni Neil sabay hinawakan ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa.

I'm Inlove With My Forgotten BestfriendWhere stories live. Discover now