After 3 and half hour, nakarating din ako sa bayan ng Calatagan, Batangas. Bumaba agad ako ng sasakyan at dinama ang sariwang hangin.
I texted my tita awhile ago na malapit na ako sa bayan, one of cousin will fetch me. Hindi ako ganun ka-familiar sa mga pinsan ko but Cloe and Kuya Mak are my closest cousins.
"Nandine ka na pala ineng" tinig ng isang binatang lalaki mula sa aking likuran.
"Kuya mak!!!!" sigaw ko nang makita ko siyang papalapit sa akin.
"Aba'y hinay hinay naman, ako'y mamamatay sa iyong yapos eh" natatawang sambit ni Kuya.
"I'm just happy to see you again, it's been years since the last time I met you" nakangiti kong sambit sa kanya at tatawa tawa lang siya.
"Iba nga naman talaga ang nagagawa ng napunta sa ibang bansa eh. Ay siya na't umalis nang ika'y makapagpahinga sa bahay, marami tayong pagkukuwentuhan" sabi ni kuya at sumakay na kami agad sa tricycle na dala niya.
Marami nga kaming dapat pag-usapan, madami akong katanungan na nais magkaroon ng kasagutan. Hindi ko hahayaan na hindi masagot lahat ng ito.
After 30mins of ride, nakarating din kami sa Brgy. Bagong Silang, ito ang lugar namin. Kitang-kita ko agad ang nag-aantay sakin na Tita ako at si Cloe.
"Ikaw na ga iyan? Kalaki mo na eh. Tanda ko pa, limang taon ka pa laang noon ng umalis kayo papuntang Manila at tuwing bakasyon na laang kayo umuwi, laking gitla ko nga nung malaman kong sa ibang bansa ka na pala magtutuloy ng pag-aaral" dere-deretsong sambit ni Tita at tanging ngiti lang ang tinugon ko dahil wala akong matandaan sa mga sinabi niya.
"Nakahanda na ang mga tenga ko sa mga kwento mo" natatawang sambit ni Cloe at sinamahan ako papunta sa rest house namin.
"Magpahinga ka muna riyan, gigisingin ka na lang namin kapag kakain na." sambit ni Cloe at umalis na.
Pumasok na muna ako sa kwarto ko para magbihis at makapagpahinga. Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan, nagising na lang ako sa katok na nanggaling sa labas ng kwarto ko.
"Halika, kain na tayo" pag-aya sa akin ni Cloe.
"Sa may tabing dagat naghanda sila Mama ng pagkain natin, tara na't nandun na sila kuya Mak." nakangiti niyang saad at sumunod ako sa kanya. Hindi naman malayo ang dagat mula sa rest house namin, baba lang kami at tatawid papunta sa resort na binabantayan nila Tita.
Nakita ko agad ang dami ng mga bisiga sa resort ngayon. Lahat ay nag-eenjoy. Sana ma-enjoy ko rin ang pananatili ko rito habang naghahanap ng mga kasagutan.
"Oh nariyan na pala kayo, parne at tayo'y kumain na. Masarap itong kainin kapag mainit" pag-aya agad sa amin ni Tita ng makita kaming naglalakad.
Ang daming nakahain sa hapag, may inihaw na isda at manok, mayroon din iba't ibang klaseng seafoods nakalagay lahat sa dahon ng saging. Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain.
Punong-puno nang tawanan ang hapag habang kumakain kaming lahat. Iba't ibang kwentuhan ng mga masasayang pangyayari sa buhay nila ang kinwento nila sa akin.
"Oo nga pala ineng, bakit nga pala biglaan ang iyong pagparne?" nagtatakang tanong ni Tita sa akin at ngiti lamang ang sinagot ko sa kanya.
Habang nagliligpit kami, may isang tao ang nahagip ng aking mata at hindi ako maaaring magkamali na siya yun. From his white skin color, body build and height.
"Chester" bigla kong bulalas ng tumigil siya sa katabi naming cottage.
"Ano?" biglang tanong sa akin ni Kuya Mak at tumingin sa dereksyon kung saan ako nakatingin.
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Forgotten Bestfriend
Novela Juvenil(Summer Series #1) Nickie Charice Sandoval have everything she wanted but when she went back to Philippines, she's looking for something. She doesn't even know what she's looking for until she met a bunch of friend, Claire Jung, Yahna Joyce De Guzma...