"No sir. Nirerespeto ko kayo bilang ama ni Nickie but she needs to know us." pakikipagtalo ko sa ama ni Nickie. Nandito ako ngayon sa bahay nila at nabalitaan kong uuwi na siya rito sa Pilipinas.
"Who the hell are you to tell me that? Sa pagkakaalala ko, isa ka lang kababata ng anak ko at may gusto ka sa kanya kaya kung ako sayo Mr. Young, mananahimik na lang ako kung ayaw mong mawala lahat ng pinaghirapan ng magulang mo" sambit ng ama nito. Wala akong magawa kundi sundin ang gusto niya. Ipagpilitan ko man, pamilya ko naman ang nakasalalay at hindi ko makakayang makitang nahihirapan sila.
Umuwi na lang ako sa bahay. Bagsak ang balikat na pumasok sa loob at walang pinansing iba. Inayos ko na lang ang sarili ko para matulog at maghanda sa pagpasok bukas. I hope Nickie will choose our school to continue her study even it's already half of the sem.
"May transferee daw" bungad sa akin ni Claire pagkapasok ko ng room namin. Naupo agad ako sa upuan ko at inantay ko na lang na dumating ang prof namin.
"Goodmorning class" bati ni ma'am Dela Cerna sa klase at tumayo kami para bumati rin sa kanya.
Naupo na kami sa mga upuan namin at tinawag niya ang mga transferee sa block namin. Namayani ang mga bulungan sa room namin, iba iba ang mga opinyon nila.
Nang makapasok sila, sabay-sabay kaming nagulat ni Claire at Yahna. Nagkatinginan pa kami nang pumasok ang dalawang transferee.
"Shit" bulalas ko agad nang mapagtanto ko kung sino ang mga transferee.
"Neil, act normal. Alam mo namang may usapan tayo sa mga magulang niya but I didn't expect Chester will be here too" pagpapaalala sa akin ni Claire.
Nagpakilala na silang dalawa. Nagulat naman ako ng banggitin ng prof namin na umupo ang sila sa tabi ko. Paano pa ako aakto ng normal nito kung pinalibutan nila ako. Agad na lang akong nagpakilala kay Nickie para hindi maging awkward kaming dalawa.
"Hi, I'm Neil Juniq Young. Can we be friends?" pormal kong pagpapakilala at tinanggap niya naman agad. Ganun din ang ginawa ng iba ko pang kaibigan na tinanggap niya rin naman.
Everything went well hanggang umabot ang break time at inaya ko siya pero tinanggihan naman niya. Dumeretso na lang kami sa canteen para kumain. Naging tahimik lang kami habang kumakain.
"What will happen now?" basag ni Claire sa katahimikan namin. Wala ni isa ang sumagot kaya nagpatuloy na lang kami sa pagkain.
Natapos ang klase namin na tahimik kaming lahat. Nag-aadjust sa sitwasyon. Sa pamilya ni Nickie, walang nakakakilala kung sino si Chester kundi kaming mga kababata lang niya.
Kinabukasan, akala ko hindi sila papasok kasi kadalasan marami ang nagpa-prank na walang prof pero meron pala. Nagkaroon ng trivia na si Chester at Nickie ang naging leaders.
"Well, matalino pa rin" bulalas naman ni Yahna at nakinig na lang kami sa sagutan nilang dalawa.
Natapos ang pagtatalo nilang dalawa at iniwan na kami ng prof namin. Bukas na raw sasabihin kung sino ang mananalo pero alam ko naman na dalawa silang ipapanalo dahil malapit na foundation day at sisimulan na rin ang legs of intramurals.
"Oh Young nandito ka na pala, balita ko may bago sa block niyo ah? Maganda ba phar?" bungad sa akin ng isa sa mga ka-teammate ko. May meeting kami ngayon para sa nalalapit naming laro.
"Manahimik ka na lang jan Casino, hindi ka papatulan nun" nakangisi ko namang sambit sa kanya at binato ako ng bola na agad ko namang nasalo.
"Mainit ang magiging kalaban natin sa intramurals. Balita ko bihasa ang players na meron ang St. Celestine College kaya kailangan natin maghanda. Cruz at Reyes, kayo ang mga baguhan dito kaya kailangan masanay kayo sa laro sa loob ng court" pagpapaliwanag sa amin ni coach. Matapos ang meeting umuwi na ako agad para magpahinga.
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Forgotten Bestfriend
Teen Fiction(Summer Series #1) Nickie Charice Sandoval have everything she wanted but when she went back to Philippines, she's looking for something. She doesn't even know what she's looking for until she met a bunch of friend, Claire Jung, Yahna Joyce De Guzma...