Pagkagising ko, hindi pa rin nawala sa isipan ko ang message na natanggap ko kagabi. Nawiwindang pa rin ako kung bakit ako nagkaroon ng ganoong mensahe, bago pa lang ako sa lugar na ito, lalo na sa bansang ito kaya imposibleng para sa akin yun.
Hindi agad ako bumaba ng kwarto ko. Nagbukas ulit ako ng account ko at laking gulat ko ng makita ulit na may mensahe ang estrangherong taong ito.
"How was your sleep, sweetheart? Pinatulog ka ba ng mensahe ko sayo? Siguro hindi, pero wag kang mag-alala nandito lang ako para magpayo sayo. Ingat nga pala sa pag-akyat niyo sa Baguio, magdala ka ng jacket at malamig ang panahon doon kahit summer na" -A
Hindi ko na lang pinansin ang mga pinagsasabi nito, inayos ko na lang agad ang mga gamit ko para hindi na ako matagalan mamaya at bumaba na rin ako para mag-agahan.
Mag-isa lang ako nag-umagahan, maaga umalis sila dad at mom dahil may meetings daw sila at si ate naman may mga designs na tinatapos para makaabot daw siya sa launching ng fashion show na sinalihan ng team nila.
Naihanda ko na lahat ng kailangan kong dalhin sakto naman ng may narinig ako bumusita at tinignan ko agad kung sino yun at di nga ako ako nagkamali na si Neil yun. Agad akong bumaba ng kwarto dala ang gamit ko. We will staying there for 1 week. I also have plans after that.
"Ready?" tanong niga agad ng makalabas ako ng gate.
"Of course! Nasan na sila?" natutuwa kong sagot.
"Susunduin lang muna natin si Yahna and Maine, sila ang sasabay sa atin tapos sila Claire at Isobelle kay Fons daw sasabay tapos si Adrian, Kyle and Gab ang magkakasama" pagpapaliwanag niya naman
"Mahihirapan kasi tayo mag-ikot doon kapag maraming sasakyan na dala and knowing Yahna hindi talaga sasabay yun kay Fons kaya sabi ko satin na lang sumabay para hindi siya mailang" dagdag pa nito.
"That's good, para kahit papaano may mga kapalitan mag-drive it's about 3-4 hrs bago makarating doon" sagot ko naman sa kanya habang pasakay kami sa sasakyan niya.
"Yah! nag-usap na rin kami sa palitan ng pagmamaneho and convoy naman kaya hindi mahihirapan magpalit" sagot niya at pinaadar na ang sasakyan.
I don't know what will happen the next day that's why I want to spend all the time I have with the people I love.
Nakarating kami sa bahay nila Yahna, buti na lang naroon na rin si Maine kaya hindi na kami nahirapan maghanap ng bahay sa village nila.
"Sa NLEX Starbucks daw magkita-kita sabi ni Claire, on the way na daw sila" pag-iinform ni Yahna sa amin.
"Tell her that we're on the way too, we will just buy some snacks para may makakain tayo habang nasa byahe" sagot agad ni Neil habang deretso ang tingin sa pagmamaneho.
Tahimik lang kami sa byahe, nakatingin lang sa labas ng sasakyan. Natutulog din ang dalawa naming kasama kaya wala talagang ingay na maririnig.
"Finally may store na rin tayong nakita. Sasama ka ba sa pagbili?" sambit niya agad ng makatigil kami.
"Yah. Wait, I'll just wake them up" at ginising ko nga agad sila Yahna at Maine.
"Why?" iritadong tanong ni Yahna pagkamulat ng mata.
"Are we here?" nagtatakang tanong naman ni Maine.
"Nah! We will just buy some snacks, ano gusto niyo?" sagot ko agad sa mga tanong nila.
"We will come, tara" sagot agad ni Maine at sabay-sabay na kaming lumabas ng sasakyan.
Naglakad-lakad muna ako sa convenient store habang namimili kung ano ang bibilhin ko, bigla namang nag-vibrate ang phone ko kaya agad kong tinignan.
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Forgotten Bestfriend
Teen Fiction(Summer Series #1) Nickie Charice Sandoval have everything she wanted but when she went back to Philippines, she's looking for something. She doesn't even know what she's looking for until she met a bunch of friend, Claire Jung, Yahna Joyce De Guzma...