Chapter 4: Trivia

186 15 10
                                    

Nawindang ako dun sa paghalik sakin ni Chester, may pag ka sa manyak din pala yung kumag na yun.

Natapos yung first day ko sa school na yun na sobrang nakakaboring. Simula pa lang siguro kaya ganun.

Nakauwi ako sa bahay ng mga 6:00 pm. Namili pa kasi ako ng gamit ko for school kaya ginabi na ako. Since yung schedule naman ng pasok ko is 8:00am to 3:00pm. Malayo kasi yung mall sa school namin maski sa house namin kaya traffic din.

Pagkapasok ko sa bahay, umakyat agad ako sa kwarto ko at inilapag yung mga pinabili ko tsaka nagbihis. Pagkatapos ko magbihis, tinignan ko yung mga pinamili ko.

"Namili ka na naman ng gamit mo, nakooo sinasayang mo lang allowance mo jan sa kaartehan mo." sabi sakin ni ate Cloe, hindi ko siya napansin na pumasok ng kwarto ko.

"Uso kumatok sa pinto noh? bago pumasok." iritado kong sambit.

"Uso rin kasi mag-lock ng pinto." mataray niyang sabi.

"Anyways, how's the first day? It's fun or nahh? Tell me. I'm willing to hear your story." natutuwang sabi ni ate Cloe sabay tabi sakin sa kama ko.

"Sure?" mapang-asar akong ngumiti sa kanya.

"yahh! dali na." nagmamadaling sabi ni ate.

"Noah yung kamay mo don't? -Subo!-
when you sneeze? -Cover!- tell me about the dinosaurs tomorrow. - okey mommy, RAWWRR!!" natatawa kong panggagaya sa commercial ng Nido 3+.

"Ang tino mo kausap, bumaba ka na nga lang pagkatapos mo jan at magdi-dinner na tayo" badtrip na lumabas si ate kaya padabog niyang binagsak yung pintuan ng kwarto ko pagkalabas niya.

Natatawa pa rin ako hanggang ngayon sa kabaliwang ginawa ko kay ate. Nasa hapag kainan na kaming lahat pero bawat tingin ko kay ate natatawa ako.

"Hey Nickie. Why are you laughing?" tanong sakin ni mommy.

"Nothing mom. Don't mind me." sagot ko kay mommy.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Pagkatapos namin kumain umakyat na agad ako sa kwarto ko para magpahinga.

***

Maaga akong nagising kahit wala daw yung prof namin ngayon, ayoko ko kasi magstay dito sa bahay.

"Your too early my dear?" tanong ni mommy.

"Nothing mom, ayoko lang po malate sa first class ko" sagot ko kay mommy.

"Sus, gusto niya lang makita yung crush niya." pang-aasar ni ate.

"Hays buti pa yung di ko kilala may label na crush eh kayo ni kuya Miguel, may label na ba?" pambabara ko sa kanya kaya inirapan na lang niya ako.

After breakfast dumeretso na agad ako sa kotse namin para magbyahe, ayoko na ng masyadong tanong baka mapagtripan ko na naman si ate.

Pagdating ko sa school, nagtaka ako kasi walang nagkalat na mga kaklase ko kaya dumeretso na agad ako sa room namin at pagdating ko dun ang tahimik ng mga kaklase ko kaya mas lalo akong nagtaka.

"Bakit ang tahimik niyo? anong meron?" tanong ko kay Neil.

"Recitation kasi today, madalas nilang prank wala si prof para umabsent lahat ng sa ganun hindi matuloy yung recitation pero sa ngayon ata matutuloy kasi lahat nandito na" pagpapaliwanag niya.

Hayss buti na lang inagahan ko pagpasok ko kung hindi ako lang magiging absent sa recitation namin.

"Buti naisipan mo pang pumasok." pang-aasar sakin ni Chester.

"Oh pake ko sayo!" pagtataray ko sa kanya.

Hindi ko na lang pinansin si Chester at nag-review na lang ako kasi blanko talaga ako sa mga lessons namin. Pano ba naman kaka-transfer ko lang, kalagitnaan na sila ng lessons, may matutunan ba ako nun.

I'm Inlove With My Forgotten BestfriendWhere stories live. Discover now