Today is the 3rd day of our foundation day. May schedule din ng laro sila Neil at manonood kami mamaya. Nag-iikot lang kaming girls dito sa field to try every booths. The past few days kasi di kami masyadong nakapag-ikot kasi madami pang tao, ngayon sakto lang at di masyadong nakaka-suffocate.
"Try naman kaya natin sumakay ng rides no?" suggest ni Claire
"Kayo na lang, antayin ko kayo dito sa baba" nakangiti kong sambit. May fear of heights kasi ako kaya ayoko sumasakay sa mga rides, I've tried before pero ayoko na ulitin not with them, malaking kahihiyan
"Sure ka? sama ka na, masaya 'to" paninigurado ni Yahna
"Yah, kayo na lang" nakangiti kong sambit
Pumili na agad sila sa may roller coaster at naupo naman ako sa may bench malapit doon. Kaya ko naman labanan yung takot ko pero ayoko lang talaga sa ngayon baka kasi di ko ma-control ang sarili ko sa takot.
"Alone?" biglang sulpot ni Neil
"Kala ko nagpa-practice kayo?" tanong ko
"Warm up lang yon kaya sandali lang, umalis na muna ako para naman makapag-ikot tapos nakita kita" nakangiti niyang sagot.
"Ah kaya naman pala, sino kalaban niyo?" tanong ko naman
"Hawk Fighters" simple niyang sagot
"Bakit para kang kabado jan?"
"Wala, karamihan kasi ng players nila ngayon seniors na. Ang team kasi natin, halo-halo ang seniors at juniors" kaswal niyang sambit
"Sus, kayang kaya niyo yan. Manonood ako" nakangiti kong sabi sa kanya
"Mukhang gaganahan ako maglaro niyan ah" pang-aasar niya naman
"Napakabolero mo talaga no" natatawa kong sabi sa kanya
"Nope, seryoso ako. I want to tell you something after our game kapag nanalo kami" biglang sumeryoso ang awra niya
"About what? What if matalo kayo?" alanganin kong tanong sa kanya
"Basta, no worries. Come, ikot tayo dito try natin mga foods" pag-aya niya sakin at sumama na lang ako, mukhang matatagalan pa ang mga kaibigan naming babae kasi pagkababa nila ng roller coaster nag-try naman ng iba pang rides.
"Anong gusto mo?" pagtatanong niya nang makarating kami sa mga food stall dito.
"Ang dami namang pagpipilian" sambit ko
"Pero wala ako sa pagpipilian mo"
"May sinasabi ka, Nickie?" pagtatanong niya
"Ah wala, sabi ko ang dami namang pagpipilian. Ikaw na lang bahala" alanganin kong sagot.
"Try natin yung Japenese foods" pag-aya niya
"This is one of my favorite, california mackie" natutuwa kong sambit. Kahit siguro anong ipakain sakin na Japenese food hindi ako magsasawa.
"Mahilig ka pala sa Japenese foods ha" natatawa niyang sambit
"Of course, simula nang mahilig ako sa panonood ng Animes because of my cousins and my tito, naghanap ako ng mga Japenese food and it turns out na naadik na rin ako" natatawa kong sabi sa kanya
"For sure, when you feel bored, manonood ka lang ng Anime Movies" panghuhula niya
"Sometimes kapag may nakikita akong magandang movie. When I'm bored, I just want to sleep or eat plus na lang yung manood ako ng movie" sagot ko naman sa kanya
Tuloy-tuloy lang ang pagkain naming dalawa hanggang sa mag-decide na kaming bumalik sa may mga rides kasi magsisimula na rin ang game nila.
"Are you sure okay ka lang dito ha?" paninigurado niya
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Forgotten Bestfriend
Teen Fiction(Summer Series #1) Nickie Charice Sandoval have everything she wanted but when she went back to Philippines, she's looking for something. She doesn't even know what she's looking for until she met a bunch of friend, Claire Jung, Yahna Joyce De Guzma...