Maaga ako nagising para sana masilayan ang pagsikat ng araw sa may tabing dagat ngunit nagising ako na maliwanag at may nakahandang umagahan sa side table.Kain ka na insan tapos punta ka sa tabing dagat, sama ka sakin sa magto-tour sa mga bisita -love kuya mak
Natuwa naman ako nang mabasa ko ang note na iniwan ni kuya. Kinain ko rin agad ang agahan na hinanda niya sa akin tapos ay naligo na.
Wala pa ako sa mood para magpunta ng tabing dagat, nilibot-libot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay namin dito. Hindi naman ito kalakihan ngunit mahahalatang sinaunang disensyo pa ito. Mayroon itong chandelier na makaluma rin at mga dingding na isinaayos na lamang para maganda pa rin tignan, mula sa labas ay makikita ang kasimplehan ng bahay namin. Magmula ng umuwi ako galing ibang bansa, napansin ko na ang hilig ko sa pagtingin ng mga desinyo ng bahay.
Habang umiikot ang paningin ko, napansin ko ang isang cabinet sa master's bedroom na may lock.
"Ano kayang laman nito?" tanong ko sa sarili ko. Kakabahan talaga ako kapag sinagot ako nito.
Nilapitan ko ito at hinanap ang susi sa isa pang aparador na katabi nito, sakto't may nakita akong mga susi. Sinubukan ko ang lahat ng ito at may isang tumama. Laging tuwa ko nang mabuksan ko ito ngunit napawi rin agad.
"Anong ginagawa mo jan, Nickie?" bulalas na tanong niya na ikinaigtad ko.
"Ahmm na-curious lang po ako tita kaya binuksan ko, sorry po" paghingi ko agad nang paumanhin sa kanya.
"Ayos lang ineng, saiyon naman iyan. Gusto mo tignan natin ang laman? Sa pagkakaalam ko, mga picture mo ng bata iyan eh." nakangiti nitong sambit at nginitian ko siya.
"Talaga ba? Sige tita, tignan natin" tuwang-tuwa kong sambit ngunit ang totoo ay binabalot ako ng takot at pangamba.
Pagkabukas namin ng aparador, nakita ko ang iba't ibang photo album at may mga pangalan iyon. Nakuha ng atensyon ko ang nakapangalan sa akin.
"Tita, can you tell me about that photo album?" masuyo kong tanong sa kanya at kinuha ang photo album.
"Oo naman, kunin mo lang ang gusto mo riyan tapos ay dalhin mo sa gazebo at pagkwentuhan natin. Uuwi lang ako para kumuha ng makakain at tatawagin ang mga pinsan mo" magiliw nitong sambit at sinunod ko ang gusto niya.
Nasa gazebo na ako ng may maalala ako, wala na akong natatanggap na mensahe galing sa isang misteryosong tao na hindi ko alam kung iisang tao lang ba. Nagulat ako ng biglang tumunog na naman ang cellphone ko ngunit agad itong napawi nang mabasa ko ang mensahe.
From: Neil
Sorry, I wasn't able to call you time to time, too busy here. Hope you have a great day.
Simula ng umuwi ako rito, naging malamig na ang pakikitungo namin sa isa't isa sa hindi sa malamang dahilan ngunit nananatili ako sa kanya.
Napatingin na lamang ako sa mga bulto na parating kung nasaan ako, puno ng ngiti ang kanilang mga labi at mata.
"Yan na ba lahat?" tanong agad niya sa akin sabay inihanda ang mga dalang pagkain.
"Opo tita, marami pa sa aparador pero hindi ko na kinuha yung iba" magiliw ko namang sagot sa kanya.
"Insan, hayaan mo na muna yan diyan. Mag-ikot ikot na lang tayo sa tabing dagat" pag-aaya naman ni kuya mak sa akin
"Oo nga, marami ring lugar na nagbago na rito at kami mismo ang nakasaksi noon" nakangiti namang dagdag ni Cloe.
"I'm not in the mood couz and I saw this, pagkwentuhan natin yung dati, nung mga bata pa tayo" mapait kong ngiti sa kanila, alam kong may itinatago sila sa akin kaya gusto kong malaman kung ano iyon.
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Forgotten Bestfriend
Teen Fiction(Summer Series #1) Nickie Charice Sandoval have everything she wanted but when she went back to Philippines, she's looking for something. She doesn't even know what she's looking for until she met a bunch of friend, Claire Jung, Yahna Joyce De Guzma...