Chapter 16: Role

64 8 2
                                    

Maaga kaming nagising magkakaibigan at sabay-sabay nag-breakfast. Uuwi na rin sila sa mga bahay nila after lunch, bukas na kasi flight nila Neil at Isobelle papuntang Canada kaya kailangan na nilang umuwi.

Nakatambay lang kami sa mag pool side ng bahay namin, nagkukuwentuhan ng ramdom things at napuno nang tawanan ang lugar na iyon.

"This would be the best vacation I ever had" sambit ni Claire na sumang-ayon naman ang lahat.

"Ito rin sana the best vacation ko eh" napapailing na sambit ni Yahna na ikitaka naman namin

"Bakit naman may 'sana'?" nagtatakang tanong ni Maine sa kanya at kinilingon naman niya

"Ayos na ako na kayo ang kasama ko, kaso nandito si Alfonso kaya nasira" natatawa niyang sambit at sabay-sabay kaming napailing.

"Ako na naman nakita mo jan" iritadong sambit ni Alfonso, halatang nagpipigil ng inis

"Konti na lang iisipin namin na mag-jowa kayo pero tinago niyo sa amin tapos wala na kayo" natatawa namang gatong ni Gabriel kaya nabatukan siya ni Alfonso

"Napakabrutal mo talaga, kaya ka iniiwan eh" at isang batok na naman ang natanggap ni Gabriel kaya natahimik na lang siya.

"Seryoso na, thankyou for being part of my vacation guys, sobrang saya ko talaga as in. Hindi man tayo magkakasama this remaining days bur I hope to see you in the college" nakangiti kong sambit sa kanila na ikinangiti rin nila.

"Ano nga palang plano mo sa college, kami napag-usapan na namin yun before" tanong naman agad ni Claire sa akin kaya napaisip ako agad.

"Honestly, wala pa talaga. Gusto ko sana related sa Arts pero wala pa akong final decission siguro kapag umuwi na ako ng Batangas, mapag-iisipan ko yan" kampante kong sambit sa kanila at tahimik na naman kami.

Dumating ang oras na uuwi na silang lahat, I feel the sadness pero itinago ko na lang. I know magkikita-kita rin kami kapag may time ang bawat isa.

"I'll call you time to time, hindi naman ganun kalayo ang agwan ng oras sa Canada at Pilipinas so hindi tayo mahihirapan mag-usap" nakangiting sambit ni Neil habang inaantay ang mga kaibigan namin na nag-aayos pa ng mga gamit nila.

"No need, ano ka ba? pumunta ka roon para asikasuhin yung business niyo. Updating me would be fine" nakangiti kong sagot sa kanya at humilig sa balikat niya.

"No worries, sweety. I'll still call you time to time and update you. Ayoko naman mag-overthink ka, sakit na ata ng mga babae yun eh" natatawa nitong sambit kaya napaangat agad aki at nahampas ko ang braso niya na ikinadaing naman niya

"Alam mo, gusto ko na lagyan ng busina yang bibig mo para bumusina ka na muna bago magsalita ng di maganda sa pandinig" pagtataray ko sa kanya pero natawa lang siya

"I'm just stating the fact" simple niyang sambit at inirapan ko na lang siya at dumating na rin naman ang mga kaibigan namin.

"Hope to see you after vacation and we can hangout again" sambit ni Kyle sa akin bago siya sumakay sa kanilang sasakyan.

"We will see each other soon" nakangiti namang sabi ni Claire.

"Don't worry guys, we will hangout after our own vacations just set a date" nakangiti ko namang sambit sa kanila.

"Oh paalam ka muna sa bebe mo baka umiyak na yan" natatawang sambit naman ni Gabriel kaya nabatukan siya ni Neil

"Hindi ko alam paano ko kayo naging kaibigan, ang bubrutal niyo" naiiritang sambit nito na ikinatawa na lang namin.

"Babalik ako at alam kong maghihintay ka" kampante nitong sambit sa akin at hinalikan ako sa noo.

"I know and I'm willing to wait if it's you" nakangiti ko lang sambit sa kanya.

"Kahit anong mangyari, totoo ang pagmamahal ko sayo lagi mong tatandaan yan" at niyakap naman niya ako.

Ngiti na lang ang itinugon ko at sumakay na sila sa mga sasakyan nila tapos bumyahe na sila pauwi sa kanilang mga bahay.

Inaayos ko na rin ang mga gamit na dadalhin ko pauwi ng Batangas, I will stay there for a month. Matagal tagal din akong mamalagi roon kaya kailangan kong mag-ayos talaga ng mga gamit ko.

Habang nag-aayos ako, tumunog ang cellphone ko at nakita ko na mga message iyon ng mga kaibigan ko na sinasabing nakauwi na sila sa kanila. Even Neil messaged me the same but there is one message that catch my attention.

From: +63**********

Iniwan ka na nila, ganyan din ang ginawa nila tulad noon -E

Ilang araw na akong binabagabag ng mga mensaheng ito. Wala akong ideya kung kanino nanggagaling ito, iisang tao lang ba ito? Sino ito? pinaglalaruan niya lang ba ako?

Punong puno ng mga katanungan ang utak ko pero wala akong makuhang sagot, ni isa wala akong alam kung sino ang pagkukunan ko ng impormasyon.

Natapos kong ayusin lahat ng gamit na dadalhin ko, sakto naman na dumating na rin ang mga magulang ko galing trabaho ganun din ang kapatid ko.

"Final na talaga na uuwi ka ng Batangas?" paninigurado ni Ate Dylan habang nakaharap kami sa mesa.

"Yes ate Dyl, wala namang masama kung doon muna ako at kung iniisip mo yung pinangako ko sayo na ako ang magiging consultan mo sa designs mo you can message me the designs para makita ko and send ko yung details ng mga kailangan ayusin" nakangiti kong sambit sa kanya at tumango tango na lang siya.

Wala kaming masyadong pinag-usapan habang kumakain kami kaya ng matapos kami ay umakyat agad ako sa kwarto ko para magpahinga dahil madaling araw ako aalis papuntang Batangas, gusto ko maabutan ang pagsikat ng araw habang nasa byahe ako.

"Come in" sambit ko nang narinig ko ang mga sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Iniluwa naman nito ang magulang ko.

"Hey, princess" bati naman ni Daddy sa akin ng makapasok sila

"We hope you'll enjoy your stay in Batangas" nakangiti na sambit ni mommy habang hinahaplos ang buhok ko.

"I'll enjoy it, mom. Ngayon pa nga lang, I'm hearing the waves of the sea" natatawa kong sambit sa kanya.

"Please be careful, hija. Hindi namin kayang makitang masaktan ka ulit at marinig ang walang humpay mong iyak" seryosong sambit ni daddy sa akin.

"Don't think too much, Dad. Everything is fine. I'll make sure that my stay there will be fun and memorable" paninigurado kong sagot sa kanila.

"Yes, please. Hindi ko kayang makitang lahat kami nasasaktan" sambit ni mommy. Kahit naguhuluhan ako, ngumiti ako sa kanila.

"I love you, mom and dad" I smiled to them and they let me sleep.

I'm sleeping peacefully when my alarm ring. Inayos ko agad ang sarili ko pati ang gamit ko tapos ay bumaba na ako para kumain ng breakfast. I didn't bother to wake up my parents, even my sister. Nagdala rin ako ng pagkain ko kasi mahaba rin ang byahe.

Nagpahatid ako sa terminal ng bus papuntang Batangas. Una, ayaw ng parents ko na mag-commute ako pauwi ng Batangas but in the end, they allow me. Gusto ko lang ienjoy ang pagiging independent ko kaya ganito ang naging desisyon ko and seems like I'm finding something na ang sarili ko lang makakatulong.

Inaantay ko na lang mapuno ang bus. Nakaupo ako malapit sa bintana at tinatanaw ang paligid. Naramdaman ko naman ang pag-andar nito kaya mas nakita ko ang mga sasakyan na nag-uunahan. It's past 4:30am kaya hindi pa naman ganun karami ang mga sasakyan.

Tumunog ang phone ko at nakuha nito ang atensyon ko. Siguro sila mommy ito, naramdaman siguro nila ang pag-alis ko.

From: +63**********

Bakit mag-isa ka? Alam mo bang delikado mag-byahe ng mag-isa? Buti na lang nakikita kita, pwede kitang mabantayan. Take care, sweety. See you in a beat -E

It creeps me, tinignan ko ang paligid ko pero lahat ng tao tulog. Sino ba 'to? Ilang araw na akong binabagabag nito.

What's your role in my life?


To be continued ♡...

I'm Inlove With My Forgotten BestfriendWhere stories live. Discover now