Next morning, tumambay lang ako sa gazebo ng rest house namin. I'm checking for school and best courses they are offering. I still can't decide kung anong course ang kukuhanin ko.
Inabutan na ako ng tanghalian, nakaupo lang ako roon. Dumating ang pinsan ko para dalhan ako ng pagkain kasi hindi ako lumalabas ng rest house.
"Busy'ng busy ka jan ha, ano ba yan?" pakikiisyoso ni Kuya Mak.
"Naghahanap ako ng school for college, wala akong mahanap tapos hindi pa-final anong course ang kukunin ko" napapailing kong sambit sa kanya.
"Eh bakit hindi mo kuning course yung tungkol sa business para mabawi mo yung resort niyo" suhestyon niya sa akin at napaisip naman ako roon.
"Ayoko. Maganda ang takbo ng resort namin kahit hindi na sa amin yun, nananatiling Sadoval Beach Resort pa rin naman yun kaya ayos na sa akin." nakangiti kong sambit sa kanya.
"Hay nako, kumain ka na lang jan at samahan mo ko sa tabing dagat mamaya. Ay sandali, hindi ka nga pala bumaba roon kanina, hinahanap ka sa akin ng kaibigan mo si Chester pa yun?"
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko baka nagpapahinga lang sa rest house kaya hindi lumalabas, madami kasing nangyari sa pamilya nila tapos yun tatango tango lang siya at tinalikuran ako. Medyo gastos din yun"
Bakit naman ako hinahanap ng lalaking yun? Shit! Naalala ko na naman yung nangyari sa dagat kahapon. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya, nahihiya ako.
Kumain na lang kaming dalawa ni kuya at iniwan niya ako pagkatapos. Naligo at nag-ayos ng sarili sabay pumunta ng tabing dagat. Wala na rin namang init ng bumaba ako roon.
Dumaan ako sa cottage na inuukupahan nila Chester pero pagdating ko roon wala na sila at iba na ang umuukupa roon. Pinuntahan ko naman agad si Ate Cristy para magtanong.
"Ate? Ate? Ate?" tawag ko sa kanya pagpasok ko sa bahay nila na malapit sa cottages.
"Oh Nickie ikaw pala, anong sa atin?" tanong niya agad ng makita niya ako.
"Ahmm... tanong ko lang po, nasaan na yung umuukupa roon sa cottage na iyon?" turo ko sa cottage kung saan nakaukupa si Chester.
"Ah yan ba? Umalis na kani-kanina lang pagkatapos ng tanghalian. Hinahanap ka nga nung binatang gwapo jan kanina eh buti dumating si Kuya Mak mo kaya siya ang kumausap" tumango-tango na lang ako sa kanya.
"Ganun ba? Sige po ate, salamat" at umalis na ako sa bahay nila at tumambay na lang sa dalampasigan tapos pinanood ang paglubog ng araw.
"Umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam." bulalas ko habang nakatingin sa kalangitan. Napailing na lang ako ng ma-realize ko kung ano ang sinabi ko.
Lumalim na ang gabi kaya nagdesisyon na akong umuwi sa rest house namin. Hindi pa ako nakakalapit pero may naririnig na akong mga ingay kaya napatakbo agad ako para tignan kung sino iyon.
"Oh she's here!" bulalas agad niya nang makita ako at nagtayuan silang lahat para daluhan ako.
"Anong ginagawa niyo rito? Akala ko nasa ibang bansa kayo?" taka kong tanong sa kanila at isa-isa kaming naupo sa may gazebo.
"Ayaw mo bang nandito kami?" kunwaring nagtatampong sambit ni Claire.
"Hoy hindi ah, nakakagulat lang. Alam kong mga nasa bakasyon kayo"
"Ito kasing si Neil, nag-ayang umuwi tapos sabi pupuntahan ka raw niya edi gora kami agad" napapailing namang sagot ni Yahna
"Bakit parang ayaw mo? Ikaw nga 'tong nauunang pumunta sa hotel namin tapos dala-dala mga gamit" bulalas naman ni Neil kaya napatawa kaming lahat.
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Forgotten Bestfriend
Novela Juvenil(Summer Series #1) Nickie Charice Sandoval have everything she wanted but when she went back to Philippines, she's looking for something. She doesn't even know what she's looking for until she met a bunch of friend, Claire Jung, Yahna Joyce De Guzma...