Wala nang thrill ang mga sumunod na lecture. Paano'y puro mga sermon lang ang binibigay sa kanila ng coordinator sa kung mga anu-anong bagay. Maligoy pa ang sinasabi nito kaya mukhang nag-a-adlibs lamang. Sa kasamaang palad pa, umulan nang malakas kinabukasan kaya cancelled lahat ng activity nila na sa labas sana gagawin, at napalitan na lamang iyon ng mga sermon na naman.
Kaya naman kulang na lang ay magtatalon ang mga estudyante nang sa wakas ay uwian na nila. It doesn't matter kung hindi man lang nila nalibot ang kabuuan ng retreat house. Batong-bato na sila rin naman sila doon.
Malamig noon, palibhasa nga'y umuulan. At dahil walang dalang jacket, namimilipit sa ginaw si Kean. Yakap-yakap nito ang sarili at maya't maya rin ang pagkiskis ng kamay sa mga braso. Sa may bintana pa naman siya nakaupo.
Maya-maya'y may nag-abot sa kanya ng sleeveless na hoodie. "Oh? Bago ka pa mangisay sa sobrang lamig," natatawang bulong sa kanya ni Benjamin. "Sayang wala akong dalang jacket."
"Okay na ito." Kinuha niya ang hoodie at binalabal sa sarili. Dahil malaking tao si Benjamin, sobrang laki ng hoodie nito para kay Kean kaya ginawa na niyang kumot iyon. "Thanks, Benjamin."
Hindi na sumagot ang binata dahil nakatuon ang atensyon nito sa pinapanood na pelikula. Maaksyon ang pelikula, at paborito nito iyon.
Hindi nagtagal, narating nila ang stop-over sa Tagaytay. Maswerte ring tumila na ang ulan nang sandaling iyon.
"Oh, guys, mamili na kayo ng pasalubong ninyo saka mag-CR na. Hindi na tayo mags-stop-over ulit," sabi ng kasama nilang professor saka sila pinayagang lumabas.
Bitbit ang hoodie ni Benjamin, dali-daling lumabas si Kean. Ayaw kasi niyang maunahan sa CR dahil mahaba ang pila. Kaso, sila pala ang pinakahuling bus na huminto kaya kinailangan din niyang pumila.
Dapat pala hinintay ko na rin si Benjamin. Iiling-iling si Kean habang hinahanap ang kaibigan. Iniwan ko pa iyon. Ang bagal ba naman kasi kumilos.
At sakto namang lumabas si Luigi. May sumilay na ngiti sa labi nito nang makita siya. "Uy, Kean!" Nilapitan siya nito. "Buti nakarating na 'yung bus ninyo? Kanina pa namin kayo inaantay, e."
Dahil magkaiba ng section, hindi sila magkasama sa bus. Actually, sinubukan pa ni Luigi na makipagpalit sa naging katropa nitong kaklase niya pero hindi naman pumayag ang coordinator na makipagpalit.
"Na-traffic kami. Du'n sa may Skyranch. Sakto kasi, ang daming sasakyan," sagot naman niya habang patuloy pa ring hinahanap si Benjamin. "Ang tagal naman ni Benjamin. Wala yatang planong samahan ako."
"E di ako na lang. Samahan kita," alok nito.
"Nako, di na. Kaya ko na to. Saka nakapag-CR ka na rin."
Sa loob ng tatlong araw na kasama niya ito, hindi pa rin nawala ang pagkailang ni Kean sa kanya. Pero hindi naman nangangahulugang iniiwasan niya ito. Sadyang... hindi lang talaga siyang kumportableng kasama ito.
"Ah, sige." Napatingin ito sa suot niyang hoodie. "Kaninong hoodie ito?"
"Kay Benjamin."
"Nilalamig ka?"
"Malamang. Kaya nga may suot, di ba?"
Natawa ito. "Sus. Para namang malalabanan niyan ang lamig. Ni walang sleeves. Nako, mabuti pa, ito na lang ang isuot mo." Hinubad nito ang suot na varsity jacket saka inabot sa kanya. "Ibalik mo na kay Benjamin iyan. Hindi ka naman maiinitan d'yan."
"Nako, hindi na. Okay na ito. Malaki naman sa akin kaya pwede kong ipangkumot."
"Nako, Kean. Sige na." Ibinalabal nito sa kanya ang jacket. "Alam ko namang napakadali mong lamigin."
BINABASA MO ANG
Luigi: The Scandalous Lover [BxB | FIN✔]
Teen FictionFrom best friend to mortal enemy. Ganoon ang relasyon ni Luigi kay Kean. Ito ang sinisisi niya kung bakit siya na-basted ng kanyang nililigawan. Pero ang talagang nagpagalit sa kanya ay ang bigla na lamang paglayo ni Kean sa kanya sa halip na huming...