MASYADONG late natapos ang activity para sa gabing iyon kaya nang bumalik sila sa function room ay nagdasal na lamang sila.
"Tomorrow, guys, be ready at six a.m., ha? Magdadasal tayo dito bago mag-breakfast," paalala ng coordinator bago sila tuluyang dinismiss.
Gustong gamitin ni Luigi ang pagkakataong iyon upang kausapin si Kean. Ang kaso'y hindi niya ito mahanap. Kahit si Benjamin, wala rin.
Hindi kaya nakabalik na sila sa kwarto? Naisip niya. Nasa labas pa kasi ang karamihan sa mga estudyante para magkwentuhan. Sinasamantala ang nalalabing oras bago sila papasukin sa loob at mag-lights off.
Pumasok siya sa loob ng dorm at tinungo ang kama ni Kean. Walang senyales na nakarating na ito.
"Ay teka, hindi kaya naliligo na si Kean?"
Dali-dali siyang pumasok sa banyo para tingnan kung may naliligo ba sa cubicle. Wala siyang nakita.
"Nasaan kaya iyon--" Naudlot ang sasabihin niya nang mapansin ang tatlong lalaking hubad-baro at nakasuot lamang ng boxer short. Papasok ang nga ito sa banyo.
Luigi cannot help himself but admire their bodies. Actually, lahat sila ay may mga itsura. Matatangkad pa at malalakas ang dating.
Napatingin ang tatlo sa kanya.
Agad niya itong nginitian saka in-excuse ang sarili. Nang makalabas, muli niyang sinulyapan ang tatlo. Nakatingin pala ang mga ito sa kanya.
Bakit kaya? Nagtataka niyang tanong.
He decided to just shrug it off at nagpatuloy sa paghanap kay Kean.
KEAN was spacing out again, but he realized that when Benjamin tapped his shoulder.
"Bro, malapit na tayo matapos. Paalala ko lang at parang wala ka na naman sa sarili," nakangising bulong sa kanya ni Benjamin. Nagdadasal sila ng rosaryo no'n.
Binanggit na ng coordinator, na siyang leader sa pagdarasal, ang huling linya sa rosaryo kaya nag-Amen na sila bago nag-antanda.
"Okay, guys, let's greet each other with a sign of peace to start this day!" sabi ng coordinator.
Kanya-kanyang batian naman ang mga estudyante. May nagbeso-beso, may nag-brofist at high five, may nagyakapan. As for Kean and Benjamin, nagsikuhan lamang sila saka nagtawanan.
"Good morning, liit!" Inakbayan ni Benjamin si Kean. "Have a nice day."
"Have a nice day din, idol," tugon naman niya.
May lumapit kay Benjamin na grupo ng mga babae at binati ito. Dahil alam niyang mao-out-of-place siya, lumayo si Kean.
Ito ang mahirap sa pagiging introvert -- parang walang kaibigan. Well, not really wala, but Kean was distancing himself on purpose. Mula nang mag-away sila ni Luigi at magpakalat ito ng kung anu-anong chismis tungkol sa kanya, hindi na niya maiwasang ma-paranoid. It seems like everyone who knows him are laughing behind his back. Pakiramdam niya, lahat ng tao ay naniniwalang isa siyang obsessive and crazy bastard.
BINABASA MO ANG
Luigi: The Scandalous Lover [BxB | FIN✔]
Roman pour AdolescentsFrom best friend to mortal enemy. Ganoon ang relasyon ni Luigi kay Kean. Ito ang sinisisi niya kung bakit siya na-basted ng kanyang nililigawan. Pero ang talagang nagpagalit sa kanya ay ang bigla na lamang paglayo ni Kean sa kanya sa halip na huming...