Halata sa mukha ni Kean na kanina pa siya naiinis. Paano'y kanina pa nabubulabog ang pagbabasa niya ng libro sa kwarto niya dahil maya't maya ay tumatawag si Luigi. Gusto sana niyang patayin ang phone pero hindi pwede dahil hinihintay niya ang tawag ng kanyang mama. Isinugod kasi sa ospital ang lola niya kani-kanina lang. Syempre, gusto rin niyang makibalita dahil close sila ng lola niya.
Maya-maya't medyo kumalma na siya dahil sampung minuto na ring walang tumatawag sa kanya. Finally, nakakapag-focus na siya. Sa mga oras pa naman kasing nagpa-panic siya, gusto niyang magbasa para kumalma.
Pero iyon ang akala niya. Bigla na lamang nag-ring ang phone niya. Malakas niyang inuntog ang ulo sa study table niya. Alam niyang hindi iyon ang mama niya dahil nag-set siya ng ibang ringtone para sa number nito.
"Kapag talaga si Luigi ito, ibo-block ko na ang number niya." Kinuha niya ang phone at tiningnan iyon dahilan para matigilan siya. Mama ni Luigi ang tumatawag sa kanya!
Sus. Baka ginamit niya ang number ni Tita para sagutin ko ang tawag niya! Napaikot siya ng mga mata saka inilapag ang phone at muling nagbasa.
Ayaw niyang kausapin ito. Hindi niya matanggap ang ginawa nito kay Benjamin kagabi. Kung bakit ba kasi ang hilig nitong gumawa ng isyu.
Nagbago na talaga si Luigi. Bumuntong hininga siya. Noon pa man, alam na niyang may ugali itong may pagka-insensitive at self-centered pero hindi pa kailanman dumating sa puntong gumagawa na ito ng isyu. Nagsimula lang iyon mapansin ni Kean nang ma-basted ito ni Kimberly.
Bumuntong hininga siya. Bakit ba siya nagkaganyan?
Biglang nag-ring ang message alert ng phone niya. Kinuha niya iyon. Text mula sa nanay ni Luigi iyon.
"Hay nako..." Napaikot siya ng mga mata saka binasa ang message dahilan para matigilan siya.
Kean nanjan ba Luigi? D p xa nauwi.
"What the fuck?" Tiningnan niya ang oras. Alas nueve na niyon!
Muli siyang nakatanggap ng text sa mama ni Luigi na nagsasabing nag-aalala na ito. Hindi raw sinasagot ni Luigi ang tawag nito.
"Jusko, Luigi! Ano bang pinagagagawa mo?" asik niya. Ni-replyan niya ang mama nito na hindi niya alam kung nasaan si Luigi. Tapos, nag-send pa siya isa pa na nagsasabing itatanong nito sa mga kaklase nila.
Bumuntong hininga siya. Nagdadalawang isip siya kung tatawagan ba niya ito o hindi. Ayaw pa rin niya itong kausapin pero naaawa naman siya sa mama nito.
Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto niya.
"Kean, tumatawag ang guard." Katulong nila iyon.
Alam ni Kean na ang guard ng subdivision ang tinutukoy nito. "Po? Bakit daw po?"
"May lalaki raw na gustong magpunta rito. Kaibagan mo raw."
Si Luigi ang unang pumasok sa isip niya. Sasagot pa sana siya pero inunahan siya nito.
"Lasing na lasing daw, Kean. Ayaw papasukin ng guard kasi baka mag-amok."
WHAT?!
"Ano raw po pangalan ng kaibigan ko?"
Narinig niyang tinanong ng katulong ang kausap nito sa telepono. "Luigi raw," sabi nito matapos ang ilang sandali. Bagong katulong lang ito kaya hindi nito kilala si Luigi.
At naging hudyat iyon para kumilos na siya. Bigla siyang napatayo saka kinuha ang jacket niya na masinop na naka-hanger sa closet niya. Isinuot niya iyon at binuksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
Luigi: The Scandalous Lover [BxB | FIN✔]
Roman pour AdolescentsFrom best friend to mortal enemy. Ganoon ang relasyon ni Luigi kay Kean. Ito ang sinisisi niya kung bakit siya na-basted ng kanyang nililigawan. Pero ang talagang nagpagalit sa kanya ay ang bigla na lamang paglayo ni Kean sa kanya sa halip na huming...