4 [4]

1.1K 57 0
                                    


"No. Ang dare e halikan ko ang lalaking posibleng magustuhan ko kung kasaling magiging babae ako."

Luigi didn't know what happened next. Basta nagising na lang siya kinabukasan. Mag-isa lang siya sa kama niya at wala siyang suot bukod sa short na suot din niya noong nakaraang gabi.

Nasaan si Kean? Iyon ang una niyang naisip habang bumabangon siya. Masakit ang ulo niya pero nato-tolerate naman niya.

Tumingin-tingin siya sa paligid. Noon lamang niya napagtantong siya na lang pala ang tao. Magulo pa rin ang kwarto at nandoon pa rin naman ang mga gamit ng mga kasama niya.

Nag-aalmusal na siguro sila.

Tumayo siya, nagtungo sa banyo para maghilamos. Nagmumog din siya dahil kakaiba ang panlasa niya.

Tapos, lumabas siya sa kwarto kung saan nadatnan niya ang mga kasama na nag-aalmusal.

"Si Kean?" ang unang lumabas sa bibig niya nang makalapit siya sa mga ito. Hindi kasi niya nakita ang best friend.

Natigilan naman ang mga ito dahil sa bigla niyang pagsulpot. Ang iba nga ay nagulat.

"Si Kean agad ang hinahanap, oh?" hirit ni Sandy. "Hindi man lang nag-good morning or what."

"Wala, e," tugon naman ng katabi nitong si Marcus saka inilapit ang bibig sa tenga ni Sandy at bumulong. Humagikhik naman ang katabi nito.

"Ano'ng pinag-uusapan n'yo d'yan, ha?" Kulang na lang ay pagtaasan niya ng kilay ang dalawa.

Umiling naman ang mga ito bilang depensa.

"Umuwi na si Kean," sagot ni Jobert na kumakain ng adobong manok.

Ibinaling niya ang tingin kay Jobert. "Ha? Bakit? Kanina pa?"

"Oo. Sumabay siya kay Benjamin."

Benjamin na naman? Hindi namalayan ni Luigi nagkuyom ang mga kamao niya at nag-tense din ang panga.

Hinila ni Alex ang upuan sa tabi nito at niyaya siyang kumain ng almusal. Tumanggi siya.

"Uuwi na rin ako," sabi niya. "Saka pupunta pa tayo ng school, 'di ba? Clearance natin ngayon."

Hindi na niya hinintay ang sagot ng mga ito. Dali-dali siyang nagtungo sa banyo sa kwarto niya at nag-shower. Nang makalabas, nagbihis na rin siya saka nag-ayos ng gamit.

Biglang bumukas ang pinto habang nag-aayos siya ng gamit. "Luigi, kalma ka lang." Si Marcus pala ang pumasok. "Hindi naman re-rape-in ni Benjamin si Kean. Nasa mabuting kamay din iyon."

"Wala akong tiwala kay Benjamin, p're. Baka kung anong gawin noon kay Kean," wala sa loob na anito.

Bigla itong bumuntong hininga. "P're, matanong nga lang kita..." There was a host pause. "Bak—I mean, pinagseselosan mo ba si Benjamin?"

Natigilan sa pagzi-zipper si Luigi. Nagseselos? Hinarap niya si Marcus. "Ano bang pinagsasasabi mo d'yan?"

"Sagutin mo na lang ang tanong ko, Luigi."

"S-Syempre, hindi!" Hindi niya namalayang nautal siya at bahagyang tumaas ang tono ng boses kaya nagmukha siyang defensive. "B-Bakit ko naman pagseselosan si Benjamin?"

Biglang tumawa si Marcus. "Nako, hindi raw." Umiling-iling ito. "Sinong niloko mo?"

"Magtatanong-tanong ka tapos hindi ka maniniwala?" inis na turan niya. Tapos isinakbit niya ang bag sa balikat saka gumawi palabas. "Sige na. Uuwi na ako. Kita na lang tayo sa school." Nilampasan niya si Marcus.

Luigi: The Scandalous Lover [BxB | FIN✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon