1 [2]

1.8K 97 27
                                    



Bandang alas cuatro y media nang mamawa si Kean na mag-ikot-ikot. Nagkayayaan na sila ni Benjamin na bumalik na sa dorm para maghanda sa susunod na session.

Pagbalik, nagkayayaan silang maligo. Kaso, pagpunta nila sa banyo, isang cubicle lang ang hindi okyupado.

"Sabay na tayo," suhesyon ni Benjamin.

Pumayag naman si Kean.

Sa totoo lang, hindi talaga kumportable si Kean na makipag-share ng cubicle. Nasanay na lang talaga siya kay Benjamin, palibhasa'y kada tumatambay siya sa kanila ay lagi itong walang ibang saplot bukod sa boxer brief.

Mabilis ang ginawa nilang pagligo. Pagkatapos ng limang minuto, tapos na sila.

Sakto namang paglabas nila ng cubicle, lumabas din ang nasa tapat niyon na ang laman ay si Luigi. Nagulat pa nga ito nang makita sila at nagsalubong ang kilay pagtapos.

Hindi na lamang ito pinansin ni Kean na kahit ba ramdam niyang sinusundan siya ng tingin nito. Sabay silang bumalik sa kwarto at nagbihis.

"May toton buds ka?" tanong ni Kean matapos magdamit.

"Ano?" natatawang tanong ni Benjamin. Nakasuot lamang ito ng boxer brief at nagpupunas pa rin ng katawan.

"Toton buds. 'Yung..." Sumenyas siya ng naglilinis ng tenga.

"Cotton buds daw!" biglang hirit ni Luigi na saktong kakabalik lang sa kama nito. "Ang tagal-tagal nang magkaibigan, hindi pa rin alam ang mga terms ni Kean."

Inirapan niya ito habang nagkibit-balikat lamang si Benjamin.

Kumuha ng cotton buds si Benjamin sa bag nito. Nang matapos siyang maglinis ng tenga at itapon ang nagamit sa basurahan, humiga si Kean sa kama para magpahinga sandali bago bumaba para mag-dinner. Ganoon din ang ginawa ni Benjamin.

Hindi namalayan ni Kean na naidlip siya. Kung hindi pa siya gigisingin ni Benjamin thirty minutes later, hindi niya iyon mamamalayan.

Matapos mag-suklay, nagkayayaan na silang lumabas para kumain ng dinner. Sa buong oras na iyon, ramdam na ramdam niya ang matalim na tingin sa kanya si Luigi. Hindi lang niya iyon pinapansin.

NAGSIMULA na ang kanilang first session sa retreat. Everything was boring for Kean kaya naman nakatulala lamang siya. Kung hindi pa siya kakalabitin ni Benjamin, na katabi niya, hindi niya malalamang may activity na pala.

"Starting tomorrow, magkakaroon tayo ng series of activities and it will be done by pair," sabi ng coordinator.

Nagkanya-kanyang tinginan naman ang mga estudyante sa kani-kanilang gustong maka-partner.

"But hold your horses, people, by random ang pairing na gagawin natin."

Napuno na Aaaw! ang function room dahil sa panghihinayang.

"Okay, so ganito ang gagawin natin. I want you to count from one to two alternatively."

Nagsimulang magbilang ang coordinator. Dahil magkatabi, magkaibang number ang nakuha nina Benjamin at Kean.

"Okay, stand up, guys, and form a circle. Lahat ng one, sa inner, lahat ng two, sa outer."

"Okay pala, pwede pa rin tayong maging partner," bulong ni Kean. Hindi talaga palakaibigan si Kean, palibhasa introvert, kaya mahirap para sa kanya ang maghanap ng kapareha.

Nakaayos na ang bilog. Pinili ni Benjamin na pumwesto nang medyo malayo kay Kean.

"Guys, follow my instruction, okay? I will read a story at kapag narinig ninyo ang word na 'left', the inner circle will turn to their left. Kapag right, outer circle naman ang pupunta sa right. Maliwanag ba?"

Luigi: The Scandalous Lover [BxB | FIN✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon