ISA sa napagkasunduan nilang dalawa ay huwag ipagsasabi kahit kanino na nagliligawan sila. Naiintindihan naman iyon ni Luigi. Hindi siya naging makasarili. Inintindi niyang may anxiety si Kean.
"Mas mahalaga naman ay ang maipadama ko sa iyo na mahal kita. Hindi na baleng iilan lang ang makakita. Basta mahal kita. Iyon na yun," sabi pa niya. Halatang nagulat si Kean sa sinabi niya. Well, siya rin naman. Natural na may pagka-show-off siya sa mga nililigawan niya, at gustong-gusto rin niyang nalalaman ng iba kung gaano siya ka-romantic.
He guessed talagang nagbabago na siya.
Pero may mga tao talagang hindi niya kayang pagtaguan ng sikreto – ang pamilya niya. At sinira niya ang pangako niya kay Kean nang gabing iyon.
Two days bago ang graduation, niyaya niya si Kean na kumain ng hapunan. Kakauwi lang ng kuya niya noon mula sa Singapore. His brother will be attending his graduation in behalf of their father. Ilang linggo na rin kasi ang nakalilipas nang bumalik ang padre de pamilya sa Saudi.
Syempre, pinaghandaan ni Luigi ang gabing iyon. Nagluto pa siya ng paksiw na pata na paborito ng pamilya niya. Gumawa rin siya ng oreo cheesecake at naghanda ng softdrink.
Sa unang tingin, mapagkakamalan talagang surprised welcome home party iyon para sa kuya niya.
Nang matapos siya, sinundo na niya si Kean. Nasabihan na niya ito ng tungkol sa party kuno at pumayag naman ito.
Mama lang ni Luigi ang sumundo sa kuya niya, at saktong dinner time ang expected na oras na makakauwi ang mga ito. Syempre, para hindi na kumain sa labas, nag-text pa siya sa mama niya at sinabing naghanda siya.
Sa wakas, dumating na rin ang hinihintay. Nagmano sila sa Mama niya. Tapos, binati rin ni Luigi ang kuya niyang si Mark Lloyd.
"Huy, b'ro, kumusta? Pumayat ka yata lalo?" bungad niya dito. Nabatukan tuloy siya nito. Noon pa man ay patpatin talaga ang kuya niya at naaasar ito kapag sinasabihang pumayat.
"Ay nako, mabuti pa, patikimin mo na lang ako ng lasong hinanda mo," biro nito. Hinarap nito si Kean at binati rin.
Dumalo na sila sa hapag-kainan. Syempre, dahil noon lang ulit nagkita, marami silang napagkwentuhan. Nag-Skype pa nga sila para kunwari ay kasama ang daddy ng pamilya. Siguro trenta minutos din bago natahimik.
Sinamantala na ni Luigi ang pagkakataon.
"Ma, Kuya... at si Papa." Hinarap ni Luigi ang iPad na nakapatong sa tabi ng plato ng mama ni Luigi. "May importante po akong sasabihin," seryosong sabi niya.
"Hindi ka gragraduate ano?" hirit ng kuya niya. "Yan kasi, pasaway!"
Pinandilatan nito. "Hindi, no!"
"Eh, ano pala?" sabi naman ng mama niya.
"Ah, alam ko na!" sabat ng kuya niya. "Bading ka no?"
"Oo."
Binalot sila ng katahimikan.
Samantala, nadidilat naman na napatingin si Kean sa kanya. Halata sa mukha nitong hindi ito makapaniwala sa sinabi niya.
Sinalubong niya ang tingin nito saka ngumiti nang tipid. Muli niyang hinarap ang pamilya.
"Alam ko pong nagulat kayo pero ito po talaga ako. Bakla po ako, Ma, Pa. Kuya." Bumuga siya ng hangin. Napakagat siya ng labi.
Nang walang magsalita, nagpatuloy siya. "Mula pa po noong bata ako, nararamdaman ko na ito. Madalas akong mapatingin sa mga lalaki na magaganda ang katawan. Noong una, ang iniisip ko ay dahil gusto ko ring maging tulad nila. Pero mukhang may mas malalim na dahilan. Tingin ko, sign na talaga iyon noon pa man."
BINABASA MO ANG
Luigi: The Scandalous Lover [BxB | FIN✔]
Novela JuvenilFrom best friend to mortal enemy. Ganoon ang relasyon ni Luigi kay Kean. Ito ang sinisisi niya kung bakit siya na-basted ng kanyang nililigawan. Pero ang talagang nagpagalit sa kanya ay ang bigla na lamang paglayo ni Kean sa kanya sa halip na huming...