Author's Note:
This is an old draft na nakita ko habang nagbubura ng files sa laptop ko. I think I wrote this as an entry for my writing exercise noong sinisimulan ko pa lang ang kwentong ito. Hindi ko ito in-edit so excuse the errors and sabaw-ness lol
---
"Oh, paano, mga anak, I'll be going na, ha?" paalam ng mama ni Kean. Lumapit ito kay Kean at nakipag-beso sa unico hijo. Samantala, binalingan nito ng tingin ang nobyo ng anak. "Luigi, ikaw na bahala dito sa anak ko, ha? And oh, don't do anything disturbing or else..." Pinandilatan nito ng mga mata si Luigi.
Natawa ang six footer na binata saka inakbayan ang nobyo nito. "Tita, wag kayo mag-alala. Di man ako katiwa-tiwala para sa inyo, for sure naman, mapagkakatiwalaan naman si Kean." Ginulo nito ang buhok ni Kean.
Nagsalitan ang tingin ng mama ni Kean sa kanilang dalawa saka ito tumalikod. "Oh, sige. Aalis na ako, ha?"
Hinatid ng dalawa ang ginang hanggang sa gate, kung saan naghihintay ang inupahan nitong Ubers para ihatid sa airport. Magtutungo ang ginang sa Cebu upang daluhan ang high school reunion nito.
Nang mawala sa paningin nila ang sasakyan, ni-lock na nila ang gate at sinara ang pinto. Alas nueve na rin kasi noon at wala naman silang planong lumabas pa.
Naka-leave ng siyam na araw ang katulong nina Kean dahil namatay ang manugang nito. Dahil wala ngang makakasama sa loob ng tatlong araw, pinasamahan siya kay Luigi.
"So, anong gagawin natin?" tanong ni Luigi sa kaniya nang maisara na nila ang pinto. "Netflix and chill?" Ngumisi ito.
Pinandilatan ni Kean ng mga mata si Luigi. "Ano ba iyan? Kakasabi lang ni Mama, ha?"
Natawa ang binata. "Ito naman, hindi mabiro." Lumapit ito sa kanya saka niyakap. "Mabuti pa, kain na lang tayo."
Tumingala si Kean para salubungin ang tingin nito. "Kakakain lang natin, ha?"
"Nagugutom ako uli. Saka na-miss ko mga luto mo, e."
"Err... wala yata tayong maluluto. Di pa kami nakakapag-restock, e."
Bumitiw si Luigi at napakamot ng ulo. "Ano ba iyan?"
"Sorry na, aba." Inirapan niya ito. "Tulog na tayo. O kung gusto mo, laro ka muna ng Mobile Legends or kung anuman ang gusto mong gawin. Manood ka ng porn, tutal manyak ka naman."
Natawa si Luigi. "Talagang pinapamukha mo sa aking manyak ako, ha?" Ngumisi ito.
Muli niya itong inirapan. "Tse. Matulog na nga lang tayo."
"Okey, dokey!"
Sinecure muna nila ang bahay saka pinatay ang mga ilaw, liban sa ilaw sa labas, saka nagtungo sa kwarto ni Kean.
Hinubad ni Luigi ang t-shirt nito at tumapat sa whole body mirror. "Ganda na ng katawan ko." Nag-flex pa ito saka humarap kay Kean. "Tingin mo?"
Tiningnan niya iyon. Well, maganda na nga. Tone na ang muscles nito, especially the chest and biceps.
Lumapit siya dito saka hinawakan ito. "Well, yup. Maganda na." Dumako ang kamay niya sa dibdib nito. "Ang ganda ng chest mo, Luigi."
"I'm glad you appreciate it. Sayang di ko kayang gawin yung pinatatalbog yung dibdib." Tumawa si Luigi.
"Hay, ewan ko sa iyo. Maglilinis na nga ako ng katawan." Pumasok si Kean sa banyo para magsepilyo't maghilamos. Habang ginagawa niya iyon, patuloy ang pagpe-flex ni Luigi. Hanggang sa natapos siya't nakalabas ng banyo, di pa rin nanawa si Luigi sa ginagawa.
BINABASA MO ANG
Luigi: The Scandalous Lover [BxB | FIN✔]
Novela JuvenilFrom best friend to mortal enemy. Ganoon ang relasyon ni Luigi kay Kean. Ito ang sinisisi niya kung bakit siya na-basted ng kanyang nililigawan. Pero ang talagang nagpagalit sa kanya ay ang bigla na lamang paglayo ni Kean sa kanya sa halip na huming...