5 [3]

1.1K 66 3
                                    


Luigi would be lying if he said he is fine with the rejection. He isn't. It hurts. It fucking hurts.

Pero ano ang mas masakit? 'Yong pagkatapos ng araw na iyon ay iniiwasan na siya ni Kean. Na para bang may napakabigat siyang kasalanan dito.

Great, right? Just when he thought he already recuperated the old relationship they had, this shit happened again.

Tang ina mo, Kean, gigil niyang monologo. Hindi na ako dapat nakipagbati sa iyo kung ganito lang din pala ang mangyayari.

He was at the Cinco Bar & Bristo again, drinking. Well, he shouldn't really be here in the first place. Maya-maya kasi'y graduation ball na ng department nila na idaraos sa isang hotel hindi kalayuan doon. He only had thirty minutes before the call time.

Muli siyang sumimsim sa in-order niyang Tequila Sunrise. As the liquor drew a hot line in his esophagus, the thoughts of being rejected resurfaced. Technically, Kean was the fifth one who rejected him, right?

Bumuntong hininga siya. Sabi ni Kimberly, he had this tendency to be self-centered kaya siya nare-reject. Would the same thing be applied on Kean's case?

Muli na naman siyang napabuga ng hangin. Mukhang oo nga. Hindi ba iyon din ang dahilan kung bakit sila nag-away? Now, that made him wondered if Kean trusted him again.

Maybe he didn't, hence the rejection.

Pero hindi, e. Iba ang sinabi ni Kean. Baka confused lang daw siya.

Confused nga lang ba talaga ako? was his thought as he finished his drink. He ordered for another one after.

What if confused nga lang talaga siya? He never fell in love with a guy before. Kay Kean niya lang naramdaman ito... and it really felt different kumpara sa mga babaeng minahal niya.

He really can't explain the feeling. But it feels like he had this strong string that was attached to Kean. And he would do whatever it cost to strengthen and prevent that string from being ruptured.

Hay, hindi ko na alam. Dumating na ang order niya. Sa isang lagok, inubos niya iyon. Mahilo-hilo siya pagkatapos.

He checked his wrist watch and realized that he's five minutes late. Agad niyang binayaran ang bill at naglakad palabas ng bar at dumiretso sa hotel.

Mabuti na lang, by section ang pagtawag sa mga attendee. Block C pa si Luigi kaya kahit late ay hindi siya napag-iwanan.

Hinanap niya ang pila niya.

"Uy, bro, late ka yata?" tanong ni Marcus sa kanya nang makita siya. Nasa bandang likod ito dahil Villegas ang apelido kaya kinailangan nitong lumapit sa kanya.

Ngumiti siya nang pilit. Napakurap-kurap din siya dahil medyo nahihilo siya.

Nang ganap nang makalapit si Marcus, natigilan ito at napakunot ng noo. "Uminom ka ba?"

Tumawa lang siya. "Yes. Sa totoo lang, tinatamad ako um-attend, e. Nanghinayang lang talaga ako sa binayaran ko for this shit."

Umiling-iling ito. "Asus. Sabihin mo lang, di mo kasi makakasayaw si Kean kaya ka ganyan," kantiyaw nito.

Natigilan siya at napakunot ng noo.

"Oh, joke lang! Wag mapipikon!" natatawang anito. "Sige, balik na ako sa pila." Tinalikuran na siya nito.

Bukod sa mama ni Kean, wala nang ibang nakakaalam ng nararamdaman ni Luigi sa best friend. Well, mukhang halatang-halata naman yata siya kaya iyon, kinakantiyawan siya ni Marcus.

Luigi: The Scandalous Lover [BxB | FIN✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon