4 [3]

1.1K 69 8
                                    


Sampu silang lahat na nagkukumpulan sa porch. Mahigit dalawang oras na rin silang nag-iinuman kaya halos maubusan na sila ng mapagkekwentuhan.

"Tumahimik tayo bigla, ah?" sabi ng isang petite at may hugis-pusong mukhang babae na si Sandy. "Any topic?"

"Wala nang maisip, e," sabi ni Marcus habang kumakain ng chippy na nagsilbi nilang pulutan.

"Kwento ko na lang 'yung pusa kong buntis na naman," sabi ni Jobert.

"Lagi namang buntis iyang pusa mo. Fucc girl, e. Mana sa amo," hirit ng isang mataba at maitim na lalaking Sean ang pangalan.

Nagtawanan silang lahat.

"Itong baboy na ito. Paimpisin kita, e," kunwaring napipikong sabi ni Jobert.

"Ganito na lang, guys, spin the bottle tayo," suhesyon ni Benjamin. "Truth or dare tayo. May punishment na iinom ng isang bote ng alak kapag hindi ginawa."

"Grabe naman 'yung isang bote ng alak. Baka ma-alcohol poisoning naman 'yung tao," reklamo naman ni Kean. Tapos, kinuha nito ang isang boteng nakapatong sa harap nito pero bigla iyong inagaw ni Luigi.

"Oy, ikaw, isang bote lang, di ba? Nakakatatlo ka na yata. Tingnan mo, namumula ka na," suway nito. Medyo groggy na ang boses nito at mapula na rin ang mukha.

"Luigi, hindi hamak na mas mukha kang lasing kesa sa akin. At hello, tanduay ice lang ang iniinom ko." Inirapan niya ito.

"'Di topic dito kung may tama na ako. Pwede akong mag-inom, ikaw bawal."

"Hay naku, mag-aaway pa kayo, e," sabat ni Sandy. Tapos hinarap nito si Benjamin. "Game na, bes. Go na tayo d'yan sa spin the bottle."

Nakangiting umiiling-iling si Benjamin saka pinaikot ang bote ng tanduay ice sa mesa. Samantala, inirapan naman ni Kean si Luigi.

"Kanino kaya matatapat ang bote-- oops, sa akin!" anunsyo ni Benjamin nang humintong nakatapat sa kanya ang nguso ng bote. "Buena manong-buena mano!"

Nagtawanan ang lahat. Tapos, si Sandy ang nagtanong ng truth or dare dahil siya ang katapat ni Benjamin.

"Truth na lang. Baka ipa-spell nyo pa ang pangalan ko nang nakalabas ang pwet," sabi ni Benjamin.

"Aah... ano... hmmm.... Ah! Straight ka ba o hindi? Bawal magsinungaling!"

Nagtinginan ang lahat kay Benjamin. Lahat sila ay naintriga.

Samantala, tumawa si Benjamin. "Well, I guess I never admitted it before, but, yeah, I'm not. Bisexual ako."

Biglang nagpalakpakan ang lahat. "Magaling! Matapang ito," kumento naman ni Xander, ang may-ari ng resort.

Samantala, namumukod-tangi si Luigi na hindi nag-cheer. Kumunot nga ang noo nito. Benjamin's confession made him jittered. Napatingin tuloy siya kay Kean saka napalunok.

Samantala, dama naman ni Kean na nakatingin sa kanya si Luigi. It was making him uncomfortable. Ewan ba niya kung bakit.

Muling pinaikot ang bote at natapat iyon kay Cedric, ang half-Japanese at may mala-labanos na kutis sa group. Nag-dare ito kaya pinasayaw ng Energy Gap.

Nang muling paikutin ang bote, tumapat iyon sa gitna ni Sandy at ni Sean.

"Hindi iyon counted!" mabilis na depensa ng dalaga saka muling pinaikot ang bote.

Si Kean ang tinapatan niyon!

Talo pa ang nagulantang sa alingawngaw ng baril nang magulat si Kean. "Ako?" parang hindi makapaniwalang aniya.

Luigi: The Scandalous Lover [BxB | FIN✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon