NANG MARAMDAMAN ni Luigi na hindi na gumagalaw si Kean, idinilat niya ang mga mata. Nakapatay na ang ilaw nang sandaling iyon. Pero bago pa iyon, pinunasan din muna siya ng best friend at kinumutan para hindi malamig. Wala itong maipahiram na damit sa kanya. Bukod sa maliit ang damit nito, wala rin mahihiraman si Kean. Solong anak kasi ito habang nasa ibang bansa naman ang daddy nito.
Thanks to the faint light coming from the outside, Luigi was able to see Kean. Natutulog sa tabi niya ang kaibigan; nakatagilid ito at nakatalikod sa kanya.
Bumuntong hininga si Luigi. Isang oras din siguro siyang nagkunwaring tulog. Weird dahil hindi niya nagawang makatulog. Kung bakit ba naman kasi biglang nawala ang pagkalasing niya.
Tumingin siya sa kisame at nagpakawala ng napakalalim na buntong hininga. Luigi might be insensitive like what the others said pero ramdam na ramdam niya kanina na pilit na iniiba ni Kean ang usap.
Ayaw pag-usapan ni Kean ang tungkol sa posibleng kong nararamdaman sa kanya. Nagtangis ang mga bagang niya. Is he indirectly rejecting me?
Muli siyang bumuntong hininga bago pa man niya sabihing walang dahilan si Kean para tanghian siya. Binabago ni Luigi ang sarili; sinusunod niya ang advice ni Kimberly. Ayaw na niyang naging self-centered.
Nakaramdam siya ng pagkauhaw kaya nagdesisyon siyang tumayo. Nang lumabas siya sa kwarto ni Kean, nakapatay na ang lahat ng mga ilaw liban sa mga dimlight.
Dumiretso siya sa kusina at kumuha ng tubig sa water dispenser.
"Luigi?"
Napitlag si Luigi saka hinarap ang nagsalita. Ang mama pala ni Kean.
Agad siyang lumapit at nagmano. "Good evening po, Tita," bati niya.
"Good eve din, Luigi. Nandito ka pala?" Tapos, tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Bakit wala kang damit?"
Biglang nakaramdam ng hiya si Luigi. "Uhm... ano po kasi, pumunta po ako dito kanina at lasing po ako. Tapos, inayusan ako ni Kean. Wala po yata siyang maipahiram sa akin na malinis na damit."
Tumango-tango ito. "Ah, kung sa bagay. Amoy alak ka nga. Bakit ka ba naglasing?"
Nagkibit-balikat siya. "Uhm... mahabang kwento po, e. If you don't mind po, pwedeng wag na lang po nating pag-usapan?"
"Ah... sige. Pero bakit dito ka dumiretso?"
Bakit parang nagsususpetsa siya sa akin? "Kasi malapit lang po yung pinuntahan kong bar. 'Yung Cinco Bar & Bristo po."
Tumango-tango ito. "Ah, sa bagay. By the way, tara, magkape muna tayo." Nginitian siya nito nang malambing kaya nahiyang tumanggi si Luigi.
Lumapit ang mama ni Kean sa kitchen counter at nagsimulang magtimpla ng kape. Sa water dispenser ito kumuha ng mainit na tubig.
"So, how's your study, Luigi? Graduating na ba?" maya-maya'y tanong nito.
"Of course, Tita. Hindi nga lang running for cum laude pero wala naman ho akong bagsak or kahit line of seven."
"Sus. That's okay, ano ka ba? Sa panahon ngayon, hindi na grade sa school ang sukatan ng success. More on galing na sa trabaho ngayon." Hinawakan nito ang mga mug. "Tara, sa sala tayo uminom."
Nagboluntaryo si Luigi na dalhin ang mug. Ipinatong niya iyon sa coffee table at inokyupa ang single-seater couch na katapat ng TV. Sa katabing three-seater naman umupo ang mama ni Kean.
"Kumusta naman si Kean sa school? Nabu-bully ba siya?" maya-maya'y tanong nito habang sumisimsim ng kape.
That question made him made him uncomfortable. He, after all, bullied Kean before.
BINABASA MO ANG
Luigi: The Scandalous Lover [BxB | FIN✔]
Fiksi RemajaFrom best friend to mortal enemy. Ganoon ang relasyon ni Luigi kay Kean. Ito ang sinisisi niya kung bakit siya na-basted ng kanyang nililigawan. Pero ang talagang nagpagalit sa kanya ay ang bigla na lamang paglayo ni Kean sa kanya sa halip na huming...