2 [1]

1.6K 92 5
                                    


Nakababa na rin si Luigi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakababa na rin si Luigi. Nadatnan niyang kinakausap ng coordinator si Kean.

Napatingin sa kanya ang coordinator. "Nakita ba ninyo ang treasure?" tanong ng coordinator sa kanya.

Umiling siya. "Ewan ko lang po sa kanya."

Ipinasok ni Kean ang kamay sa bulsa saka ipinakita sa coordinator ang nakuha -- dalawang ampaw.

Kinuha iyon ng coordinator saka hinarap ang mga schoolmate nila. "Guys, nakuha nila ang treasure na naglalaman ng..." Binuklat nito ang isang ampaw at nilabas ang isang two hundred peso bill. "Two hundred pesos!"

Naghiyawan naman ang mga tao. Syempre, dahil pera, na-excite sila.

Inabot ng coordinator ang ampaw sa kanila. "And here's your gift. Congratulation for winning the quest. Ngayon, magpahinga muna kayo and reflect from what you have learn. Mamaya, pagbalik natin sa function room, tatanungin ko kayo."

"Thank you po, Sir!" nakangiti sabi ni Luigi. Tapos, nilabas niya ang perang malutong pa at mukhang bagong withdraw sa ATM. "Ang bango!"

"Iyan ang halimuyak ng tagumpay!" Tumawa ang coordinator saka sila sinenyasang tumabi muna. "Now, pair number two naman!"

Excited na sumalang ang ikalawang pares habang sina Luigi at Kean ay umalis na sa porch.

Nagpauna si Kean sa kanya. Umupo ito sa isang bench di kalayuan at kinalikot ang phone.

Samantala, sumama naman si Luigi sa mga kaklase niyang naroon din ng sandaling iyon. Kinulit siya ng mga ito na manlibre. Nagbiruan din sila. Mga sampung minuto silang ganoon bago nagkasawaan. By that time, kakatapos lang ng third pair at kasunod na ang dalawang kausap kaya nagpaalam na ang mga ito.

"Go, guys! Kaya ninyo iyan!" pag-cheer pa niya.

Tapos, naghanap siya ng pwedeng samahan. Unfortunately, wala siyang nakita kaya sumandal na lang siya sa isang puno at nilabas phone para makipag-text. Doon niya nalamang wala palang signal sa parehong network sa area na iyon.

Bigla tuloy sumagi sa isip niya si Kean. Ibinaling niya ang tingin dito. Nakaupo ito patalikod sa kanya at mukhang may binabasa.

Of course, that's the typical Kean - isang introvert at tila ba mas masaya ito kapag mag-isa lang.

Bumuntong hininga siya. Tang ina. Kean's aloofness bothered him even before. Hindi nga ba iyon ang dahilan kaya niya ito kinaibigan dati?

Seven years ago nang una silang magkakilala. Second year high school siya noon at transferee sa isang medyo may kamahalang private school. Hindi sila talaga mayaman pero medyo umangat ang buhay nila nang makapagtrabaho ang Engineer niyang ama sa Saudi Arabia kaya nailipat sila ng Kuya niya sa ibang school.

Nasa same year ang standing nila ni Kean pareho pero magkaiba sila ng section. Regular class siya; special Science section naman si Kean, pero pareho lang ang schedule nila kaya lagi niya itong nakakasabay tuwing lunch break.

Luigi: The Scandalous Lover [BxB | FIN✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon