Author's Note:
I made a mistake sa previous chapter. Kimberly pala ang pangalan ng nililigawan ni Luigi, not Katherine. Pasensya na po. Hehe.
Xoxo,
Charlie
-
Mahigit isang oras nang nakahiga sa kama si Kean at tulalang nakatingin sa kisame. Nakakalat sa sahig ang pinaghubaran niyang medyas at polo. Madilim na rin at mainit pa palibhasa'y hindi nakabukas ang electric fan.
Alam din niyang may research paper siyang kailangang tapusing ngayon gabi. Ah, hindi pa pala niya natatapos ang column article niya para sa campus paper. Wala siyang oras na dapat sinasayang.
Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila ba wala siyang lakas na tumayo para gawin ang mga dapat niyang gawin.
Nitong mga nakakaraang araw, parati siyang ganito. Hindi niya maintindihan kung bakit. Naaapektuhan na nga nito ang school performance niya dahil minsa'y di siya nakakagawa ng assignment. Hindi na rin siya nakakadalo sa practice nila sa university choir at ramdam niyang magagalit na ang maestro nila sa kanya.
Ipinikit niya ang mga mata. Tamad na nga siguro siya...
Pero bakit siya biglang tinamad? Kailan ito nagsimula? Nasaan na ang Kean na napaka-responsable at sobrang motivated?
Walang anu-ano'y bigla na lamang bumukas ang pinto kasabay ng pagsigaw ni Luigi nang mahabang, "Kean!"
Napabalikas tuloy siya ng bangon. "Ano ba? Nakakagulat ka naman!" asik niya habang sapo-sapo ang dibdib. "Buksan mo nga yung ilaw." Nginusuan niya ang switch sa tabi ng doorway.
Ginawa ni Luigi ang inutos niya. Binuksan din nito ang wall fan na nakatapat sa kama niya saka tumabi sa kanya. Pa-dive ang ginawa nito kaya tumalbog pa siya nang bumagsak ang katawan nito.
"Hoy, bakit di ka nagre-reply?" tanong nito sa kanya. Nakatagilid ito paharap sa kanya at nakaunan ang ulo sa braso.
Hinarap niya ito. "Ha?" Tapos kinuha ang phone sa side pocket ng pantalon. May text nga si Luigi. "Sorry, naka-silent kasi."
Ngumuso ang tukmol. "Nako, galit ka yata sa akin."
Naningkit ang mga mata niya. "Suntok, gusto mo?"
"Galit ka, 'no? Umamin ka!" Pinandilatan siya nito ng mga mata.
"Hindi!" Inirapan niya ito. "Hindi ko lang nabasa. Saka na— naidlip din kasi ako. Pagod ako, e."
"Asus!" Tapos, bigla itong pumaibabaw sa kanya!
"Luigi!" tarantang bulalas niya. Tinulak niya ito paalis pero hindi ito nagpatinag.
"Sabihin mo iyan sa akin nang nakatingin sa mga mata ko."
"Umalis ka nga d'yan!" Patuloy siya sa pagtulak pero sadyang malakas at malaki talaga ang kaharap.
Bigla nitong hinawakan ang magkabilang panga niya saka inilapit ang mukha. Hindi niya maiwasang magpigil nang hininga. They were hairlock away from each other. Kaunting maling galaw ay maglalapat ang labi nila.
"Hindi, Kean, seryoso ako. May sama ka ba ng loob sa akin?" seryosong tanong nito. Ang tukmol, parang hindi man lang talaga naiiskandalo sa ginagawa.
"W-Wala!" Hindi maayos ang pagkakabigkas niya ng salita dahil sa restricted na galaw ng panga niya. "B-Bitiwan mo nga ako, Luigi!"
Tinitigan siya nito nang matiim. "Sigurado ka?"
"A-Ano bang problema mo, Luigi?"
"Hindi ka ba nakakaramdam ng panseselos sa amin ni Kimberly?"
BINABASA MO ANG
Luigi: The Scandalous Lover [BxB | FIN✔]
أدب المراهقينFrom best friend to mortal enemy. Ganoon ang relasyon ni Luigi kay Kean. Ito ang sinisisi niya kung bakit siya na-basted ng kanyang nililigawan. Pero ang talagang nagpagalit sa kanya ay ang bigla na lamang paglayo ni Kean sa kanya sa halip na huming...