Author's Note:
Another writing exercise entry lang ulit coz writer's block iz a biatch beybeh.
---
August 21, 20XX
"Favorite place mo talaga ito, ano?" tanong ni Luigi kay Kean habang sabay silang umuupo sa wooden bench na nakaharap sa grotto na may rebulto ni Mama Mary.
"Tahimik kasi dito," tugon naman nito habang nakatingin sa rebulto.
Tago kasi ang pwesto ng grotto. Nasa likod iyon ng auditorium, malapit sa kumbento ng mga madre. Well, may advantage siguro ang pagiging tago niyon dahil napapanatiling maayos ang area. Makikita iyon sa malinis na tubig sa man-made pond at maging sa mabeberdeng bermuda grass na nakapaligid doon.
"Sa bagay. Bagay na bagay talaga ito para sa iyo."
And then, they were shelved with silence. Iyon ang isang bagay na ayaw ni Luigi kay Kean -- ang napakatipid nito sa salita. Well, hindi rin naman niya ito masisisi. Bukod kasi sa introvert itong tao, wala pa yatang isang buwan mula nang samahan niya itong kumain sa kantin at kaibiganin.
Surely, napakamailap na tao ni Kean. Para bang isa itong mahiyahing ligaw na hayop. Always guarded. Parang walang taong gustong pagkatiwalaan. Kahit ilang beses na niyang sinubukang kuhanin ang loob nito, he always failed.
Pero hindi siya susuko. Especially ngayon na may naiisip siyang gawin.
"Kean, may ibibigay nga pala ako sa iyo," pagbasag niya sa katahimikan saka binuklat ang bag.
Napatingin naman si Kean sa kanya. Halatang curious ito, batay sa expression ng mukha.
Inilabas niya ang isang box na nakabalot sa kulay gintong metallic paper. And, oh, mayroon pa talagang ribbon iyon sa gitna.
"Tsaran!" nakangiti niyang bati sabay abot ng box kay Kean. "Para sa iyo."
Kumurap-kurap ang binatilyong saktong five feet ang taas at napakaputi. "Para saan?"
"Birthday gift ko sa iyo," sabi naman nito. "Happy birthday! Buksan mo dali."
Bagaman mukhang nagtataka pa rin, sumunod naman si Kean. Nang alisin nito ang takip, lumitaw ang laman niyon -- isang pares ng walkie talkie. Napamaang ito sabay baling ng tingin sa kanya.
"Para sa akin ito?" Nandidilat pa ang mga mata ni Kean.
Napakamot naman ng ulo si Luigi. "Actually, pinapahiram ko lang sa iyo. Kay papa kasi iyan. Itinakas ko lang," nahihiyang aniya. Tapos, ngumiti siya. Ngiting bulastog. "Pero don't worry, one month ko naman ipapahiram iyan sa iyo."
Inirapan siya ni Kean. Natawa na lang siya.
"Anyway..." Kinuha ni Luigi ang mga radio transmitter sabay binuksan ang mga iyon. Tapos, inabot niya ang isa kay Kean. "Kaya ko ito ipapahiram sa iyo kasi gusto talaga kitang makilala nang lubos. Ramdam ko kasi na nahihiya ka pa rin sa akin, e. Tingin ko, kaya mong magsalita kapag hindi mo ako kaharap."
"Ganoon ba?" Napakamot naman ng ulo si Kean. "Pero pwede naman tayo mag-usap sa FB, ha?"
Umiling-iling si Luigi. "No. Ayoko ng FB. Gusto ko sa walkie talkie. Para hindi pa rin tayo magkakalayo kapag nag-usap," paliwanag niya. "Magiging honest lang ako, Kean. Magkalapit lang tayo parati pero parang ang layo-layo mo. Ang hirap mo abutin."
Nandilat ang mga mata ni Kean. Umawang ang labi nito na parang magsasalita pero pinili nitong huwag na magpatuloy. Sa halip, kinuha na lang nito ang handheld transmitter.
Pinindot ni Luigi ang button sa gilid at nagsalita. "Roger, Kean, roger. This is Luigi, speaking. Say 'Pogi si Luigi' if you can hear me." Ngumiti siya na parang aso.
Nandilat naman si Kean sa sinabi niya. "Ang hambog, ah?" Napaikot ito ng mga mata.
"Kean? Can you hear me? Say 'Pogi si Luigi', please?" muli niyang saad over the radio pero ang mata'y na kay Kean.
Umiling-iling lang si Kean sabay nagsalita. "I'm sorry, I cannot hear you. Can you please repeat what you were saying." And then, for the first time, Kean smirked. "Ano'ng sasabihin ko? Is it 'Supot pa si Luigi'?"
Napitlag naman si Luigi sabay takip ng crotch. "Hoy, aba? Bakit alam--" Napatakip siya ng mga bibig. "I mean... wala kang evidence! Hindi mo pa nga nakikita!"
But it was too late to get it back. Well, mabilis din naman kasing makaintindi ng sitwasyon si Kean.
"Oh, so, it is true na supot ka pa, ha?" muling saad ni Kean sa radyo. "And you're already second year high school. Weak!"
Syempre, hindi magpapatulo si Luigi. "At least kahit hindi pa tuli, matangkad na. What more kapag tinuli na ako?" ganting tugon niya. Sa edad na labing tatlo, 5' 5" na ang height niya. Malapit na nga niyang maabutan ang kanyang ina.
Nandilat ang mga mata ni Kean. "Duh? As if naman totoo 'yun. Pamahiin lang iyon."
"Nako. Aminin mo na lang na pandak ka."
"At least, hindi supot."
"Matangkad naman, bleh!"
And before they realized it, they were dissing each other and laughing. Siguro, mga sampung minuto rin bago sila tumigil. By that time, halos lahat na yata ng insulto na pwedeng ibato e nabanggit na nila. Pati kulay ng singit at balikong ari, hindi pinalampas.
"Ang kulit mo rin pala, Kean, ano?" tatawa-tawang sabi ni Luigi. Inakbayan nito si Kean. "Dapat ganyan ka parati. Hindi yung parang lagi mong pasan ang daigdig."
Bumuntong hininga si Kean. "Ganyan ba talaga ang impression mo sa akin? Akala mo problemado?"
"Honestly, oo. But it's never too late na magbago naman, Kean. Matuto ka lang makibagay sa iba. Hindi naman mahirap makipagkwentuhan. At tandaan mo na wala kang mapapala kung mahihiya ka parati," pangaral niya sabay ginulo ang buhok nito. "We can always be bro, Kean. You have my back."
Kean flashed a faint smile. "Okay. Sabi mo, e." Then: "By the way, para saan nga pala ito at bakit naka-box pa talaga?"
"Birthday gift ko sa iyo. Sa linggo na ang birthday mo, hindi ba?"
Tinitigan siya nito sabay tawa. "Sa Facebook mo nakuha iyon, ano?"
Kumunot ang noo niya. "Anong nakakatawa?"
"Nauto pala kita," nakangising anito. "The truth is hindi August ang birthday ko kundi February."
Umawang ang labi niya. "What? E bakit August ang nasa Facebook?"
"Well..." Bumuntong hininga si Kean. Then, he crossed his legs. "The truth is ayoko lang talagang binabati ako sa birthday ko. Feeling ko kasi nagiging celebrity ako nang wala sa oras. I hate unneccessary attentions."
Hindi ka agad nakasagot si Luigi. Alam niyang mahiyain si Kean pero hindi niya inaasahan na ganito pala siya kalala.
Magsasalita na sana si Luigi pero inunahan siya nito.
"But you know what, I realized something today."
"Ano naman iyon?"
"It's not as bad as I think. I mean, yung babatiin ka for your birthday tapos may regalo pa Thank you for giving me the joy, Luigi. Thank you for making me realize this." Kean faced him and flashed the brightest smile Luigi had seen from him so far.
With that, hindi niya maiwasang mapangiti rin. Would that mean his "operation" was a success?
Yes, it is. Dahil mula nang araw na iyon, naging mas malapit pa silang dalawa sa isa't isa...
BINABASA MO ANG
Luigi: The Scandalous Lover [BxB | FIN✔]
Novela JuvenilFrom best friend to mortal enemy. Ganoon ang relasyon ni Luigi kay Kean. Ito ang sinisisi niya kung bakit siya na-basted ng kanyang nililigawan. Pero ang talagang nagpagalit sa kanya ay ang bigla na lamang paglayo ni Kean sa kanya sa halip na huming...