ONE

19 1 0
                                    

Whatever

"Andiyan na si Kiro!" Masiglang sigaw ng bestfriend ko. Agad kong inayos ang mga gamit ko, pati na rin ang sarili ko.

"Saan Wendy?" Tanong ko.

"Kakapasok pa lang nila ng campus, Julia. Hintayin na lang natin malapit sa classroom nila." Sabi niya.

"Hindi! Kailangan nating maunahan ang mga malanding babae!" Sagot ko at agad tumakbo papunta ng gate.

Madaling hanapin ang taong aking hinahanap. Nakita ko siya malapit sa mga bulletin boards at maraming babae ang nakaaligid sa kanya. Naglakad agad ako papunta sa kanya.

"TABI NGA!" Sigaw ko. Napatingin sa akin ang iilang babae at tumabi. Mabuti naman.

"KIRO!" Sigaw ko nang nagsimula silang maglakad ng kanyang mga kasama.

"JULIA!" Sigaw ni Neo, bestfriend ni Kiro. Ngumiti ako sakanya at tiningnan si Kiro pero hindi man lang siya nakatingin sa akin. Inilabas ko ang isang paper bag mula sa bag ko.

"Kiro, niluto ko 'to kanina. Niluto ko ito para sa'yo." Iniabot ko ang papee bag. Tiningnan niya iyon bago tinanggap.

"Thanks." Yun lang ang sagot niya at naglakad na papalayo.

"Pagpasensiyahan mo na yun si Kiro, Julia. Alam mo namang ganoon talaga iyon." Sabi ni Neo at inakbayan ako.

"Alam ko, Neo. Pero sana naman tratuhin niya akong kaibigan." Malungkot kong tugon. "Sige Neo. Paki siguradong kakainin niya yun."

Malungkot akong naglakad palayo. Nagtataka siguro kayo kung sino si Kiro.

Kiro Dela Vega ang isa sa mga pinakasikat sa school namin. Suplado siya, but that didn't stop me from adoring him. I always loved the mysterious types of boys, yung mala-Pierre Ty.

I've known him since malapit sila ng Kuya ko. Also, I'm friends with his other friends. Friends kami but never felt like it.

"Hey, Juls!" Sigaw ni Wendy.

"Hey. Ba't sumunod ka pa?" Tanong ko sakanya. Classes are about to start in a few minutes.

"Look, about what happened—"

"Huwag mo na yung alalahanin, Wend. I understand him. May reputasyon siyang inaalagaan."

"But that reputation doesn't include being damn rude with friends. You were very close before." I smiled as I remebered our childhood together.

"Yeah. Things do change, people too. But I think my feelings won't whatever I do."

Always HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon