Jealous
Matagal akong nakatulog kagabi dahil sa sobrang pag-iisip kaya naman matagal rin akong nakagising kinabukasan. Hindi na nga ako nakapag-breakfast.
Nang makarating ako sa school, nakita kong nasa gate si Wendy, hinihintay ako.
"You're late today. You okay?" Tanong niya habang papasok kami ng school.
"Yeah. Late lang nakatulog." Sagot ko. Hanggang ngayon, inaantok pa rin ako. Pakiramdam ko, sobrang kulang ng tulog ko. Kasalanan ito ni Dela Vega, damn!
History ang first subject namin ngayon. It was Mr. Fuentabella's subject. Name familiar? Our History teacher is Neo's brother.
"Good morning class! As much as I want to have my class today, ako ang in-charge sa practice ng varsity team natin in basketball. I'll give you this period, class. See you tomorrow." Agad nagsigawan ang buong klase. Pero may sinabi si Sir bago lumabas.
"Dela Vega, go to the gym now." Nag-aayos na ako ng gamit nun ng tinawag niya ako.
"Sir?"
"Go to the gym, Julia. May sasabihin yung kapatid ko." Sabi ni Sir at lumabas. Neo? Why would he call me? And I remembered to bring the umbrella na pinahiram niya sa akin kagabi.
Napatingin ako kay Kiro na nagliligpit ng gamit para sa practice.
"Pupunta ka ba sa gym?" Tanong ko kay Kiro.
"Yeah. Sabay na lang tayo. Isa lang naman ang daan papunta doon." Sagot niya. Umuna siya sa paglalakad. Agad akong sumunod sa kanya.
Nang makarating kami sa gym, agad siyang sinalubong ng mga kasama siya sa varsity. Hinanap ko rin si Neo.
"Bola!" Rinig ko ang isang sigaw. Lumingon ako at nakita ang isang volleyball na papunta sa akin. Wala na akong ibang ginawa kung hindi pumikit.
Pero walang tumama na bola sa akin. May narinig akong sigawan at nakita ko si Neo sa sahig. Siya ang natamaan ng bola.
"Neo! Oh my God! Are you okay?" Lumuhod ako at hinawakan ang ulo nito. Nakapikit na si Neo sa sakit ng impact ng bola. Pinalibutan na rin kami ng mga players pati na ang kasali sa basketball.
"Dalahin na natin siya sa clinic!" Sigaw ko. Tinulungan ako ng ibang players sa pagdala sa kanya sa clinic.
"Oh anong nangyari? Ilagay niyo sa bed sa likod." Sabi ng nurse pagdating namin.
"Natamaan po ng volleyball." Sabi ko at sinundan si Neo na hinatid ng players.
"Only two persons can stay here. Others, please go back to the gym." Sabi ng nurse habang nilalagyan ng ice pack ang ulo ni Neo.
"Ako na lang at si Julia." May isang baritonong boses mula sa pinto. Nakita ko si Kiro.
"Sige, Kiro." Lumabas na ang ibang players at naiwan kami ni Kiro. Pinahawakan ng nurse ang ice pack sa akin habang kumuha ito ng gamot.
"Okay ka lang?" Tanong niya nang makalapit siya sa kama.
"Oo. Pero si Neo." Sabi ko at nakatingin pa rin ako kay Neo. May pula ang noo nito.
"Neo will be fine. Pahinga lang yan. Sanay naman yang natatamaan ng bola." Sabi pa ni Kiro. It is weird that he's talking to me in a casual way but now it not the right time to think about that. We stayed silent until Neo woke up and the nurse came in.
"Damn. Ang sakit ng ulo ko." Reklamo ni Neo. Hawak niya ang ulo niya at ininom ang pain reliever.
"Sorry, Neo."
"Ano ka ba? Wala ka namang kasalanan eh. Choice ko yun—"
"No. Stop making excuses, Neo. It's my fault. Sorry." Yumuko ako. Hinawakan ni Neo ang baba ko at iniangat ito. He looked at me in the eyes.
"It's not. Okay?" Sabi niya at ngumiti. Ngumiti rin ako pabalik. Natigil ang pagtingin ko sa kanya ng bumagsak ang pinto ng clinic nang lumabas si Kiro. Narinig ko rin ang tawa ng nurse.
"Someone's jealous." Rinig kong sabi ng nurse.