Last
"JULIA!" A voice echoed through the school hallway.
"Hi Neo." Nahihiya kong sabi. Everyone is apparently staring at us because of Neo shouting early in the morning.
"Oh? Sorry. Mukhang nahihiya ka ata sa ginawa ko." He said. Agad naman akong umiling. "It's okay. Hindi lang talaga ako sana—."
"Come on. May sasabihin ako." Hinila niya na ako paalis roon. We're on our way to the school's gymnasium.
"Anong gagawin natin dito?" Agad kong tanong. Walang tao dito dahil hindi pa naman nagsisimula ang classes. Hindi kaya? Agad akong tumingin kay Neo at nakatingin siya sa phone niya. "What are we doing here?"
"Can you wait there?" Turo niya sa bleachers. "May kukunin lang ako. Babalik ako, promise."
"Okay, fine." Pumunta ako sa bleachers at umupo roon. Umalis naman si Neo.
It's been 5 minutes already and hindi pa bumabalik si Neo. Nasaan na ba kasi yun?
I was just scrolling through my phone when someone entered the gymnasium.
"Ba't ang tagal mo Neo?! Kanina pa ako naghihin—." Napatigil ako nang makita kung sino ang pumasok. "K-kiro."
"Magkikita ba kayo ni Neo dito?" Tanong niya at inilapag ang gym bag sa gilid ng court. Naka-jersey na siya at parang maglalaro siya ngayon.
"Oo, pero hindi pa kasi siya bumabalik." Sagot ko. Kumuha siya nang bola at nagsimulang mag-dribble. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko.
From: Neo
Was it a good plan, Juls? Andiyan na naman siguro si Kiro diba? :)
What the hell?! Did he plan this out?
To: Neo
What do you mean??? Come back here!
Damn this boy! Hindi na dapat ako nagtiwalang may gagawin itong mabuti.
From: Neo
Just talk to him, okay? It'll be the first step of moving on. You have to make it clear to him and to yourself. Tell him everything you wanted to tell him. Think of this as a farewell to your feelings for him. You might thank me after these. ;)
Well, this may be a chance. I looked up and saw Kiro dribbling the ball around. Should I talk to him? Maybe, I shouldn't. I don't know what to do.
Tumayo ako at inayos ang bag ko. Napatingin naman siya sa akin. I looked back at him.
"Mauuna na ako." Paalam ko sa kanya.
"Hindi na ba pupunta si Neo?" Tanong niya pabalik.
"Sa ibang lugar nalang raw kami magme-meet up." Sagot ko. Aalis na sana ako pero natigilan ako sa may pinto. Huminga ako ng malalim.
You'll regret this later, Julia!, I thought. Bahala na.
"Kiro?" Tawag ko sa kanya. Natigilan siya sa paglalaro at tumingin sa akin. I closed my eyes. When I looked at him again, he raised his eyebrows, as if questioning me. "Can I talk to you?"
"About?"
"Everything. This will be our last talk, I promise."