[4]

65 6 9
                                    

Ashley's POV

"Ang aga mo yata ngayon Ash?" Bati sa akin ni Adelyn. Di ako sumabay sa kanila ngayon eh. Wala lang pero parang gusto ko lang pumasok ng maaga.

"Ah eh kasi ano wala akong kasama sa bahay." Wala kasi si mama sa bahay. Nakakabigla nga eh ang dami niyang binilin sa akin. Kasi mag tatrabaho na daw siya sa ibang bansa. Mga one year daw siya dun. Eh sino naman kasama  ko sa bahay? Si papa? Ewan ko di pa kasi siya umuuwi since 10 years... nakakalungkot lang isipin kasi sampung taon na kami hindi nag kikita. So ibig sabihin limang taon palang ako nung umalis si papa. Wala naman akong kapatid. Ako lang mag isa diba. Umalis si mama, tinuruan niya ako mag luto kahapon. Kaso hindi ko din naman natutunan.

"Huy Ash you're spacing out." Ay hala jusq lumulutang na pala utak ko.

"Ay sorry hahaha ano ba yun?" Tanong ko. Aba'y sorry naman hindi ko kasi alam gagawin ko eh masyadong malaki ang problema ko hahaha. Yun pala ang mahirap noh? Yung lagi kang naka asa sa magulang mo. Pag umalis sila at nag trabaho sila sa ibang bansa at ikaw ang natira ikaw lang din pala ang mahihirapan. Kaya pala dapat talaga nakinig ako kay mama para matagal na akong natuto diba? Yan kasi problema sayo Ashley eh masyadong kang pasaway.

Owemji mga ebs masyado na akong ma drama di match siya sa akin. Jusq sa ganda kong toh mag dadrama ako.

"Huy Ash kanina ka pa ah kukutusan na talaga kita." Hala ayan na nga ba sinasabi ko eh. Mamaya na nga tayo mamroblema. Ang drama ko masyado kainis.

"Tara na nga baka malate pa tayo." Sabay kaming dalawa ni Lyn. Pag ka rating na pag karating namin sa classroom agad kong nakita si ehem Xavier.

"Woooaah ang aga dumating!" Sabi ng magaling na alagad ni unggoy. Tinignan pa niya ako na parang manghang mangha. Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaan siya. Bilin din kasi ni mama na wag ko ng patulan si Xavier. Kasi wala na daw pupunta sa school pag nasangkot na naman ako sa kalokohan.

Umupo na lang ako sa pinakalikod at  sumubsob sa table. Nakakawalang gana bakit ganun?

Ayan ayan mag dadrama nanaman ako. Nako Ashley di bagay sayo mag drama loko loko ka talaga eh.

***

"Hala seryoso ka diyan ebs? Nako paano na yan? Di ka marunong mag luto diba?" Ewan ko ba.

"Oo nga ebs. Itlog na nga lang sunog pa eh." Loko toh si Adelyn ah. Laglag ba naman ako. Nako mga ebs wag kayo maniwala diyan. Joker yan eh.

"Ahahaha joker ka talaga." Nakakalokong tawa ko.

"Paano yun? May trabaho naman mama mo dito ba't nangibang bansa pa?" Aba'y ako ba si mama? Mukha na ba akong nanay?

"Aba'y malay ko." Sabi ko habang pinag lalaruan yung tinidor ko.

"Wala ka pa rin bang balita sa papa mo?" Tanong naman ni Jamjam.

"Wala pa din. Ano ba kayo? Ten years na ang nakalipas simula nung naglaho siya ng parang bula." Napairap naaman ako bigla. Wala lang ayoko ko na din kasi pag usapan ang bagay na yan. Paulit ulit na lang kasi eh. Wala naman akong galit sa tatay ko siguro. Kasi naman eh asan siya nung mga panahon na kailangan namin siya? Wala diba?

"Oo nga naman. Wala ka bang balak hanapin ang papa mo?" Tanong ni JamJam. Di naman sila matanong noh.

"Oo. Ewan. Siguro. Hindi." Hindi naman kasi talaga ako sigurado.

"Hi ladies." Napatingin sina Jamjam at si Adelyn dun sa nag salita. Ako? Eto nag lalaro ng kutsara tinidor.

"Anong kailangan mo?" Pag tataray ni Adelyn.

"Hahaha makikikain lang naman wala na kasing maupuan eh. Ashley tabi tayo ah?" Di pa ako nakakasagot eh umupo na siya. Tinignan ko kung sino yung naki upo sa table namin. And guess who? It's Kurt Tyler. Ano meron sa kanya? Uhhmm meron siya ilong, mata, la-

"Pwedeng mag tanong?" Di ba halatang nag tatanong na siya?

"Hindi." Mataray na sabi ni Adelyn. Wow ah makapag taray wagas.

---RIIING---RIIING---

Beng simula na ng klase. Tumayo na ako agad at nag tungo sa classroom. I'm really not in the mood to have conversation to anyone including my friends. Bigla lang ako nawala sa mood. Diba ang weird? Parang kanina lang nakikipag usap ako. Tsk. Eh sa nawalan ako bigla ng gana eh. Teka nga ganun ba talaga ka lakas ang epekto ng pag alis ni mama? Parang di naman kami masyadong clo-

"What the hell?! Di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?! Hindi mo ba nakikitang dumadaan ako?! Sa laki kong toh?!" Napatingin ako sa kanya. Bahala siya diyan dami niyang alam. Nag lakad na lang ulit ako.

"Wag mo akong tinatalikuran! Kitang kinakausap kita eh! Di mo ba ako kilala?!" Alam niyo sa ginagawa niya nag mumukha lang siyang engot. Tsk. Makahawak naman toh sa braso ko.

"Bakit? Sikat ka ba para kilalanin pa kita?" Inalis ko yung kamay niyang magaspang. Nag lakad na lang ulit ako. Ayoko ng gulo sawang saw-

"Ano nana-"

*PAK*

Para saan yun?! Inaano ko ba tong panget na toh?!

"Sinabi ko naman kasi sayo na wag mo akong tinatalikuran." Ang babaw niya mga ebs. Isa na lang talaga papatulan ko na toh eh.

"Napaka imposible kasing di mo ako kilala. Don't you know? I'm damn famous in this school." The hell I care. Napansin ko ding ang daming nakatingin sa amin. Ganun na ba ako kaganda para maki tsismis. Siguro naiingit sila sa kagandahan ko.

"Hindi porket sikat ka dito kailangan kilala na kita." Pang aasar ko sa kanya. Nag simula na ding mag bulongan ang mga tao sa paligid. Ganun ba talag ka big deal ang beauty ko?

"Binabastos mo ba ako? Ang lang naman ang nag iisang Ashlynn Mendoza. Kaya wala kang karapatang bastusin ako!" At talagang nag pakilala pa siya. Wow hindi bagay sa kanya ang apelyidong Mendoza kasi sa pag kakaalam ko ang mga Mendoza ay magaganda't mababait. Tulad ko. Ashlynn Mendoza? Wow ah sounds like sa name ko. Bukas na bukas mag papaiba na ako ng pangalan.

"Okay ka na?" Pang aasar ko. Halata namang nainis siya eh. Hahaha pikon. Masyadong pasikat eh.

"Talagang iniinis mo ako. You're really getting into my nerves!" Pikon na pikon na siya. Lumapit siya sa akin at balak pang hablutin ang long hair ko.





"Stay away from her."





----

Ayan na mga ebs ah! Two updates hehehe. Thank you sa mga sumusuporta.  Yun lang hehehe. Adios amigos.

I Just Fell In love With A Bully  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon