[11]

25 3 1
                                    

Ashley's POV






"Ano? Seryoso ka ba diyan? " Takang napatingin ako kay Jamjam. Uhhmm sino pinag uusapan nila? "Usap usapan na ngayon  bes gusto ko ngang pumunta kung sakali kaya simula pa lang ngayon eh mag iipon na talaga ako." Pupunta saan? Isa pa itong si Adelyn eh. Hello andito ako.






"Pinag sasabi niyo?" Hindi ko na talaga mapigilan eh nakaka OP kaya.






"Ay basta mag ipon ka na lang. Mag kano baon mo sa isang araw?" Ano naman kinalaman ng baon ko dun?






"Teka ano ba kinalaman ng baon ko diyan? Ano ba meron?" Ano ba talaga meron medyo magulo sobrang magulo.






"Bes hindi ka ba nakikinig kanina? Kanina pa namin pinag uusapan toh ah. Simula nung maupo tayo dito sa inuupuan natin. Palibhasa kasi nag katuwaan lang kayo ni Xavier eh. Ano nag paramdam na ba? Baka naman nag papamiss siya. Hindi siya nabigo Ash." Pang aasar ni Adelyn. Simula nung nag asaran kami ni Unggoy nung nakaraang araw eh yun na ang huling pag kikita namin. Nakakapanibago nga kasi walang utos ng utos pero mas maganda nga yun pero hindi lang ako sanay na walang unggoy na nag paparamdam. Kaya masyadong nag aalala yung couch nila kasi mamayang hapon eh may laro na sila.






"Tigilan mo ako Adelyn ah. Mag tanong ka na lang ulit sa crush mo kung pwedeng mag pa picture baka saka--"






"Oo na oo na wag mo na lang ipaalala masakit ma reject." Humawak pa ito sa kanyang kaliwang dibdib at umaktong nasaktan siya na agad ko namang ikinatawa.






"Diba nung nag laro sila nung nakaraang araw bigla na lang siyang bumagsak tapos narinig namin sa iba na may sakit daw ito." Napatigil ako sa pag babasa ng libro. May sakit nga pala siya tapos nag basaan kami tapos hindi siya agad nag palit ng damit niya at tumapat pa ito sa electric fan. Baka lalong lumala sakit ni unggoy. Kasalanan naman niya yun pero nakakainis nakokonsensya ako. Kung hindi ko sana siya binasa.






"Hoy saan ka pupunta manunuod pa tayo ng laro mamaya. Tsaka wag mong sabihin na mag cucutting ka. Lagot ka sa mama mo." Pag papaalala ni Jamjam. Bumalik ulit ako sa pag kakaupo ko at kinuha yun cellphone. Hindi ako pwedeng mag cutting dahil lagot talaga ako kay mama. Tatawagan ko na lang si unggoy. Naka ilang tawag na ako pero wala pa ding sumasagot.






"Ayan ayan tinatawagan na niya." Pang aasar ni Adelyn. Ayan nanaman siya eh.






"Nagkatuwaan lang kayo tapos ngayon tinatawagan mo na." Gatong naman ni Jamjam. Isa pa toh.






"Uy may gwapo." Turo ko sa likod nila kaya napalingon naman sila. Umalis agad ako dun sa harap nila at nag punta sa Gymnasium. Umiwas muna tayo sa mga pang aasar nila. Kailangan kong makausap di unggoy. Hindi matatahimik yung konsesya ko pag nag kasakit yun. Nakakainis wala ba siyang balak sagutin yung tawag?







"Uy Xavier buti naisipang mong mag pakita!" Tinuro pa ako nung lalpakitang pumasok sa loob. Napalingon ako sa likod at nakitang nag lalakad ito. Agad akong tumakbo palapit sa kanya.






"Bakit di ka pumasok? Ba't di ka sumasagot sa mga tawag ko? Hindi mo ba alam na kanina pa ako tawag ng tawag sayo? May sakit ka ba? Masama ba pakiramdam mo? Wala bang masakit sayo? May lagnat ka pa ba?" Dirediretso kong tanong.  Kumunot ang noo nito sa pag tatanong ko sa kanya.






I Just Fell In love With A Bully  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon