Ashley's POV
"Ano ako alila huh? Excuse me Unggoy masyado naman akong maganda para maging sinudsunuran mo huh? Gusto mo ba ibili pa kita ng bola huh? Jusq bola lang yun kayang kaya mo naman bumili nun eh. Kung ayaw mo edi sige ako bibili dun sa palengke sa amin 130 la-" Bastos tong lalakeng toh nag sasalita pa ako isubo ba naman daw yung tinapay na hawak niya sa akin. Saan niya nakuha yun?
"Are you insane? Hindi mo ba alam kung gaano ka importante sa akin yun huh babae?" Tinignan pa niya ako ng masama. Alam niyo kanina pa talaga ako nag tataka dito eh. Paano niya nalaman bahay ko huh? Alam kong malapit lang toh sa school pero paano niya na laman? Feel at home nga eh di ko pa siya pinapapasok kanina umupo na dun sa sofa kapal ng mukha eh.
"Ay pake ko ba kung importante yun kasalanan mo din naman kung bakit nasira yung masyado kang baboy." Tinignan ko siya ng masama.
"Baboy? Are you referring to yourself?" Sabay tawa niya ng malakas alam niyo papatayin ko na talaga ko tong isang toh eh. Kinuha ko yung una sa sofa pati yung baso na kanina ko pa hawak at bina-
~Oooooohhh Wee-~
Tinignan ko ng masama si Unggoy at sumenyas na manahimik siya.
"Uy Ma bakit?"
"Kamusta ka na diyan? Buti naman at wala ka pang ginagawang kalokohan."
"Ay hehehe syempre naman Ma nag promise na ako sayo na di na ako gagawa ng kalokohan di-"
"Hey babe? Can you taste this?!" Nanlaki mata ko nung sumigaw si Unggoy. Letche talaga tong isang toh.
"Anak may kasama ka ba diyan sa bahay huh? Diba bilin ko sayo na wag kang mag papapasok ng kung sinu-sino, lalake pa yata yang kasama mo?"
"Hehehe ano ka ba ma wala akong kasama dito hehehe ako yun ma wag ka mag alala ma sinusu-"
"Is that mom babe? Hi mooom! How are you?" Inilapit pa niya yung bibig niya dun sa cellphone ko. Yuck maka mom naman toh.
"Anak sino yan! Pakausap nga diyan!"
"Hehehe Ma niloloko lang ako nina JamJam hehe andito sila ngayon eh. Ano ba JamJam manahimik ka nga ingay mo eh nakakairita eh. Sige na Ma mag papahinga na din naman ako hehehe bye Ma hehehe."
"Ashley Men-"
---toot--toot---
Agad kong piningot yung tenga ni Unggoy.
"Aray aray aray!" Daing neto. Waaaaah pahamak ka talaga unggoy na bakla na manghuhula.
"Alam mo papansin ka talaga eh noh. Pag ako talaga pinagalitan ng nanay ko naku naku naku papatayin talaga kita." Di ko pa din nagawang bitawan yung tenga niya.
"Eh kasi kung pumayag ka na lang sa mga sinasabi ko edi sana hindi ka pag gagaganyan tsk." Inis na tinangal ni unggoy yung kamay ko sa tenga niya.
"Umalis ka na nga nakakabulabog ka eh." Tinutulak ko siya palabas ng bahay. Pero sadyang malakas talaga ang mga unggoy kaya di matulak ng tao. Waaaah bakit ganun?
"Hindi ako aalis dito hangga't di ka pumapayag." Aba't may gana pa talagang sabihin sa akin yun. Kung may brilyante lang ako ng lupa dito edi sana pinalamon ko na siya ng buhay dito sa lupa.
"Kahit anong gawin mo di ako papayag." Tinutulak ko pa din siya pero bwisit talaga di ko siya matulak palabas ng bahay!
"Ay bahala ka mag dusa ka diyan di ako aalis." Kinukontra niya yung pag tulak ko sa kanya kaya umalis ako sa likod niya at ayun hehehe nalaglag siya. Engot hehehe.
"Bwisit ka itayo mo ako dito aso!" Tinignan ko lang siya ng masama at nag lalad sa sofa at nanuod ng TV hehehe. Encantadia na eh.
"Umalis ka nga diyan unggoy nakakainis ka na ah." Inis ko binato sa kanya yung unan.
"Hindi ako aalis hangga't di ka pumapayag."
"Umamin ka nga. Crush mo ba ako kaya ganyan ka ka- desperadong mapa oo ako sa gusto mo? Eh hindi ko nga alam kung ano yang gusto mong gawin ko eh." Ngumiti ako sa kanya ng mapang asar.
---Knock--Knock---
"Halika dito mag tago ka muna dito sa loob." Pareho kaming nataranta ni unggoy. Aba'y mabuti na yung sigurado.
"Ano po yun?" Tanong ko agad dun sa kumakatok. Inabot sa akin ni kuya yung bill . Nag thank you naman agad ako. Umupo na ako sa sofa at binuksan yung bill.
"Hala mapuputulan na kami ng koryente. Huhuhu di pala kami nakapag bayad ni mama. Saan ako kukuha ng pamb-"
"Edi tanggapin mo yung offer ko." Tinignan ko siya ng masama. Eh ayoko nga.
"Umuwi ka na nga nakakaistorbo ka na sa akin eh." Hinatak ko yung damit niya at hinila siya palabas ng bahay.
"Wag ka na babalik dito!" Binalobag ko yung pinto. Hay. Di na ako nakapanuod ng Encantadia. Paano pag nawalan kami ng koryente huhuhu.
***
"Pag tinangap ko yung offer ni Unggoy di ko din naman makukuha yung sweldo na sinasabi niya." Alam naman din naman na ni mama eh. Di siya pumayag. Pero
"Pag hihintayin ko pa mag padala si mama edi mapuputulan pa din kami. Pag nag trabaho naman ako hihintayin ko pa yung sweldo ko edi mapuputulan pa din kami." Nag lalakad na ako papunta sa school. Di daw kasi makakapasok yung dalawa at may mga SAKIT daw sila.
"Edi tanggapin mo yung offer ko." Napalingon ako dun sa nag salita. Hanggang dito ba naman?
"Tsk. Ewan ko sayo. Ganun din naman eh. Pag pumayag ako di ko pa din naman makukuha yung sinasabi mo sweldo ko." I rolled my eyes. Nakaka inis kasi eh.
"Hahaha okay fine edi unahin mo muna yung koryente niyo. Bigay ko pa sayo agad yung bayad eh." Napatingin ako sa kanya agad. Siya na lang pag asa ko mahirap ang walang koryente mga besh.
"Sigurado ka ba diyan?" Taning ko sa kanya.
"Oo nga hahaha ano payag ka na?" Tumango ako. Huhuhu wala na akong pag asa eh. Sorry maa sinuway nanaman kita. Sabihin niyo ng pasaway ako pero kailangan talaga. Inakbayan ako bigla ni unggoy. Hala loko toh ah. Inalis ko yung kamay niya at tinignan siya ng masama.
"Bakit? Hahaha ikaw talaga nilalagyan mo ng malisya lahat ng ginagawa ko eh."
"Teka lang huh. Ano nga ba yung trabaho na pinapagawa mo?" Umoo ako tapos di ko alam kung trabaho. Nako engot ka talaga Ashley eh. Mamaya di pala maganda yan.
"Lahat ng iuutos ko sayo gagawin mo kung saan ako pumunta dapat andun ka and kapag tumawag ako sayo kahit dis oras na ng gabi ay kailangan mo gawin yung mga sinasabi ko." Napanganga ako sa sinabi niya nasisiraan na ba siya? Ano ako alila? Gandang kong toh? Alila. Ayoko na bina-
"Wala ng bawian Ms. Ashley Mendoza." Ngmuti siya sa akin ng nakakaloko. Siomai di ko gusto yung ngiti niya. May plano siya di maganda huhuhu. Dapat di na lang ako pumayag huhuhu
---
BINABASA MO ANG
I Just Fell In love With A Bully
Teen FictionSiguro nga di natin masasabi kung sino ang mamahalin ng puso natin. Hindi natin pwedeng diktahan ito kung sino ang gusto nating mahalin.