[6]

27 3 0
                                    

Ashley's POV

"Nasisiraan ka na ba ng ulo Ashley Mendoza?! Talaga bang pumayag ka dun?!"

"Oo nga sira ka talaga. Parang bola lang eh. Maliit na bagay lang yun tapos papayag ka. Nako talaga!"

"Teka lang ang ang alam ko kasi di pa ako pumapayag eh. Ba't ba lagi niyo akong pinangungunahan?" Pag tataray ko sa kanila. Wala pa naman kasi akong sinasabing pumayag na ako kung naka react sila wagas.

"Hindi pa ba? Para kasing ano toh si Adelyn eh. Ang OA mo talaga mana ka kay Ashley." Aba't talagang nag sisihan pa sila.

"Ako talaga? Ikaw nga yung unang nag react diyan eh." Tinignan ko silang dalawa ng masama. Ang kulit kasi eh.

"Teka ano ba papayag ba ako? Kasi isipin niyo makakatulong na ako kahit papaano kay Mama diba? Pero teka parang ayoko." Kahapon ko pa din naman na pag isip isipan yan. Kaso may parte sa akin na nag sasabi ng wag pero may parte din nag sasabi na sige go makakatulobg yan sa mudra mo gumoraa ka naa.

"Tara lakad na tayo? Hanggat may oras pa baka mamaya ma late nanaman tayo eh." Saad ni Adelyn. Tinignan ko ang orasan, oo nga baka malate nanaman kami eh. Lumabas kami ng bahay at nag simula na mag lakad. Yung dalawa ayun nag kukulitan. Ako? Ayun pinapanuod sila. Napansin kong tumigil sila kay nag taka naman ako.

"Problema ba't kayo tumigil?" Kunot noo kong tinanong. Tinignan ko kung bakit sila tumigil. May aso mga ebs. Huhuhu takot ako sa aso.

"Diyan ka Ash." Gumitna si JamJam at nasa kabilang dulo naman aaysi Adelyn. Jusq ako pa talaga eh noh? Ako ng takot sa aso eh. Dahan dahan kaming nag lakad hanggang sa malampasan namin yung aso. May naalala ako bigla...

"At ikaw Asong palaboy laboy lang diyan sa labas. Yung di naliligo kaya sobrang baho. Well feel ko no let me correct that, mas mabango pa ang asong pagalagala diyan kesa sayo."

Bastos talaga yung unggoy na yun kaasar. Tama hindi na ako papayag hehe.

Sakto namang andito na kami sa school.

"Wala ng assembly mga ebs?" Takang tanong ni Adelyn. Nag kibit balikat lang ako. Umakyat kaming tatlo at nagulat ako kay kuyang grade 10 na hinihingi yung diary namin. Hala eh 7:00 kami umalis ng bahay eh bakit ganun?

"Nako po 7:50 na po kaya." Pinakita pa ni kuyang grade 10 yung wrist watch niya. Tama siya 7:50 na eh bakit ganun? Ang gulo.

"Anak pag ka ano bili ka ng battery para sa relos natin dito sa bahay ah?"

Waaaaaahhhhh kaya pala nag papabili si mama ng battery huhuhu. Wala akong nagawa kundi ibigay sa kanya yung diary ko. Sumunod na din yung dalawa sa akin.

"Bakit ganun ebs? 7:00 tayo umalis ng bahay ah?" Bakas sa mukha ni Jamjam ang pag tataka.

"Hehehe wala ng battery yung watch namin matagal na hehehe." Ngiting humihingi ng pasensya ang binigay ko sa kanila hehe.

"Nako ka talaga Ash. Tignan mo oh nasa loob na si Ms. Zamora  ano na gagawin natin ngayon? Gagapang nanaman ba tayo nako ebs ayoko na iitim tuhod ko noh." Pag tataray ni Adelyn. Sipain kita eh huhuhu.

"Alam ko na." Napatingin kami ni Adelyn kay JamJam. Nag katinginan yung dalawa at sabay ngumiti. Di ko gusto yung ngiti na yan huhuhu. Tinulak nila ako sa tapat ng pinto sabay katok tapos tumakbo sila dun sa kabilang pinto at pumasok.

I Just Fell In love With A Bully  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon