Part 1
ASHLEY'S POV
"Mag si gising na kayo! Hinahanap na tayo nina Tyler! Ano ba?! Late na tayo!" Pinag papalo ko na sila ng unan ayaw nila gumising! Andito kami ngayon sa kwarto ng kapatid ni unggoy at oo nakatulog kami sa pagod dahil bad trip ayaw ko na makalaro yun masyadong brutal.
"Jamika! Kaizer! Unggoy! Gising na!" Tinulak ko pa si Kaizer pababa sa kama rason para magising siya.
"Aray... ano ba natutulog pa ako eh..."
"Late na tayo! Kayo bumangon bangon na kayo! Bad trip kayo!" Tinulungan niya ako gising yung dalawa. Agad namang nagising si Jamika.
"Hala bastos ka ang sarap pa ng tulog ko eh!" Hinatak na ni Kaizer pababa si Jamika. Ba't ba ang hirap gisingin netong unggoy na toh!
"Hoy unggoy bumangon ka na! Aayusin pa natin yung pag kain at late na tayo! Kawawa naman yung mga bata!" Hinahatak ko patayo si unggoy kaso...
"Tsk. Can't you see I'm sleeping? You're too loud." Nalaki mata ko ng hatakin niya ako palapit sa kanya. Unting unti niyang dinilat ang kanyang mga mata at tinitigan ako. Agad ko namang iniwas ang tingin ko. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko jusq po. Tatayo na sana ako kaso pinigilan niya ako.
"G-gumising ka n-na k-kasi! L-late na k-kaya t-tayo..." Na iilang na sagot ko. Bad trip umagang umaga ganito agad mangyayari sa akin.
"Stand up."
"H-ha?"
"Stupid tsk." Aktong tatayo na siya kaya tumayo na din ako. Waaaaah! Ang stupid ko talaga! Pinapatayo niya pala ako! Grrrrr. Lumabas na siya ng kwarto at ako ang naiwan!
"Bastooooooooossss!" Tumakbo na ako pababa ng makita ko yung kapatid niya.
"Good morning son." Bati nung isang lalakeng medyo may edad na.
"Good morning dad." Hinalikan niya pa sa pisngi yung tatay niya.
"Good morning mom." Humalik pa siya dun sa babaeng medyo may edad din. Nakita ko sina Kaizer at Jamika na kumakain din. Ano ba late na tayo mga boi!
"Oh iha why don't you sit down eat with us." Nakangiting sabi ng nanay ni unggoy.
"I'm really sorry po pero I'm in a hurry." Nakangiti kong sabi.
"Iha ayos na lahat kaya makisalo ka na dun pati yung mga damit na susuotin niyo. Bumili kasi ang nanay ni Xavier ng makita kayong natutulog sa kwarto." Ay shoockkksss nakakahiyaaaa!!!! Ayaw ko naaa. Inalalayan pa ako nung mommy ni unggoy paupo.
"Hahaha sige na kumain ka na iha wag ka mag alala at naayos ko na lahat." Sabi pa nung nanay ni Unggoy. Makalipas ang isang oras ay handa na kaming mag tungo sa school. Oo isang oras dahil naligo pa kami. Buti na lang kamo madaming comfort room at yung suot ko ngayon hindi ako sanay huhuhu dress siya mga ebs maganda siya oo pero medyo maikli kasi siya hindi ako sa-
"Owemji ba't ang tagal niyo?!" Salubong ni Adelyn. Binuhat ko yung mga gamit para mamaya. Lumapit si Tyler sa akin at kinuha yung dala ko.
"Let's go? Van na lang tayo para isang sasakyan na lang." Sabi ni Tyler. Nag unahan naman sila sa pag pasok sa van. Tumabi ako kay na Jamjam.
"Alam niyo ba bad trip yang si ano si Kaizer!" Inis na saad ni Jamjam.
"Sabi ko na nga ba crush mo ko noh! Ikaw ah wag mong ipahalata mawawalan ng thrill eh." Pang aasar ni Kaizer. Ayan nanaman sila mag babangayan nanaman sila.
"Tsk. Kuya paki sarado nga yung bintana mo kasi grabe lakas nung hangin eh." Wika ni JamJam.
"Naka sarado naman iha eh." Seryosong sabi nung nag mamaneho. Napahagalpak kaming lahat ng tawa maliban kay JamJam
"Ay alam mo ba? Bad trip tong si Justin pati Kurt. Nag aaway sa harap ko." Inis na saad ni Adelyn.
"Ang sabihin mo naiinis ka lang kay Kurt dinamay mo pa si Justin."
"Sira ka ba JamJam? Pareho silang masakit sa side bangs! Alam mo ba nag aaway lang sila dahil sa quality ng mga plastic cups?! Sabihin mo sa akin kung sino hindi maiirita dun?!"
"Ayan umuusok nanaman ilong ni Adelyn." Sabay na saad ni Justin at Kurt. Nag tawanan nanaman kami. Binuksan ni kuya yung radyo at owemji yung tugtog!
"Waaaahhh kuya lakasan mo daliiiii!!!" Sigaw ni JamJam.
"Wag mong ililipat kuya! Diyan na lang!" Sigaw din ni Adelyn.
"Kuya ang hina lakasan mo pa kuya!" Sabi ko naman. Like owemji paborito namin yung kanta.
"Tsk. Anong mahina? Ang lakas lakas na kaya." Tinignan ko ng masama si unggoy.
Oh, maybe I came on too strong
Maybe I waited too long
Maybe I played my cards wrong
Oh, just a little bit wrong
Baby I apologize for it"Owemjiii kinikilig akoooo!" Sabay na sigaw naming tatlo.
I could fall, or I could fly
Here in your aeroplane
And I could live, I could die
Hanging on the words you say
And I've been known to give my all
And jumping in harder than
Ten thousand rocks on the lake"So don't call me baby!!" Biglang tumigil yung kanta. What why?! Owemji paborito ko yun!
"Anyare?" Takang tanong ni Adelyn. Nag kibit balikat lang kami ni JamJam.
"Ay sorry mga iha hehehe nasira nanaman yung radyo ko eh." Sabay sabay kaming nalungkot. Huhuhu dibale meron naman ako nun sa cellphone.
---
Eto lang muna mga ebs. Huhuhu busy kasi ako eh. Madami kasing ginagawa sa school eh. So ayun thank you ulit. Lab u mga ebs hart hart.
BINABASA MO ANG
I Just Fell In love With A Bully
Teen FictionSiguro nga di natin masasabi kung sino ang mamahalin ng puso natin. Hindi natin pwedeng diktahan ito kung sino ang gusto nating mahalin.