Ashley's POV
"Like seryoso? Really hahaha ang cutiee nun so romantic naman ng ginawa niyo hihihi." Saad ni Jamjam. Romantic? Sira ba siya. "Anong ROMANTIC dun? Nakakapagod kaya yun! Biruin mo yun pinag grate ako ng bareta! Tapos nung tinanong ko dun sa kasama nila sa bahay kung bumibili ba sila ng sabong panlaba aba alam mo ba kung anong sabi?! Bumibili naman daw sila ng sabong panlaba."
"Hahaha huminahon ka nga. Malay mo naman gusto ka lang makasama nun ng matagal." Pang aasar ni Adelyn. Makasama?!
"Makasama?! Ang sabihin mo pahirapan!" Inis kong hinampas yung table. "Tsk. Isampal ko sa kanya yung bareta. Mukha naman siyang unggoy kala mo gwapo. Eh nag munukha nga yung driver pag ako katabi nun oh wait hahaha di nga pala siya marunong mag drive. Hahaha." Tawa naman ng tawa yung dalawa.
"Hahaha you know you're really funny. Can I sit here?" Napatingin ako dun sa nag salita. Hihihi si Tyler pala. Luh landi mo Ashley. Agad namang sumangayon ang dalawa kaya umupo ito sa tabi ko. Habang kumakain kami ay nag uusap sila. Ang friendly talaga netong si Tyler. Nagulat kami ng bigla may nag bagsak ng kamay sa gitna namin ni Tyler.
Jusq tong unggoy na toh mamamatay pa ako sa gulat eh. Hinatak niya ako paalis dun. Saan nanaman ba kami pupunta ng unggoy na toh?
"Saan nanaman ba tayo pupunta mahal na prinsipe na mukhang unggoy na bakla na manghuhula?"
"You're too loud." Yan nanaman siya sa you're too loud na yan. Hina hina ng boses ko eh. Napansin kong nay dala siyang bag. Parang ang daming laman hahaha.
"Bring this." Nilagay niya sa ulo ko yung towel niya. Ano ba yan eh ang hirap mag ayos ng buhok eh huhuhu.
"Stay there mag papalit lang ako." Pinaupo niya ako dun sa may bleachers at iniwan yung malaking bag niya sa tabi ko. Mag lalaro ba siya? Ay Ashley hindi baka kumain siya diyan sa gitna. Ang daming tao. Hindi rin nag tagal eh bumalik siya.
"Ano nanaman ba kasi iuutos niyo mahal na prinsipe?" Imbes na sagutin niya yung tanong ko eh pumunta siya sa kasamahan niya. Aaah engots mo talaga Ashley baka may practice sila. May laban pala sila sa susunod na linggo. Eh bakit ngayon lang sila nag practice eh? Ganun na na sila kagaling?
"Tol lagi ka na lang may dalang chicks dito hahaha."
"Hahaha matinik talaga tong si Xavier eh pag dating sa babae eh."
"Pinag sasabi mong chicks yun chicks?! Yuck mukha ngang aso yan eh." Tinuro pa ako ni unggoy. Wow kapal din neto eh. Kapal level 101. Tsaka anong chicks! Mukha ba akong sisiw. Hehehe joke.
Nag simula na yung training nila. Hala ang galing nila hahaha astig nila mag laro. Lalo na si number 12, 07, at 01. Teka number 07?! Yuck si unggoy joke binabawi ko na di pala magaling si number 07. Pinag break time muna sila kaya tumakbo papunta dito si unggoy. Pati ba naman time nag brebreak? Aba wala talagang forever.
"Tubig." Tinignan ko siya pawis na pawis hahaha. Kinuha niya sa kamay ko yung towel niya.
"Wala ka bang balak kunin yung tubig ko?" Ay bastos toh sipain ko tong unggoy na toh eh.
"Eto na ho mahal na prinsepe kukunin ko na po oh." Kinuha ko yung tubig niya kaso bastos masyado yung tubig at ayun nag pagulong gulong ito pababa. Weeeh jusq naman eh.
BINABASA MO ANG
I Just Fell In love With A Bully
Teen FictionSiguro nga di natin masasabi kung sino ang mamahalin ng puso natin. Hindi natin pwedeng diktahan ito kung sino ang gusto nating mahalin.