[10]

21 2 1
                                    

Ashley's POV

Isang linggo na din ang nakalipas nung hinabol kami ng aso. Kung saan saan kami nakarating nun. Dahil din dun ay mas nakilala ko lalo si Unggoy. Mabait naman siya kung sa mabait. Pero sa iba lang hindi sa akin. Ganun daw talaga pag unggoy masama ang ugali sa magaganda tignan mo diba? Masama siya sa akin. Okay lang naman yun eh hahaha. Kasi alam niyo ba? Pangit siya diba so ba-

"Aso! Ano ba kanina pa kita tinatawag eh!" Hinatak ako bigla netong unggoy na toh. Paniran naman eh. Sinisiraan ko nga siya sa inyo eh

"Ano nanaman ba kailangan mo unggoy huh? Kung mang aasar ka nanaman tungkol sa asong humabol sa atin tigilan mo ako." Hindi ito natinag sa pag hatak sa akin.

"Ano ba kasi Unggoy naman eh!" Hala oo nga pala! Kaya pala kami pupunta dito kasi may laban sila. Alila nga pala ako neto. Kelan ba matatapos toh? Pagod na pagod na ako! Hehehe chaaar dramatic.

"Sit here diyan ka lang wag kang pupunta kung saan saan." Tumakbo ito papunta sa Comfort Room. Uhhm ang awkward kasi andito ako nakaupo sa may mga players. Uhhmm ang weird kasi ano nakatingin silang lahat sa akin.

"Stop staring at her. Can't you see she feels so uneasy." Napatingin ako kay Number 12 hihihi buti naman nakaramdam sila. First time ba nilang makakita ng magandang nilalang dito sa lupa. Biglang sumigaw yung mga manunuod at napatakbo yung ibang players. Hala ang engots talaga netong si unggoy HAHAHAHHA. Laki laking tao nadadapa ahahhaaha.

"Pffftt. Hahahahaha!" Di ko na pigilan yung tawa ko kaya tinignan ako ng masama ni unggoy.

"Stop laughing kung ayaw mong ipangatngat ko sayo tong sapatos ko." Natahimik naman ako bigla. Okay fine edi ikaw na! Hindi rin nag tagal eh nag simula na ang laban. Malaki ang lamang ng school namin yeah magaling talaga sila. Hangang sa natapos ang first quarter pagod na pagod sina Unggoy.

"Water." Agad ko namang binigay sa kanya yung gusto niya. Ayoko na kasi ng gulo jusq. Baka balatan ako ng buhay neto eh.

"Punasan mo ako ng pawis." Wala ba siyang balak kumilos. Nakakainis kasi eh kung hindi lang talaga toh pagod nagkakapambunuan nanaman kami dito.

"Baka gusto mong humarap dito." Agad naman itong humarap sa akin. Nabigla ako sa pag harap niya. Pinunasan ko na lang yung pawis niya. Ang tangos pa lang ng ilong neto ang ganda din ng labi niya mapula pula pa  ito tapos yung mata niya ang ganda. Ay bastos Ash pinag sasabi mo. Mukhang nga yang unggoy eh.

Makalipas ang ilang oras eh kitang kita mong nag kakainitan na ang mga players. Sobrang lapit ng laban dalawang puntos ang laman ng kalaban sa amin. Grabe sobrang pagod na pagod na yung mga players. Hindi rin nag paawat yung mga nanunuod. Pag tuwing may makaka shoot ng bola eh sumisigaw sila lalo na kung galing ito sa mga pinupusuan nilang manlalaro.

Napansin ko din si unggoy. Parang sobrang pagod na pagod na ito. Hala teka ilang segundo na lang ang natitira! 10 segundo mga ebs! Tapos yung bola nasa kalaban! Hala kailangan maagaw nila yung bola. Nagulat kami ng bigla etong agawin ni unggoy. Hala ayan na running monkey! Three points mo yan unggoy! Kukutusan talaga kita pag di yan pumasok!

"WAAWAAAAAA! LET'S GO BLUESTONE LET'S GO!" Agad namang nag cheer ang mga manunuod. Yehey panalo kami hehe. Buti na lang na shoot ni unggoy. Kaso habang tuwang tuwa ang lahat bigla na lang bumagksak si unggoy. Putek na yan!

"Hoy ayos ka lang?" Napatakbo ako papalapit sa kanya. Kaso wala siyang malay bastos tong unggoy na toh. Tinulungan ako ng mga players na dalhin ito sa clinic. Masyado yatang napagod ang unggoy. Haaay

I Just Fell In love With A Bully  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon