Ashley's POV
"Nako Ashley Mendoza anyare? Sino pinagalitan? Paplatalsikin ka na ba sa school? Di ka na ba namin makikita? Hala paano pag di ka na namin makikita wala na kaming aasarin. Mawawalan na din tayo ng terminal three"
"Hahaha paano ba yan Ash aalis ka na. Hehehe ang saya ko naman. Kasi di ko na makikita yung pag mumukha mo dito sa school."
"Ay sabagay mas maganda yun hehehe. Tama tama sige Ash umalis ka na wag ka ng bumalik ayoko na din kasing makita yung pag mumukha mo. Sawang sawa na kasi ako. Nakaka- ARAAAAY!"
"Kaibigan ko ba talaga kayo? Grabe pag tatabuyan ginawa niyo sa akin ah. Hahaha. Wag kayo mag alala mas mauumay pa kayo sa pag mumukhang ito kasi hindi ako pinatalsik. Sadyang OA lang talaga kayo mag isip." Pag tataray ko sa kanila. Sipain ko tong mga toh eh.
"Hehehe sayang dapat gumawa ka pa ng medyong mabigat na kasalanan para napatalsi- ARAAY NAMAN KANINA KA PA PALO NG PALO EH." Bastos kasi tong si Adelyn eh. Sasapukin ko na talaga toh eh.
"Bahala nga kayo diyan. May kakausapin lang ako." Pumunta ako dun sa tumulong sa akin kanina. Grabe buti na lang noh. Kung hindi edi na bangasan yung maganda kong mukha.
"Uhhmm I just want to say thank you for helping me." Sabi ko kay kuya helper. Ayan tutal di ko naman siya kilala eh.
"Hahahaha wala yun. By the way I'm Tyler." Inabot niya yung kamay niya sa akin. Huh? Tyler? Kapangalan niya si Kurt Tyler. Wow ah.
"Are you somehow related to Kurt Tyler? Kilala mo ba siya?" Medyo na curious kasi ako. Kapangalan niya eh. Parang kang engot Ashley hindi porket pareho sila ng name eh related na sila sa isa't isa ang engot mo talaga.
"Kurt Tyler? Well I know him but we are not related to each other." Ay jusq tong Tyler na toh grabehan pala mag english. Parang may accent pa na ewan.
"Ah hehehe sorry kala ko kasi kamag anak mo eh." Natawa naman siya ng bahagya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
~Oooooohhh Weeeeehh, Oooooohh Weeeeeehhhhh, Ooooohhhh WWeeeeh
Ang ganda talaga nung ringtone ko. Hehehe secret lang natin toh ah alam mo ba yung Encantadia hehehe nanunuod ako nun eh. Ang ganda kasi. Ssshhh lang kayo ah baka may makahalata.
"Ano nanaman kalokohan ang ginawa mo Ashley Mendoza? Di pa ako nakakatagal ng isang buwan dito binibigyan mo na ako ng problema."
"Aaahhh ganun ba? Hehehe sorry ma. Wag ka mag alala di naman ako yung nag simula nung gulo eh."
"Kahit na tinuruan ba kitang pumatol sa mga nang aaway sayo? Pinalaki ka naman ng tama ah?"
"Sorry po."
"Hindi pa tayo tapos Ashley Mendoza. Mag uusap pa tayo mamaya."
---toot--toot---
"Waaahh oo nga pala! Walang kanin sa bahay!"
"Is there any problem that bothers you?" Tanong sa akin ni Tyler. Nasabi ko ba ng malakas yun hehehe peace po kala ko kasi ano eh.
"Hehehe wala naman Tyl-"
"Oy Ashley tara uwi na!" Hinatak ako ni Jamjam palayo.
"Sisibat na si Ash eh sorry ah. Pero thank you din hahaha." Sabi ni Adelyn kay Tyler sabay palo.
***
"Alam mo ba kung bakit ako nandito ha Ashley? Andito ako para sayo. Andito ako para mapag aral ka. May makain ka sa pang araw araw. Wala namang ibang tutulong sa atin eh. Kaya dapat nag tutulungan tayo. Kaya mag aral ka ng mabuti dahil hindi ko din ginustong lumayo sayo. Abot abot ang pag aalala ko sayo. Kaya please nag mamakaawa na ako sayo mag aral ka mabuti." Mangiyak ngiyak na pag sesrmon ni mama. Ganyan talaga si mama eh. Buti nga hindi niya inu-ungkat ang tungkol kay papa.
Sa totoo lang kahit hindi ako masyadong close kay mama may parte sa akin na nagagalit, naiinis kay papa. Paano kung andito si papa? Edi sana masaya, sana hindi nahihirapan si mama ngayon. Edi sana kumpleto kami.
"Nakikinig ka ba Ashley?"
"Opo ma. Lalayo na po talaga ako sa kahit anong gulo. Sorry po talaga."
"Oh sige matulog ka na at may pasok pa bukas. Kamusta mo na lang ako sa mga kaibigan mo. Mag iingat ka lagi diyan ah. Yung pinto wag mo kakalimutan i-lock. Sige na anak bye na..... I miss you."
---toot--toot---
I wasn't expecting that word. Ngayon lang ULIT sinabi ni mama sa akin yan. Sobrang nakakatuwa. Parang di ko alam kung ano sasabihin ko.
"I miss you too ma." Yan lang ang nasabi ko habang nakatingin sa screen.
Enough with the drama hahaha. Labas muna kaya ako? Kailangan ko mag pahangin. Boring sa bahay eh. Napag desisyunan kong lumabas na ng bahay. At mag lakad patungo sa isang parke. Yeey walang tao sa swing. Agad naman akong nag tungo sa swing. Hehehe gabi naman na eh kaya oks lang. Tsaka napanuod ko naman na yung Encantadia kanina eh.
"Araaaaaayy!" Agad akong napahawak sa ulo ko. Ang sakit ano ba yun. Tinignan ko kung ano yung tumama sa akin. Bola? At sino naman mag lalaro ng basketball dito mga tsong mga tsang?
Nilapitan ko ang bola at kinuha ito. Tinignan ko sino ang may ari ng bola. At papasunog ko kay Pirena.
"Sirain ko kaya toh? Bastos yun ah." Kinuha ko yung matalim na bagay sa bag ko hehehe. Naiwan ko kasi yung brilyante ko eh.
"Hoy anong ginagawa mo sa bola ko miss?" Napatingin ako sa lalakeng nag salita. Siya nanaman ba? Bakit ba kasi ganun? Yung feeling na linalayuan mo na, lapit pa din ng lapit.
"Hindi ba obvious? Simple lang sinira ko." Pinakita ko pa sa kanya yung bola. Hehehe buti na lang sayo yan.
"What?! Are you insane?!" Kinuha niya sa kamay ko yung bola. Hahaha buti nga sayo loko ka kala mo ah. Tama lang sayo yan. Masyado ka kasing burara sa gamit eh. Maka alis na nga dito bahala siya diyan. Bibili pa ako ng Twin Pops huhuhu eto na si mommy hehehe.
"Where do you thin-"
"Wala ka na dun." Mabilis pa sa alas- kwatro ang sagot ko. Alam ko naman kung ano itatanong niya eh. Tara sibat na may bibilin pa ako eh.
"Sinong nag sabing umalis ka na agad?" Aba't talagang nakasunod tong unggoy na toh. Binilisan ko ang pag lakad kaso kaazar ba't ganun mas mabilis pa siya sa akin. Napag desisyonan kong tumawid baka sakaling hindi siya makasunod. At tama ako pag lingon ko sa likod wala na siya hehehe. Galing talaga ng powers ko eh pwede na akong tumira sa Encantadia. Nag patuloy lang ako sa pag tawid ko. Nagulat ako nung biglang may humablot sa akin at sinandal ako sa pader sabay harang ng isang kamay sa gilid ko. Waaaaahhh.
"Hindi mo ako kayang takasan." Ngumiti pa siya ng nakakaloko sabay kindat. Huhuhu parang bola lang eh.
---
BINABASA MO ANG
I Just Fell In love With A Bully
Teen FictionSiguro nga di natin masasabi kung sino ang mamahalin ng puso natin. Hindi natin pwedeng diktahan ito kung sino ang gusto nating mahalin.