3rd Person's POV
Pinuntahan nila Cyrox at Cyrisse sina Tammaira, nadatnan nila si Scarlett, Maxandra at Iris na naguusap, walang kaalam-alam sa nangyari kay Azalea. Kakarating lang din nila Ranger, Zuri at Zyrex, nagtinginan silang lahat na para bang may problema talaga.
"Oh? Ba't tayo andito lahat?" tanong ni Max.
"Oo nga." ani ni Zuri.
"Guys, pumunta ba dito si Aza?" tanong ni Cyrisse kela Tammaira.
"Hindi eh, pero ang alam ko pumunta siya kay Kieran." sabi ni Tammaira.
"Bakit? Ano ba nangyari?" tanong ni Iris na nagaalala sa kanyang pinsan.
"We have to find her." ani ni Cyrox.
Napagalaman nila na si Azalea ay hindi pa umuuwi sa bahay nila or sa condo niya man lang. Nakwento nila Cyrox na tumawag si Azalea sa kanila at rinig nila na parang nasa isang mataong lugar ang dalaga. Pumasok sa isip ng kaibigan nila na si Ranger na baka pumunta si Azalea sa tinatawag nilang Downtown, doon madalas pumunta silang magbabarkada. Nagpaiwan ang iba para magtanong sa kaklase nila. Sumama sina Iris, Max, at Tammaira kela Cyrox habang kasama ng iba sina Zyrex.
Nakarating na sila sa tinatawag nilang Downtown at nagtanong sa bantay sa entrance ng lugar. Pinakita nila ang picture ni Azalea at nagtanong.
"Kuya, nakita niyo po ba siya na pumunta dito?" tanong ni Cyrisse sa bantay.
"Nako ma'am, wala eh. Pero parang may kahawig siya na kakaalis lang kanina na may kasamang lalake." sabi ng bantay sa kanila.
"Sige salamat po." sabi nila at umalis na sa lugar.
"Saan na kaya yun?" wika ni Iris.
"Don't worry, mahahanap natin si Azalea." sabi ni Max sa kaibigan.
Patuloy silang naghanap kay Azalea, dumating ang umaga pero wala parin. Sa kabilang banda naman, walang kaalam-alam si Azalea sa lugar na kinaroroonan niya.
"Oy, gising na." tawag ng isang lalake sa mahimbing na natutulog na dalaga. Tumayo ang binata at inayos ang kurtina para masinagan ng araw ang dalaga. Nagising ang dalaga at dahan dahang binuksan ang mata.
"Naman eh! Maaga pa." reklamo ng dalaga at kinuha ang unan na nasa tabi niya at itinakip ito sa mukha niya. Natawa ang binata sa ugali ng dalaga at hinayaan nalang si Azalea na matulog.
Ilang minuto pagkatapos niyang gisingin ang dalaga ay nagising na talaga ito at nagtaka ang dalaga kung bakit ibang bahay ang tinulugan niya. Tumayo ang dalaga at pumunta sa sala. Nakita niya ang isang lalake na nakaupo sa sofa na naka jacket at naglalaro ng cellphone.
"Imposibleng si Kieran 'to." sabi ng dalaga sa isipan niya.
"Oy." tawag niya sa binata.
"Sa wakas gising ka na." sabi ng binata at tumayo. Humarap siya sa dalaga at nabigla si Azalea. Hindi niya kilala ang kausap niya ngayon.
"Oh my god, sino ka?" tanong niya.
"Sakit naman, di mo ako naaalala." sabi ng lalake at nilagay ang kamay niya sa dibdib niya.
"Sino ka nga kasi." tanong ulit ni Azalea.
"Ako yung hinila mo kagabi at hinalikan mo." deretsong sabi ng binata at umupo ulit sa sofa. Gulat na gulat ang dalaga sa sinabi ng binata.
"Hinalikan kita?!" gulat na tanong ni Azalea.
"Yep, galing mo nga eh." asar niya kay Azalea.
"Gago. Ba't ako andito?" tanong ng dalaga.
"Wala eh, napagod ako kagabi kaya sinabihan kita na sumama sakin at sumama ka naman talaga kaya ka andito. Di mo ba talaga alala?" tanong ng binata.
Umiling si Azalea at pinipilit na alalahanin ang ginawa niya kagabi. Unti unting naaalala ni Azalea lahat ng nangyari kagabi at nanghina nalang siya sa mga nagawa niya. Napatingin ang binata sa kanya at napansin na nanghihina ang dalaga. Linapitan niya ito at inalalayan. Pinaupo niya ito sa sofa at binigyan ng tubig.
"Nakakadiri yung ginawa ko." sabi ni Azalea.
"Nah, it was fine. Nag enjoy ako." biro ng binata.
Sinamaan ng tingin ni Azalea ang lalake at inirapan ito.
"Oh, chill. Joke lang." sabi niya sa dalaga.
"Sorry pala." wika ni Azalea.
"Nothing to worry, Azalea."
Napatingin si Azalea sa binata at nagtaka kung bakit niya alam ang kanyang pangalan. Tumawa ng mahina ang lalake at binigay ang school i.d niya sa dalaga.
"By the way, the name's Adam."
=================================================
errrrrr.