xx. gtkeo

865 24 1
                                        

3rd Person's POV

Pinuntahan nila Cyrox si Kieran sa Condo para itanong kung alam niya kung asan si Aza. Biglang kumatok si Cyrox sa pinto nito.

"Pasok" sigaw ng binata

"Kieran, we need to tell you something" sabi ni Cyrisse kay Kieran at sabay tingin kay Cyrox.

"What is it?" sagot ni Kieran, pero patuloy parin to sa paghalo sa kape na tinitimpla.

"N-nawawala si Aza" nauutal na sinabi ni Cyrox

"Fuck, bakit ngayon niyo lang sinabi?" naiinis na sabi ni Kieran na parang sinisisi niya ang kanyang sarili kaya kaagad siyang tumakbo para magbihis

"Hinanap na din namin kung saan saan pero hindi talaga namin siya makita, hindi na nga namin alam kung may nangyari ng masama" sabi ni Cyrisse.

Biglang lumabas si Top.

"Tinawagan niyo naba?" halatang sobrang alalang alala siya.

"Hindi namin matawagan" sabi ni Cyrox

"Kahit sa Downtown, wala eh" alalang alalang sabi ni Cyrisse.

Lumabas sila sa Condo at sinimulang hanapin si Aza.

Adam's POV

"Aza, baka gusto mo ng umuwi? Ihahatid kita sainyo? Baka nagaalala na lahat sayo" sabi ko sakanya kahit alam ko na ayaw pa niya.

"No, ayoko pa, pwede ba?Kahit dito muna ako ng ilang araw. Wala namang nagaalala saakin eh"

"Kung okay lang sayo, saakin okay lang" sabi ko

"Oo naman"

"Ano ba kasi nangyari sayo? Bakit lasing na lasing ka kagabi?" tanong ko dahil mukhang mabigat talaga ang problema niya

"Wala lang talaga ako magawa sa buhay, my life is a mess"

"Ano naman gagawin mo dito?"

"Gusto kita makilala, parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko pag kasama kita"

"Paano ka naman nakakasiguro?" sabi ko

"Eh, malay mo kung hindi moko nakita kahapon. Baka kung ano na nangyari saakin" sabi ni Aza habang nakatingin sa baba

"Maligo ka, bibili tayo ng damit mo." sabi ko nalang at umalis

"Wala akong pera, wala akong gamit, walang wala ako ngayon"

"Sagot ko na, dalian mo. Suot mo muna tong dress na to na hiniram ko sa kapatid ko" tumango nalang siya

Kaagad naman, pumunta si Aza sa bathroom.

Kieran's POV

Pagod na pagod na kami ni Cyrox at Cyrisse kakahanap kung asaan si Aza.

"Fuck, halos paikot ikot nalang tayo ah. Saan ba nagpunta yan si Aza? Sa kadulu-duluhan pa ata ng mundo" sabay punas ng pawis ni Cyrox kay Cyrisse.

"Gutom nako, tara munang kumain" natanaw namin ang Mall na malapit kaya dun nalang kami kumain.

"Order na kami ah" sabi ni Cyrisse at Cyrox at naupo ako sa dulo.

Ang tanga tanga ko, Alam ko kasalanan ko to. Kasalanan ko to kung bakit nangyari to kay Aza ngayon. Kung hindi ko siya ginanon sana maayos siya. Kieran ang tanga tanga mo. Ikaw lahat lahat ang may kasalanan nato. Paano kung may masamang nangyari kay Aza? Wala ka naba talagang gagawing mabuti sakanya?

Kaagad naman dumating si Cyrisse at Cyrox na pagod na pagod na kakahanap. Mahigit 3 oras na kaming naghahanap kay Aza pero wala parin eh. Aza, asaan ka na? Magpakita kana.

Adam's POV

Andito kami ni Aza sa Mall para ipamili siya ng gagamitin na damit.

"Okay na yan sayo?" mukhang madami dami na siyang nabili puro backless at itim at puti ang nakikita ko sa mga binili niya.

"Uh-huh, let's go?" sabi naman niya.

Pagkatapos namin bumili, kaagad kaming kumain at nagkwentuhan.

"Thank you ah, im sorry hindi kita mababayaran sa ngayon." sabi naman ni Aza.

"Azalea!!!!!" biglang may sumigaw sa likod namin na ikinagulat ni Aza at kaagad niya ko hinila sa dulo ng mga damit.

"Sino yon?" tanong ko sakanya dahil mukhang pamilyar sakanya ang boses

"Wala na ba siya?"

"Yung lalake? Oo ala na" at kaagad naman siyang nakahinga ng maluwag.

"Pamilyar ang boses niya"

Top Down [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon