Masters is about 5 people with extra ordinary abilities. It depicts a love transcending time and space. Love for family, friends and even strangers. It's a fantasy- action book.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
-Siya ang bagong hari ng Naerok. Siya ay mabait at hindi makasarili. Kahit na siya ay tumira sa Anihc ng sampung taon, nag-aalala pa rin siya sa mga kababayan niya sa Naerok. Pero dahil sa takot ng mga tao mula sa mga naunang hari, ang mga tao sa Naerok ay nahihirapang magtiwala sa kanya. Kaya siya nahihirapang umupo sa kanyang trono bilang hari dahil wala sa kanya ang suporta ng mga tao. Kahit na siya nag hari, wala siya sapat na kakayahan upang protektahan ang kanyang nasasakupan mula sa kalabang bansa(Anihc). Naging Hari siya sa kadahilanang ang Prinsipe ng Anihc ay walang interes sa pamumuno ng bansa na wala naman siyang pakialam. Ang bansa ng Naerok ay kontrolado ng Anihc dahil sa malakas na sandatahan at maraming mandirigma na nakaantabay lang sa kanila. Si Haring Ryu Hwan ay karapat-dapat na Hari na tutulungan ng Masters.
Prinsesa/ Reyna Seyu
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
-Siya ang asawa ni Haring Ryu at ang Reyna ng Naerok. Bago pa man siya maging reyna, siya ay isa munang prinsesa ng Anihc. Pinakasalan niya ang Hari dahil gusto ng Anihc ng kasiguraduhan na hindi sila pagtataksilan ng hari at mananatiling tauhan nila. Kahit na ang kasal niya at ng Hari ay inayos lamang ng Anihc, noon pa man mayroon na siyang natatagong pag ibig sa Hari. Pinangako niya sa kanyang sarili na tutulungan at susuportahan niya ang Hari sa kahit na anong balak niyang gawin kahit pa kailangan niyang pagtaksilan ang kanyang angkan ay gagawin niya para lang sa mahal niyang si Haring Ryu.
Kapitan Lee Choi
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
- Siya ang kapitan ng Elcid(Royal Guard). Siya ang inutusan ng dating hari na samahan at protektahan si Haring Ryu mula Anihc hanggang Naerok. Siya ay nirerespeto ng lahat dahil sa kanyang katapatan , pagiging makabayan at mapagkumbabang personalidad. Siya ang pumunta sa Nevaeh Universe para sunduin ang mahiwagang manggagamot para sa paggaling ng Prinsesa. Sa huli, Siya ay magiging Heneral ng Hukbong sandatahan ng Hari. Wala siyang pagsisisi sa kanyang buhay,at tinalikuran ang pag ibig para maging mandirigma. Hindi siya takot sa kamatayan. Siya ay matalinong mandirigma , na may kakayahang mag isip ng estratehiya at kaya din makipaglaban ng harapan.
Prinsipe Yukiseong Yuan
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
-Siya ang pinakakontrabida sa kwento. Siya ang panganay na anak ng Emperador ng Anihc.
Isa siyang baliw at gahaman na tao. Gusto niya nakokontrol niya ang lahat ng bagay. Sya ay gahaman at mausisa sa mga bagay na hindi niya maintindihan kaya ang naging resulta nito ay maraming pag aaral at eksperimento na ginawa niya sa kaniyang kawatan pati na din sa katawan ng iba. Dahil dito nagkaroon siya ng pambihirang kakayahan. Kaya niyang gawin ang kahit na ano na maging kasing tigas at kasing lamig ng isang yelo. pero ito ay limitado lang. Dahil kapag ginamit niya ito ng matagal ang kanyang mga lamang loob ay magyeyelo din at ang resulta ay kamatayan. Siya ay may dalawa pang nakababatang kapatid, si Seohyun at si Zhang Han.