Elcid's Chamber:
"Kinabahan ako kanina. Parang nabawasan ng 10 taon ang buhay ko. Saan mo ba nakuha ang kasulatan na iyon? Hindi naman tayo nakatanggap ng utos mula sa Hari na pumunta sa prinsipe, hindi ba?" -Choongsek
Hinagis ni Lee ang kasulatan kay Choongsek at binuksan ito. Nagtipon tipon naman ang ibang Elcid upang makita din ang laman.
"Anong ibig sabihin nito?" -Choongsek
"Mga pangalan yan ng mga ministro na namatay sa lason." - Lee
"Kung ganun eto ang ipinakita mo sa kanya?"
"HIndi. Ang ipinakita ko sa kanya ay isang pain. Ang ebidensya na nakita natin. Sinabi ko na gusto ng hari na malaman kung ano ang ibig sabihin ng nakasulat doon at bilang kilalang matalinong prinsipe, sinabi kong gusto ng hari na tulungan niya akong malaman kung sino ang pumatay sa kanila."
"Kung ganun ginamit mong pain sa prinsipe ang mismong galing sa kanya?"
"Di ko alam kung sa kanya talaga galing yun."sabi ni Lee at tumalikod sa kanila at nagsimulang matulog.
"Kapitan sa tingin mo ba, mapapain siya?"
"Hindi ko alam." sabi niya habang nakapikit
"Paano kung wala tayong makuhang reaksyon mula sa kanya?"
"ANO BA!!! PWEDE BA PATULUGIN NIYO MUNA AKO!!! LABAS!!" sabi niya sabay hagis ng mga gamit
Habang palabas sila nauna na sa baba ng hagdanan si Namjo at napaupo siya sa gulat ng makita si Sky na putol na ang pantalon at kita na ang mga binti.
"oh? Nandito ba ang kapitan ng Elcid?" -Sky
"A-a-a-no?" Sabi nya habang pinipigilan mapatingin sa kanyang binti,.
"Ang kapitan! Asaan ang kapitan!" -dahang dahang sabi ni Sky, hindi naman makasagot si Namjo dahil naaabala siya ng binti ni Sky.
"Hay naku! This place is big. Di ko sya mahanap, kanina pa ako paikot ikot. Ang sakit na nga ng sugat ko sa tuhod eh. Diba nasa loob siya?" -Sky
"Ahh.. o-o-o-o iha-ha-hatid na ki-ki-ta sa lo-lo-ob" habang papasok sila sa loob pinagtitinginan si Sky ng iba pang Elcid at nakita naman ito ni Lee.
"Kapitan halika dito. Kailangan kong tingnan ang temperatura mo." habang nagsasalita si Sky tahimik lang ang lahat nakatingin sa kanyang binti. "Alam mo ba ang pinakamahirap sa naging pagsasanay ko bilang doktor? Ang hanapin at gamutin ang mga pasyenteng matitigas ang ulo. Kaya lumapit ka na dito." Hindi kumilos ang kapitan kaya napilitan na lang si Sky na lumapit sa kanya. "Hubarin mo na ang damit mo." nagulat ang mga Elcid sa sinabi ni Sky "Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko hubarin mo na ang damit mo. Kapag di mo yan ginawa di ko malalaman kung kamusta na ang sugat mo. Titingnan ko muna ang pulso mo." hahawakan na sana ni Sky ang kamay ni Lee pero tinabig niya ito. "ahha. Makinig ka di ko hahawakan ng kamay mo, titingnan ko lang ang pulso mo. Kaya wag ka na mag-alala"
"Sino ang nakaposisyong magbantay ngayon?" -tanong ng kapitan sa mga Elcid "Lugar ba ito kung saan pwede maglabas pasok ang kung sino lang?"
"Akin na ang pulso mo." -nagtitimping sabi ni Sky
"Ang babaeng ito, samahan niyo siya pabalik sa kanyang kwarto." -Sinabi ni Lee habang pababa ng hagdan.
"HEY! YOU CRAZY JERK!!" sigaw niya sabay hagis ng bag niya kay Lee na nagpagulat sa mga Elcid
"Ano ba ang ginawa kong mali? Ikaw nga ang may kasalanan sakin eh, dahil dinala mo ako sa mundong ito. (remembering her brothers and started to cry ) Alam mo bang namumuhay ako ng payapa at madaming natutulungan? Pero ito ako ngayon, umaasa at naghihintay na magbukas ulit ang lagusan, na hindi tiyak kung kelan. Ikaw ang nagdala sakin dito, ni hindi mo nga ako pinapakain ng maayos. Alam mo ba naniniwala pa din ako na panaginip lang lahat ito, pero kahit na anong gawin ko, matulog man ako at magising nandito pa din ako. This is reality. Ang katotohanang muntik na akong pumatay ng tao. Pero ang taong yun ayaw man lang ako bigyan ng pagkakataong pagalingin siya. Huhuhu.. Ni hindi mo nga ako pinapayagan na hawakan ka. At ano nga ulit ang gusto mo gawin ko? oo, Ako ang sumaksak sayo. Humihingi ako ng tawad, kaya please, hayaan mo akong pagalingin ka."
BINABASA MO ANG
MASTERS
خيال (فانتازيا)Masters is about 5 people with extra ordinary abilities. It depicts a love transcending time and space. Love for family, friends and even strangers. It's a fantasy- action book.
