Chapter 4 (King and Queen)

15 1 0
                                    

Palasyo ng Yuan:

" Ikaw lang ang kaisa isang pagkakatiwalaan ko. Si Kapitan Lee Choi!  Hahaha,!!! Sigurado ka ba sa impormasyon mo? "  -Prinsipe Yukiseong

"Sigurado po ako, ayon sa ating ispiya nanggaling mismo sa Hari ang salitang ito." -Heebong (tagapayo ng Prinsipe)

"Sino ba yang si Lee Choi, galing ba siya sa isang kilalang pamilya?"

"Siya ang anak ng mandirigmang si Minho Choi." 

"Minho Choi?"

"Siya ang pinuno ng Dashi Gonghui, isang samahan ng may mga kapangyarihan."

"Hmm, Dashi Gonghui? Naalala ko noon na ang grupong yan ang dahilan kung bakit walang makatalo sa bansang Naerok. Pero dahil baliw ang pinuno nila sa pagsunod sa Hari kaya walang natira miski isa sa kanila at lahat sila ay namatay. Kung ganun, siya pala ang ama ni Lee Choi? Pero nakakatuwang isipin na may natira pa pala sa kanila hahaha.."

"Kilala niyo po pala sila , kamahalan."

"Oo, dahil sila ang dahilan kung bakit ako nagsumikap na magsaliksik tungkol sa mga taong may pambihirang kakayahan. Sa katunayan nga, hiniling ko sa aking amang emperador na ibigay sa akin ang bansang Naerok sa pag aakala na pagsisilbihan ako ng Dashi Gonghui. Pero ng maging makapangyarihan ang Anihc kaysa sa Naerok at nalaman ko na namatay na ang lahat ng kasapi ng grupong iyon, nawala ang interes ko sa Naerok.Sandali lang, nabigo ba ang pagpaslang sa prinsesa dahil kay Lee Choi?"

"Mukhang ganun na nga Kamahalan. Narinig ko pa na ang bagong hari ay sobrang mahina na miski sumakay sa kabayo ay hindi niya kaya.hahaha"

"Kung ganun, gusto ko mapasakin si Lee Choi at ang kanyang kakayahan.Gawin niyo lahat para mapunta siya sa ating panig, kayamanan , babae o kahit na ano ibigay sa kanya." nakangiting sabi ni Prinsipe Yukiseong.


Nagyeyelong Kagubatan:

Nakita ni Lee Choi ang kanyang sarili na naglalakad sa isang nagyeyelong kagubatan ngunit hindi siya nilalamig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakita ni Lee Choi ang kanyang sarili na naglalakad sa isang nagyeyelong kagubatan ngunit hindi siya nilalamig. Habang siya ay naglalakad may napansin siyang tao na nakatayo katabi ng puno.

" Hindi mo pa din ba ito nahahanap?" 


Nagising si Lee Choi at napansin niya na nasa loob siya ng tambakan ng mga gamit. Naramdaman niya ang matinding sakit sa kanyang natamong sugat at pinilit na kumalma.

"Kapitan! Handa na po ang mga tauhan natin, Ngunit 100 lang ang nakita kong mapagkakatiwalaan." - Choongsek

"Ang Mahal na Prinsesa?" -Lee

"Sabi ni Ginang Choi, siya na daw ang bahala sa pagbabantay sa Mahal na Prinsesa.Kaya pwede na natin ituun ang ating pansin sa pagbabantay sa mahal na hari."-Choongsek

MASTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon