Chapter 2.2 (Continuation)

11 1 0
                                        


Inn:

"Ang pangako ng isang mandirigma ng Naerok ay katumbas ng kanyang buhay. Gumawa siya ng pangako kahit na ang kapalit nito ay ang kanyang buhay, pero may isang utos na nagbalewala ng lahat. Kaya may dalawa na lang na pagpipilian; Ang sundin ang utos o mamatay. Gusto mo bang mamili sya sa mga ito? Ah hindi, maari niyang gawin ito pareho." –Prinsesa

"Ikaw, nagpaparinig ka ba sa akin ngayon?" –Hari

"Maaari ko bang gawin yun? Inaayos ko lamang ang pangyayari sa aking isip. Kung gusto mo ba siyang patayin, interesado akong malaman." – Prinsesa


Lagusan:

Nang bumagsak si Lee Choi, mula sa pagkagulat nagising ang diwa ni Sky at nagsimulang kumilos bilang Doctor.

"Kailangan ko ng tela! Kahit na anong makapal na tela para matakpan ang sugat pansamantala habang nililipat natin siya papunta sa inn." - Sky

"Pero Mahiwagang Manggagamot, wala na tayong oras para gamutin pa siya dito. Dahil nasa panganib ang hari kailangan na nating makaalis." -Tagapayo

Nang hindi sila sumagot, napilitan ang tagapayo na kausapin ang nanghihinang kapitan.

"Makinig ka! KApitan ng Elcid. Kapag ginamot ka niya at nanatili pa dito maaring manganib ang buhay ng hari." - Tagapayo

"Narinig niyo siya, um- ma-lis na kayo, pa-ba-ya- (ubo ng dugo).. pa-ba-yaan niyo na ako"  - Kapitan

(NO! Don't listen to him! He's delirious! What am I going to do, I can't stain my hands like this I'm suppose to be the savior not a killer)- Sky's mind

Sinabihan ni Sky ang Tagapayo na di niya pwedeng iwanan Si Lee dahil magiging mamatay tao siya at di maaaring mangyari yun. Naisip ng tagapayo na bigyan siya ng solusyon. Siya mismo ang tagapayo ang papatay kay Lee. Agad niyang kinuha ang espada sa katawan ni Lee sanhi para umagos ng malakas ang dugo. Nagulat si Sky sa ginawa ng tagapayo kaya madali niyang tinakpan ito ng kanyang kamay at inutusan ang mensahero na kunin ang kanyang gamit panggamot. Kailangan niya ng oprahan si Lee sa lalong madaling panahon.

Ang tagapayo ay inuutusan na ang mga kawal na dalhin ang mahiwagang manggagamot sa inn ngunit walang kumikilos. Hanggang sa sumagot ang ikalawang kapitan na ang mahiwagang manggamot na mismo ang nag utos na tulungan siyang takpan ang sugat para di tumagas ang maraming dugo.


Inn:

Ang mensahero ay nagmamadaling pumunta sa inn at sapilitang pumasok sa kwarto ng Hari para kunin ang kagamitan ni Sky. Tinanong nila ang mensahero kung anong nangyari pero di siya makasagot ng maayos dahil sa kanyang pagluha at tanging nasabi lang ay kailangan nilang iligtas ang kapitan dahil kung hindi mamatay siya.

"Kung ganun, sinuway niya ang utos ko?Kaya siya nasaksak ng espada?" –Hari

"Paano naman naming masasaktan ang kapitan? Kahit pa magsabay sabay kami di naming siya kakayanin. Parang awa niyo na po, padaanin niyo na ako kung hindi mamatay ang kapitan.!"- mensahero

"HINDI BA TINATANONG KITA?!" –Hari

"Hindi niya po kayo sinuway. Kaya nasa bingit sya ng kamatayan ngayon."- nakaluhod na sabi ng mensahero

"Umalis ka na. Pinapayagan na kita umalis. Ikaw, Doctor Jang sigurado akong kailangan ng tulong mo ang taong nagligtas sa akin. Bilang reyna ng Naerok inuutusan kita." –Prinsesa

MASTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon