Chapter 1.2 (Continuation)

26 2 0
                                    


Inn:

"Manggagamot! Manggagamot!! Nasisiraan ka na ba? Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?"-Tagapayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Manggagamot! Manggagamot!! Nasisiraan ka na ba? Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?"-Tagapayo

"Sa nakikita mo, ginagamot ang sugatan."- manggagamot

"Dapat ang ginagamot mo ay ang Mahal na Prinsesa. Hindi mo ba alam kung ano ang sitwasyon natin ngayon? Maari na tayong mamatay. Halika na."- Tagapayo

"Parmasutiko, ikaw na muna ang bahala dito" –manggagamot

"Opo."- parmasutiko (assistant ng mangagamot)

"Ito na katapusan ng Naerok. Kamahalan, sino ba ang Reyna ng Naerok? Siya ang prinsesa ng Anihc. Titingnan mo lang ba siya hanggang sya ay mamatay? Mayroon ng usapan tungkol sa pagpapailalim ng Naerok sa Anihc. Paano kapag may nangyari sa prinsesa? Maaring ito ang maging dahilan nila para tuluyan tayong sakupin."- Tagapayo

"Wala na ba tayong pag asa?" –Hari

"Ang ugat sa leeg ng prinsesa ay nahati sa dalawa. Sa pamamagitan ng pagbagal ng kanyang pulso ay napatigil din ang malakas na pagdaloy ng dugo pero ito ay pansamantala lang."-manggagamot

"Kung nahati ito sa dalawa, bakit di nalang pagkabitin?"-Tagapayo

"Naglagay ako ng karayom upang pahintuin ang pagdaloy ng dugo. Kapag tinanggal natin ito maaring tumagas ang malakas na dugo at hindi na natin ito magagamot pa." –manggagamot

"Hindi. Hindi pwede. Kailangan natin syang mapagaling." –Tagapayo

"Hindi ako galling sa kalangitan para makagawa ng imposibleng bagay." – manggagamot

"Anong imposible. Galing sa ka-la-ngi-tan?" biglang naalala ng Tagapayo ang pulang hangin na kanyang nakita.

"Kapag namatay ang babaeng yan, mamatay din ang Naerok. Ganun din ba ang tingin mo kapitan?" –Hari

"Isa lamang akong kawal, wala akong alam tungkol sa pulitika."- kapitan

"Ngayon na isa na akong Hari, hindi ko man lang magawang protektahan ang aking bansa. Napakagaling ko naming Hari." –hari

"Mayroon pang paraan, kamahalan. Mayroong manggamot na galling sa kalangitan malapit dito. Alam ko kung saan. "-Tagapayo

"Kung ganoon nasaan siya? Kailangan nating siyang dalhin dito." –kapitan

"Siya ay nasa kalangitan.At alam ko kung saan ang lagusan." –Tagapayo

Habang naghahanda ng gamit,

"Siya si Philip Jang. Ang pinakamahusay na manggagamot sa Naerok. Pero miski siya hindi mapagaling ang prinsesa. Ang tanging pag-asa na lang natin ay magdasal sa langit ." – Tagapayo

MASTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon