Chapter 5.1 (Vessel)

15 3 0
                                    


" Doktora. Kailangan niyo na pong magbihis." -Ginang Choi

"Sandali Lang! Bakit?"-Sky

"Utos po ito ng mahal na Hari."


Pasilyo:

"Hindi pa ako nakakapagdesisyon. Ganunpaman, ang haring makikita niyo mamaya ay maaring hindi maging kaaya aya sa inyong paningin. "- Hari

"Anong ibig mong sabihin kamahalan?" -Reyna

"Kung iyuyuko ko ang ulo ko at hahayaan silang insultuhin ako, ibig sabihin maaari pa akong manatili sa aking posisyon. Ayos lang ba sa iyo ?"

"Mahirap mang sabihin ngunit hindi ako sang-ayon"

"Sabi ko na ba yan ang sasabihin mo."

"Nasaan nga pala ang Kapitan?"- Reyna

"Hindi natin siya makakasama sa ngayon, dahil mayroon siyang sakit."

"Sakit ba talaga?"

"Dahil wala ang kapitan kailangan natin ng bagong plano."

"Hulaan ko, ang mapanlinlang mong tagapayo ang nag isip niyan?"

"wala akong magagawa dahil ito lang ang meron ako ngayon."

"Nakakagulat ang pangyayaring ito. Ang hari ay ipinapaalam sakin ang kanyang plano."

"Dapat lang na sabihin ko sayo ito, dahil kahit na anong insulto at kahihiyan ang ibigay sakin siguradong ganun din sayo. Mahal na Reyna"


Pagkatapos ay dumeresto na ang Hari at Reyna sa lugar ng pagpupulong.

"Mahal na Hari at Reyna, natutuwa ako dahil ligtas kayong nakarating dito sa Naerok."- Ministro

"oo tama ka. At dapat nating itong ipagpasalamat sa langit. Alam naman nating lahat kung anong pagsubok ang nilagpasan namin makarating lang sa Naerok. Patunay dito ang nangyari sa Reyna, muntikan na siyang mamatay ngunit binuhay siya ng doktor ng kalangitan." sakto sa sinabi ng Hari, ipinakita niya si Sky sa harap ng mga ministro. Dahil sa pagkabalisa at pagkalito kung bakit siya naroon nagtangka siyang umalis sa kanyang upuan ngunit pinigilan siya ni Ginang Choi na nakatayo sa kanyang tabi.

"Inisip kong mabuti, bakit ipinadala siya ng langit sa Naerok at hindi sa Anihc o Napaj, Bakit dito? At bakit sa haring kagaya ko? Ano sa tingin niyo? ..... Idagdag pa ang kaalaman niya sa hinaharap. Sinabi niya sa akin kung ano ang aking dapat gawin at kung ano ang aking mararating sa hinaharap. Gusto niyo rin bang malaman?"

"Wala na talaga itong pag-asa!" pagtigil ni Yukiseong sa Hari

Sa pagpasok ng prinsipe, mapapansin ang mga ministro na nagbibigay galang sakanya.Walang nagawa ang hari kundi ang tumahimik at tingnan si Yukiseong

"Kamahalan! Ako si Yukiseong, prinsipe ng Anihc pero dahil nakatira ako sa Naerok masasabi kong isa din ako sa mamayan ng bansang ito. At ng malaman kong nandito na ang mahal na hari nagmadali akong pumunta dito. Ngunit ano itong naririnig kong kwento tungkol sa langit? Lagusan? Mahiwagang manggagamot? Hinaharap? Hmm.. Kahit na napakabata mo pa para mamuno at kahit na lumaki ka sa ibang bansa. Kahit na anong kwento ang marinig mo, isa kang Hari ng Naerok, hindi ka dapat basta basta naniniwala sa sabi-sabi."- sabi ni Yukiseong habang papalapit sa hari. 

(I don't know what is happening here. But one thing i'm sure of that man is insulting my favorite King!!! Whatever his reason is, he is not showing respect to my King!!)

MASTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon