Laganap na sa buong palasyo ang malahimalang ginawa ng Mahiwagang Manggagamot. Ang sabihin ang hinaharap! Mula sa tagasilbi ng hari, tagaluto, gwardya hanggang sa tenga ng mga Elcid. Habang pinag uusapan ni Lee at doctor Jang ang tungkol sa dugong nasa papel na nagsisilbing ebidensya ay napansin ni Lee ang usapan ng mga Elcid. Nang maibigay na ni lee ang ebidensya kay Doctor Jang upang ito ay obserbahan, umalis na siya upang tanungin ang isa sa mga Elcid.
"Tungkol saan ang pinag uusapan niyo?" -Lee
"Ahh.. ano "
"Bakit di kayo makasagot?"
"Hindi kasi nila ako pinaniniwalaan."
"Tungkol sa?"-Lee
"Manggagamot. Diba totoo naman kapitan na kayo mismo ang nagdala sa kanya dito galing kalangitan. Kahit ilang bes---ahhh.." di na niya natapos ang kanyang sasabihin ng sipain siya sa binti ng kapitan.
"Elcid! Itikom niyo yang bibig niyo at gawin ng tama ang inyong trabaho."- Lee
"Sino sa inyo, ang unang pinanggalingan ng bulung-bulungan na ito?" - Lee
"Hindi sa amin nanggaling ang usapin na yun, nanggaling ito mismo sa kwarto ng Mahal na Hari."
"Anong ibig mong sabihin?"- Lee
" Nanggaling mismo ito sa bibig ng nagsisilbi sa mahal na hari at naging usapan na sa loob at labas ng palasyo."
"Miski ang mga tao sa labas ay pinag uusapan na ang tungkol sa pagligtas ng manggagamot sa Reyna."
" Tama yun. Ang tanging ginawa lang namin ay sagutin ang tanong nila."
Dahil sa narinig ni Lee Choi mula sa mga Elcid ay nagmadali siyang hanapin si Sky.
"Sabi ng mahal na Hari dito ka na daw matutulog, bukod sa malaki ito ay malapit pa sa pinagtatrabahuan mo."- Ginang Choi
"Talaga? Ang bait talaga ng mahal na hari." habang naglilibot ng paningin si Sky ay nagulat naman siya sa pagsulpot ni Lee Choi .
Bago pa man makabati si Sky ay agad na siyang hinila ni Lee at iniwan si Ginang Choi sa loob.
"Teka lang, totoo bang Lee Choi ang pangalan mo?" -Sky habang hila hila pa din ni Lee
"Hindi pa ako masyadong malakas ngayon pero wag ka mag alala, magtatalaga ako ng mga mapagkakatiwalaang tao para bantayan ka." -Lee habang nagmamadaling maglakad at hilahila padin si Sky
"Bantayan ako?" sabi ni Sky habang nagpumiglas ay huminto sa paglalakad
"Kung wala ka namang gagawin dito, halika ka na at delikado ang manatili." -sabi ni Lee habang kinukuha ulit ang kamay ni Sky at nagmadali uli maglakad.
"Bakit?" -Sky habang bumitaw sa kamay ni Lee at huminto ulit.
"Pwede ba wag ka na lang magtanong." -Lee, hinawakan ulit si Sky sabay lakad
"Sandali nga lang!" pagpupumiglas ni Sky sabay hinto " Bakit ko naman kailangan sumunod sayo? Alam mo ba na may kakampi na ako na mas mataas ang posisyon kaysa sayo, kilala mo ba kung sino siya? Walang iba kundi ang mahal na Hari."
"Ikaw dyan! Wala ka bang sako?" Nakita naman ni Sky ang piping babae sa kanyang likudan "Tulungan mo ako isako ang babaeng ito."
"Sandali lang! "
BINABASA MO ANG
MASTERS
FantasyMasters is about 5 people with extra ordinary abilities. It depicts a love transcending time and space. Love for family, friends and even strangers. It's a fantasy- action book.