Palasyo ng Yuan:
Dahil sa inimbitahan ni Prinsipe Yukiseong si Lee Choi at Sky na kumain, di naman sila makatanggi sa kadahilanang nagugutom na si Sky. Habang nasa hapag kainan sila, binigyan ni Yukiseong si Sky ng inumin na agad din namang kinuha ni Lee Choi at ininom.
"Ano? May lason ba?" -Prinsipe Yukiseong
"Ha?Kinuha mo sa akin ang inumin para malaman kung may lason o wala? Nababaliw ka na ba? Paano kung namatay ka?" nag aalalang tanong ni Sky
"Ikaw ang mahiwagang manggagamot. Kaya mo akong pagalingin. Kung may nangyari sayo, wala akong magagawa." kalmadong paliwanag ni Lee kay Sky
"Tingin mo ba biro lang ang lahat? Ha? " galit na sabi ni Sky sa prinsipe
"Diba ikaw naman ang nag umpisang magbiro? Mangkukulam! Nanggaling sa langit? tagasunod ni Han eul? Ang lahat ng ito ay pawang kasinungalingan lang. Tingin mo ba maniniwala kami sayo? Sabihin mo ang totoo, sino ka ba talaga?" sabat naman ni Heebong na isang tagagapayo ng prinsipe.
"Alam mo, nababaliw ka na! Tingin mo tumatahimik lang ako dito kasi guilty ako sa mga binibintang mo? Hay naku di bale na nga! Arghh.. " napangiti naman si Yukiseong sa ikinilos ni Sky.
"Ikaw naman Prinsipe Yukiseong, di ba sabi mo may pasyente ako? Asan na siya?.... Alam mo ba kapitan na nagkaroon sila ng kasunduan ng hari kung mapapagaling ko ba ang pasyenteng sinasabi niya?"
"Hindi mo ba alam kung anong mangyayari sayo kapag di mo napagaling ang pasyente?" sabat ni Seohyun
"At ano naman yun?" walang ganang sabi ni Sky habang tuloy lang sa pagkain.
"paparusahan ka at bibitayin kapalit ng panloloko mo sa hari at mga tao." nakangiting sabi ni Seohyun.
Bigla naman nakaramdam ng kaba si Sky pero hindi niya ito pinahalata dahil sa tingin niya ang mga taong nasa harap niya ay ang pinupuntirya talaga ay ang hari kaya kapag umiwas siya sa kahit na anong ibato nila siguradong tatamaan ang hari. Siya ang matibay na kalasag ng hari kaya di siya pwedeng magpatalo sa kanila.
"Hahahaha.. Nakakatawa talaga kayo. Tingin niyo natatakot ako? Hay naku, makainom na nga lang." agad silang nagulat sa reaksyon ni Sky habang si Sky naman ay sunod sunod ang paglagok sa alak na iniinom niya.
"Huminahon ka lang!" pagpapatigil ni Lee kay Sky sa pag inom.
"Isa ka ring nagpapatawa. Tingin mo ba sa lagay kong ito hihinahon pa ako? Tingnan mo nga kung paano nila ako kausapin." Pagdadabog ni Sky
"Asan na po ba ang pasyente?" tanong ni Lee
"Oh? sa totoo niyan gusto ko sana siyang magpagaling ng malapit lang dito kaso bigla ka naman dumating kaya nagbago na ang isip ko. Alam ko na kung sino ang magiging pasyente niya." - Prinsipe Yukiseong
"Sino siya?"
"Ang dating hari na pinrotektahan mo ng 3 taon. Hindi ba napatalsik siya sa kanyang posisyon dahil sa masyado pa siyang bata. Ngayon nasa dulong bahagi siya ng Naerok at may matinding karamdaman. Kung siya talaga ang doktor ng kalangitan, mapapagaling niya ito. Gusto kong samahan mo siya patungo sa lugar na yun. Napakadelikado ng tatahakin niyang lugar papunta dun at bago lamang siya dito. At hindi ba sabi mo mahal mo siya? Sigurado akong hindi mo siya hahayaan pumunta dun mag isa."
Hindi na napigilan ni Sky ang mainis kaya naisipan niyang umalis na lang sa lugar na yun ngunit pinigilan siya ni Kapitan Lee Choi.
"Ano ba ang binabalak mo?" tanong ni Lee sa prinsipe.

BINABASA MO ANG
MASTERS
FantasiaMasters is about 5 people with extra ordinary abilities. It depicts a love transcending time and space. Love for family, friends and even strangers. It's a fantasy- action book.