Ospital ng Palasyo:
Habang naghahanda si Sky ng mga panibagong gamot para kay Lee ay nagulat siya sa pagsulpot ng piping babae. HIndi niya maintindihan ang ibig nitong ipahiwatig kaya hinila na lang siya papunta sa kinaroroonan ni Lee at nakita niya doon si Namjo na nagbabantay.
"Ang katawan ng Kapitan ay unti unti ng lumalamig. Humihina na din ang kanyang pulso." nag-aalalang sabi ni Namjo
"Nasaan si Doktor Jang?" -Sky
"Nanggagamot siya ng ibang pasyente. Kanina pa siya umalis."
Napansin ni Sky ang hindi maayos na itsura ni Lee. Halatang ayaw na nitong mabuhay pa. Lungkot ang nadarama ni Sky pero wala siyang magawa dahil ordinaryo na lamang siya at nawala na ang kakayahan niyang magpagaling ng madalian. Ang tanging maaasahan na lang niya ay ang galing niya bilang isang doktor ng siyensya.
"Wala ka bang gagawin? Hindi pwedeng wala. Gumawa ka ng gamot o kahit na ano basta gumaling lang siya. Kailangan mo ba ulit yung kagamitan? Nilinis ko na siya kaya parang bago ulit"- Namjo
"Sana mayroon tayong ventilator, electrocardiogram o pulse meter man lang."
"Ano po ba yang sinasabi nyo?"
"Sinasabi ko na wala dito lahat ng kailangan ko."
"Pero ikaw ang doktor ng langit. Dapat may kakayahan kang pagalingin agad siya."
"Yan lang ang tawag niyo sakin. Wala na akong especial na kakayahan tulad ng sinasabi mo."
Dahil sa sinabi ni Sky, napilitan si Namjo at ang piping babae na lumabas dahil di nila maatim na tingnan ang kalagayan ng Kapitan. Nang umalis na sila sinubukan ni Sky na kausapin ang natutulog na si Lee.
"Nandyan ka pa ba? Alam mo bang narinig ko ang paguusap niyong dalawa ng hari? Alam ko na maraming masasaklap na pangyayari ka ng napagdaanan pero di lang naman ikaw eh. Marami ding tao ang nakakaranas niyan pero gusto pa rin nilang mabuhay. Dahil--- Dahil---" hindi na natapos ni Sky ang gusto niyang sabihin ng mapansin niyang hindi na humihinga si Lee.
(He is having a cardiac arrest. I need to perform CPR!!)
Habang ginagawa ito ni Sky, naghahalo na ang kaba, takot at pag-alala na kanyang nararamdaman. ( You Jerk!! Please live. I don't want you to die. Cloud!! Star!! Moon!! Sunny!! Help!! Anyone!! Please don't die. If you die i'm going to be a murderer.) Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin humihinga si Lee, paulit ulit na ginagawa ni Sky ang CPR ngunit ang pulso ni Lee ay unti unti ng nanghihina.
"Manggagamot! Anong nangyayari?" - nagulat si Namjo sa kanyang pagdating ng makita niya ang nangyari sa kapitan. Agad ding umalis ang piping babae upang tawagin si Doktor Jang.
Nang mapatingin si Sky sa kinaroroonan ni Namjo bigla niyang nakita ang imahe ng kapatid niyang si Moon.
(Am i dreaming? or is it because i'm desperate. I see Moon in him. I don't care anymore, but i need to call Moon through him.)
"Gusto mo bang tulungan ang kapitan? Kung gusto mo siyang tulungan lumapit ka sa akin at umupo ka dito."- nagmamadaling sabi ni Sky
"Oo gusto ko. Pero paano ko siya tutulungan."
"Makinig ka! Ipikit mo ang iyong mata at wag kang didilat hangga't di ko sinasabi. Dahil kapag dumilat ka maaaring mamatay ang kapitan."
"Naiintindihan ko."
Agad namang ginawa ni Namjo ang gusto ni Sky. Lumapit siya kay Namjo at hinawakan niya ito sa dibdib.
(if i remember correctly, Moon said that calling them from a vessel means i need a lot of energy. I have a lot of energy in me so it's ok. I should remember his instruction clearly because i can't afford to make mistake right now! Step 1: Hold my right hand to his chest. Step 2: Feel his heartbeat. Step 3: Make his heartbeat into kinetic energy and firmly hold it in my hand. Step 4: Put the energy in his head and call the person whom this vessel belong to.)
BINABASA MO ANG
MASTERS
FantasyMasters is about 5 people with extra ordinary abilities. It depicts a love transcending time and space. Love for family, friends and even strangers. It's a fantasy- action book.