"Ano papatayin ba talaga natin ang isang ito?." Tanong ng lalaking may hawak na baril sa kasama niya, na kaharap din ang kawawang journalist na si Elaine Perez na walang habas na tinali sa upuang kahoy sa isang abandonadong gusali.
"Oo eh, di ba nga sabi ni boss lahat ng mga nangengealam sa mga ginagawa natin papatayin na agad, kaya bilis na iputok mo na yang gatilyo! Baka tayo pa ang mapatay ni boss!." Pahayag ng isa.
Nangamot naman ng ulo ang isa.
"Eh sa lahat ng mga nahuli natin ito ang pinakamaganda eh! Sayang siya pare!." Dahil sa ingay ng dalawa nagising naman na si Elaine na kaninang walang malay.
Nagmakaawa ang dalaga sa dalawang estranghero. Dahil sa panghihinayang sa dalaga ay di nila ito pinatay bagkus ay dinala nila ito sa kanilang headquarters at pinakilala sa kanilang pinuno. At iniwan ang dalaga sa sinasabing pinuno na ngayon ay malamig na nakatitig sa kanya habang may hawak itong kopita na naglalaman ng mamahaling wine. Di maipagkakaila ng dalaga ang labis na atraksyon sa lalaki, napakaperpekto ng mukha nito di mo maiisip na isa itong kriminal. Ngayon na nakita na niya ang lalaki ng malapitan, parang gusto na niyang burahin at sirain lahat ng mga nakuha niyang impormasyon dito. Isa itong mafia boss for pete's sake dapat di siya makaramdam ng ganito!.
"Be my toy and I'll let you live." Nanlamig ang katawan niya sa narinig mula sa mga mapupulang labi nito.
...
Started : April 12, 2017
End:Thank you for the bookcover ArcanaElixir
![](https://img.wattpad.com/cover/104544010-288-k49512.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss Obsession
Action"Be my toy and I'll let you live." ...... The images/pictures used in the story is NOT mine. Credits to the rightful owner of the pictures.